Chapter 27: The Revelations

5 0 0

Sa Sentinel

Dumaan ang bawat araw kay Vixen na ng napakabigat. Hindi siya kumakain ng maayos o tumayo man lamang sa kanyang kama. Nilulunod niya ang kanyang sarili sa kanyang mga luha. Hindi rin siya pinupuntahan ni James. Ang huli nilang pagkikita ay noong gabing siya'y galit na galit. Ngunit, isang tinig ang nagpabangon sa kanya, ang kanyang ina.

"Vixen! Anak..." Sambit nito

Agad bumalikwas si Vixen ng marinig niya ang tinig ng kanyang ina.

"Mama..mama.." Tumayo ito at patakbong sinalubong ang kanyang ina.

"Tinawagan ako ni General James, may sakit ka daw?"

Lumuha si Vixen na parang isang bata. Nagsimula siyang magsumbong sa kanyang ina.

"Mama, ginawa niya akong mistress at ikinulong dito. Pinapunta niya kayo dito? Patibong niya ito. Natatakot ako sa kanya na baka may mangyari sa inyo ni papa kaya pumayag ako. Mama, pakiramdam ko ang dumi dumi ko..!"

"Anak, walang masamang mangyayari sa amin. Si Sir James ang nagtatanggol sa amin. Hindi lang lamang niya sinasabi sayo ang lahat lahat. May ugali siyang isipin mo ng lahat ng masama para sa kanya pero ginawa niya iyon para sayo."

"Ipinagtatanggol nyo pa siya. Nakakulong ako dito may ilang linggo na. Pinilit niya akong maging mistress niya." Galit na sabi ni Vixen

"Magandang kausapin mo siya ng maayos. Ang aking nalalaman tungkol sa kanya ay hindi sapat upang maging magaan ang loob mo sa kanya."

"Pero Mama. Alam ninyo ang ginawa niya? Hindi ko maintindihan..wala akong maintindihan!!!.."

"Vixen, kapag nalaman mo kung bakit niya ito ginagawa sa iyo hindi mo iisiping nakakulong ka. Anak, pilitin mo siyang sabihin para hindi ka magkaganyan."

"Mama...aalis kana?"

"Nais lamang kitang makita. Nagaalala siya sayo!"

Gulong gulong naiwan si Vixen, Hindi niya lubusang maintindihan ang mga sinabi ng kanyang ina ngunit, ang tanging makakapagbigay linaw ay ang lalaking iyon.

Sa kabilang kwarto. Sinamahan ni Rowela ang ina ni Vixen kay James.

"Kamusta ka Master James!" Bati ng matanda.

"Eto hindi ko alam kung papaano ipaliliwanag sa kanya ang tungkol sa nakaraan niya at kung ano ako sa buhay niya."

"Master, gulong gulo na siya. Mas magandang sabihin ninyo na ang totoo..kesa kamuhian niya kayo ng grabe. Lumaking maganda, mabait at masunurin si Vixen. Kaya maiintindihan niyang lahat."

"Sana nga. There are more issues in the Org than here.!!"

"Master, bakit ninyo pinatigil ang reaper sa pagpaslang ng elders?"

"Pwede namang idaan sa magandang usapan ang lahat. Natakot si papa kaya naghired siya. But, As I can see its become better now..they are working out for the Reformation." Paliwanag ni James

"Mabuti po kung ganoon.."

"Unfortunately, may nalagas na ibang elders dahil medyo nagmatigas si papa kaya nalate ako ng konti."

"Ngunit, mas maganda ng naitigil kesa nauwi sa madugong repormasyon. Siya nga pala master, ipinangangamusta ka ni Apollo. Lagi na siyang nagkakasakit ngayon kaya madalang nalamang siya nakakatawag o nakakalabas."

"Sabihin mo sa kanyang magpalakas siya dahil malapit na ang aming pagpapakasal ni Vixen."

"Mahal ninyo siya Master, kaya sana pagingatan ninyo siya para hindi siya mawala."

"Tatandaan ko yan..."

Nagpaalam at umalis ang Ina ni Vixen. Samantala, si Vixen ay gumayak para kausapin si James. Suot ang kanyang pangnormal na damit. T-shirt na loose at isang short.

Nakita siya ni Rowela na lumabas sa kwarto ngunit, hindi ito ngumiti kaya hindi nalamang niya ito binati.

Tok tok tok..galit na pagkatok ni Vixen.

"Come in!"

Nagulat si James. Ngunit, pinatuloy niya ito.

"What bring you here?"

"Naghahanap ako ng katotohanan. Gusto ko ng malaman ang lahat. Pakiramdam ko mababaliw na ako."

Tinuro ni James ang picture nakasabit sa kanyang wall.

"That's us and my mother...let's says na savior mo ako kaya ka buhay ngayon...its a long story Vix..don't mind me if I drink while you the whole story. If you want you can join me!"

Gulong gulo si Vixen...lahat ng nasa isip niyay kalat kalat na larawan ng kanyang sarili.

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!