Chapter 34: The Masquerade Hearts

5 0 0

Ipinaayos ni Vixen ang kanyang buhok. Medyo humaba narin ng konti kaya pina-curle niya ito at pinakulayan ng brown at gumamit ng brown contact lens. Inihanda niya ang kanyang sarili sa pagiging opisyal nila ni James na magnobyo.

"Miss handa na po ba kayo? Ihahatid na po namin kayo sa Mansyon ng mga De Rosales!"

Mauuna si Vixen pumunta duon sa Masquerade Ball na gaganapin sa Mansyon ng magulang ni James. Duon din nakatakdang maganap ang pagaannounce ni James ng kanilang kasal. May pinuntahan si James, nangako na mang konting oras lamang ito mahuhuli.

"Oo,sige susunod na ako." Sabi ni Vixen

Isinuot niya ang pares guwantes at ang kanyang simpleng black fitted na dress. At kinuha maskarang isusuot niya.

Samantala sa Tree House naroon si Julia at nakikiusap na huwag dumalo si Kenneth dahil natitiyak na lilikha ito ng gulo.

"Kenneth, Makinig ka..naroon ang lahat ng kasapi. Naroon ang kapatid mo, ang bagong lider at baka may mangyari sa iyong masama."

"Lahat ng nandoon nakamaskara...at higit sa lahat puro nasa alta sa syudad ang naroon hindi sila gagawa ng ikasisira ng imahe nila. May mga opisyal ng bansa ang naroon..alam ko ang ginagawa ko..."

"Basta magingat ka.."

"Julia, wala na akong hindi kayang ibuwis ngayon..sasama ako sa mga gustong magpabagsak sa Org."

Nanlamig ang buong katawan ni Julia sa sinabi ni kenneth kaya napalagok siya ng isang baso ng vodka.

"Bago ka makarating sa Ball lasing ka na..."

"Kenneth.. bahala ka."

Tinawanan lamang siya ni Kenneth.

Sa Mansyon ng Mga de Rosalez

Bumaba si Vixen, nagulat siya sa dami ng mga naroon. Elegante at naggagandahan ang mga kababaihan sa suot na gowns terno sa kani kanilang maskara. Ang lalaking body guard na si Roman ang nagescort kay Vixen papasok ng mansyon. Sa loob, sinalubong siya ng ama ni James.

"Your already here Hija, come in."

"Thank you po sir."

"Your soon to be my daughter, called me Papa..anyway, enjoy the night."

"Okay, po Papa..thank you po."

Sa dami ng tao naramdaman ni Vixen ang pagiging out of place niya sa lugar. May naririnig siyang mga kababaihan na naguusap tungkol kay James. At dahil wala sila picture sa wedding invitation hindi siya kilala. Kumuha siya ng wine at ininom.

Nagsimula na ang Emcee magtoast at nagsimula ng magsayawan ang ibang may mga kapartner.

Hahakbang ng palabas ng pinto si Vixen ng mabunggo niya ang isang panauhin..agad siyang nag sorry at tumalikod. Natigilan ang lalaki ngunit pagtingin niya ay nawala naman si Vixen.

"Imposible..narito siya. Ang boses na iyon.?" Sambit ni Kenneth

"Ano?...Sino yung nakabunggo mo?..ngayon ko lang siya nakita. Anyway she's nobody..parang ang saya sumayaw..let's dance.!"

"Duminstansya ka. Julia mamaya na tayo magusap.."

Iniwan ni Kenneth si Julia at tinungo ang babaing kanina lang ay nakabunggo niya. Hinanap niya at natagpuan sa may garden.

Napansin siya ni Vixen ngunit, Hindi niya ito nakilala sa pormal nitong ayos at sa maskarang nakasuot.

"Nagiisa ka?" Nang marinig ito ni Vixen lumukso ang pintig ng puso niya. Tiningnan niya ito at nagtanggal ng maskara.

"Kenneth!"

"Sabi ko na nga ba kilala ko ang boses na iyon. Vix, bakit ka nandito?..teka bagong misyon?"

Ngunit, sasagot sana siya ngunit nakita niyang dumating na si James. Kaya nilapitan niya si Kenneth at kinintalan ng isang halik sa labi.

"Mahabang kwento Kenneth. Aalis na ko.."

Umalis si Vixen. Sinundan niya ng tingin kung sino ang pupuntahan nito. Isang lalaking ngayon lamang niya nakita. Ngunit, ang paggalaw nitoy pino at may pagkaaroganteng tingnan. Yumakap ito kay Vixen at humalik sa pisngi. Sabay silang pumasok sa loob. Sumunod si Kenneth at tinungo ang isang sulok na may mga alak at uminom. Pinagmasdan niya kung pano sumayaw ang dalawa sa mabagal na tono ng kanta. Hinahapit nito ang manipis na katawan ni Vixen. At nakatingin lamang ito kay Vixen.

"Sorry, I'm a bit late."

"Its okay. Nakaka-out of place kasi dito kaya lumabas ako. Wala akong kilala dito."

"Did my papa, welcome you?"

"Oo, kaya lang busy siya sa ibang bisita...James."

"Ahh. Honey..your so beautiful!" Bulong nito sa may punong tenga niya.

Namula ang pisngi ni Vixen. Ngumiti lamang ito...Lumipas ang gabing iyon sa paginom ni Kenneth ng alak. At huminto sila Vixen sa pagsasayaw, kumuha ng mic si James at tinawag ang pangalang Allegra.

"Allegra, honey..and...Ladies and Gentlemen, masaya ako sa nagaganap na pagdiriwang ngayong gabi. At nais ko pang ibahagi sa inyo ang nalalapit naming kasal ni Ms. Allegra Miranda...sana makadalo kayo." Nagpalakpakan ang mga naroon.

Lalong napalagok si Kenneth ng alak sa kanyang narinig.

"Allegra? Vixen kaya ang pangalan niya?" Bulong ni Kenneth nasumisigok na ngunit nakafocus parin ang mga mata nito kay Vixen.

Kenneth POV

Bakit ka magpapakasal sa lalaking iyan?...Ngayong nakita kitang muli may iba akong naramdaman...napatunayan kong mahalaga ka sa akin. Vixen, sabi mo babalik ka? Oo nga bumalik pero dala mo ang isang pangalang naging miyembro ng Org. Ang pamilya ng Miranda humantong sa madugong sandali. Ang Miranda Assassination, 25 years ago.

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!