Chapter 38: Two Hearts

9 0 0

Muling umalis si James ng Guenwall, ngunit naiwanan si Vixen na problemado dahil sa kanilang nalalapit na kasal. Nagpunta na kasi ang mga taong kinuha ni James para magayos ng kasal. Hinarap naman niya ng maayos ang mga bisita at matapos ang ilang araw na pagsusukat ng gown at mga designs ng invitations at mga souvenirs nakapahinga din siya. Lumabas siya ng Unit at naglakad lakad sa park.

Vixen POV

Pareparehas kaming nakatali sa aming mga kapalarang ang hirap matakbuhan. Ayoko ng tumakbo at umalis.

Napatingin siya sa anghel na kinuwento ni James. Nais niyang makita ang side ni James na iyon. Napangiti siya at iniisip niyang matagal na nilang kilala ang isat isa bilang indibidwal. Kahit na humantong sa sapilitan at sakitan pa ang lahat.

Umupo siya at maiging pinagmasdan ang fountain na ngayoy may mga nyebe sa paligid. Isang tili ang narinig niya mula sa isang babae. May magnanakaw na humablot sa bag ng isang babae. Tumakbo ito sa harap ni Vixen. Agad siyang tumayo at hinabol ang lalaki.

"Tigil" sigaw niya. Naabutan niya ito dahil na-slide ito.

Agad niya itong hinablot at binigyan ng tadyak. Ngunit, malakas ito kaya naitulak siya, napaupo siya. Masakit ang pagkakasaldak niya kaya Hindi siya agad nakatayo.May kamay na umabot para siyay makatayo. Si Kenneth.

"Ikaw na naman?..."

"Naiinis kana ba sa akin?...mukhang kinakalawang kana dear.. "

Nainis si Vixen sa sinabi ni Kenneth. Kaya tumayo siya ng kusa ngunit masakit ang pagkakasaldak sa kanya kaya ininda niya ito sa sakit.

Naout balance siya kaya napilitan siyang mapakapit kay Kenneth.

"Pasanin nalang kita, Hindi ka makakalakad ng maayos!"

"Hindi, titiisin ko nalang...nakakahiya! At isa pa sayo pa..wag nalang"

Inihakbang niya ang mga paa niya ngunit talagang masakit sa gawing balakang kaya hindi niya napigil ng pasanin siya ni Kenneth.

"Bakit ayaw mo paring sumuko? Malapit na ako ikasal?.."

"Sus, Hindi ka naman makakasal dun?."

"Pagod na ako. Ayoko ng tumakbo? Makapangyarihan si James. Kahit ano kaya niyang gawin."

"Just wait and see."

"Dito nalang. Umupo muna tayo"

Napatingin si Vixen Kay Kenneth.

"Baka malusaw na ako niyan?"

"Hindi mo dapat ako kasama...!"

"Vix, matigas ang ulo ko. Hindi mo ko kayang pigilan..

...Halos malusaw ako sa tuwing nakikita ko kayo ng James na yan. Gusto kitang ilayo sa kanya...dahil sa..."

"Please wag mo ng ituloy...ayoko ng balikan pa ang lahat dahil awa sa sarili ko ang nararamdaman ko."

"Vixen, kapag natapos na ang lahat. Kapag nailayo kita sa kanila pwede mo sa aking sabihin lumayo din at wag ng magpakita pa...atleast that time Hindi na ko natatakot na masaktan kapa.."

"Kenneth, kung may gagawin ka para lang hindi matuloy ang kasal. Please wag mo ng ituloy..."

Pinilit ni Vixen pigilin sang kanyang luha ngunit hindi na niya ito napigilan.

"Please, wag kang pupunta don. Kenneth, tanggap ko ng lahat...ayokong may mangyari Sayo."

Hindi sumagot si Kenneth. Patuloy na tumulo ang luha ni Vixen at hindi pa napigilan ni Kenneth ang kanyang sarili na yakapin si Vixen.

"Sandali lang kitang nakasama noon pero bakit ganito ka na sa akin..Kenneth wala akong minamahal..."

"Sinungaling...wag ka ng magsinungaling...Vix, mahal kita kaya ko ito ginagawa."

"Kung mahal mo ko itigil mo ito..."

"Kapag nagmahal ako gagawin Kong lahat para sa mahal ko kahit pa buhay ko ang kapalit!"

"Kenneth, please. Kapag namatay ka paano pa kita masusuklian."

"E di nahuli din kita. Mahal mo din ako... Vixen, kung matuloy ang kasal mo para mo narin akong pinatay! You left me no choice."

"Anong plano mo?"

"Malalaman mo din ang lahat."

Naupo sila ng matagal. Matapos umiyak ngayon ay nagtawanan at parehas nangarap na parang mga batang sin lalaya ng mga ibon.

Kenneth POV

I can't avoid you. Hindi ko kayang Hindi ka sundan at bantayan. Kapag nawala ka pa wala ng dahilan pa para mabuhay. Hindi ko kayang pigilin ang sarili kong mahalin ka. Ngayon pa na may nararamdaman ka para sa akin. Mahal mo man ako o mahal mo ako bilang kaibigan hindi na mahalaga..

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!