Chapter 33: Vixen's emphaty for James

15 0 0
                                    

"Seized the moment!" Suot ang bagong brown coat at boots. Nakangiting bumaba ng building si Vixen. Pakiramdam niya'y ngayon lamang siya nakalaya matapos ang halos 2buwang ikinukulong ni James sa mansyon sa Sentinel at dito sa Guenwall.

Malamig na ang hatid ng hangin at medyo kumukulimlim narin. Malapit ng umulan ng nyebe...

Naglakad lakad siya sa mga sidewalks at kumain ng noodles sa nadaanan niyang kainan.

Umupo sa bench habang umiinom ng mainit na kape.

Isang bata ang lumapit sa kanya at nagbigay ng isang rosas.

"Miss...sabi nung lalaki ibigay ko daw sayo."

Itinuro iyon ng bata at sinundan ng tingin ni Vixen. Si James na kanina pa siya sinusundan. Nilapitan siya ni James at tumabi ito sa kanya.

"Maaga mong nililibot ang Guenwall..." Biro ni James

"Salamat, pinagkatiwalaan mo ako. Gusto mo ba ng coffee?"

"Sorry,..Vixen."

Tumayo si Vixen. At ibinili siya ng kape. Ibinigay at naupong muli sa tabi ni James.

"Ang ganda ng inukit na anghel sa may fountain...kanina ko pa iyan pinagmamasdan nawawala ang kanyang papak..o kaya baka nasira..." Sabi ni Vixen

"Hindi! May story yan. May isang anghel na naglibot dito sa lupa..sa sobrang pagkamangha niya nawala niya ang pakpak..hinanap niya ito ng hinanap ngunit hindi na niya ito nakita....hanggang sa pagsapit ng gabi at yun bigla nalang siya nawala na parang bula..." Kwento ni James

"Mahilig ka pala sa mga ganyang kwento.."

"Si mama..ang nagkwento sakin niyan...hay,.."

May lungkot sa boses ni James ngunit pinawi iyon ng mga ngiti ni Vixen.

"Siguro kaya siya nawala kasi natanggap na niya na  kasalanan niya kung bakit siya malungkot at hindi na siya kailanman makakauwi..James, gusto mo bang maglakad lakad sa park na iyon."

"Its an honored my queen..." Biro ni James

Magkasama nilang nilakad ang parke.

James POV

Its a dream...it takes a yes then she changed. It just a dream. Hindi na siya nalulungkot dahil ikunukulong ko siya. At pinipilit na mahalin ang isang tulad ko..masaya siya tulad ng dati. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Siguro nga hindi naman niya ako tinatanggihan o tinatakasan...

Ngumingiti si Vixen habang nagpapakain ng mga ibon..nakatayo naman si James at giliw na giliw panoorin ang kanyang nobya.

Nagtanghalian sila sa isang restaurant na malapit sa park. At nagpalipas ng oras sa malawak na parke.

Kinagabihan, naghanda ng panghapunan si Vixen. Sabay silang nagsalo at uminom ng wine sa veranda.

"Pinakikita mo sa akin ang gusto mong buhay."

"No, ito ang normal na buhay sa labas ng Sentinel, at sa labas ng madilim na buhay ng sindikato..." Sagot ni Vixen

"Masaya...! Iniisip mo bang sana isa nalang tayo sa mga normal na taong naroon?"

Tumango si Vixen..parehas silang tumawa.

Vixen POV

Hindi ko inaasahang magiging ganito ako kalambot sa pagpapalabas sa akin ni James. Pinipilit kong magalit at maging bato. Balewalain siya at awayin pero eto ako nakikipagtawanan at masaya. Ang kalayaan kong mabuhay at lumabas kapalit ng lahat ng iyon. Napawi dahil ngayon gusto ko siyang maging masaya dahil pakiramdam ko kanina labis siyang nangungulila sa kanyang yumaong ina...

"James..masaya ako sa maghapong ito.." Lumapit si Vixen at hinalikan siya sa pisngi.

"Salamat din sa maghapon.." Sinuklian niya ito ng halik sa noo at isang yakap na walang halong pagnanasa at pagsasamantala.

"You must be tired..matulog ka na." Paalam ni James.

Tumalikod si Vixen. Nagshower at sa unang pagkakataon..nagsuot siya ng nightdress. Makalipas ang dalawang oras sumunod si James. Yumakap kay Vixen At bumulong.

"Good night honey.."Ngunit hindi na tumugon si Vixen dahil tulog na tulog ito.

-------------------------------------

How will you forgive this person..? He had several attempts and raped you? Abduct you. Make you a sex slave.. Then, after you feel that person was really broken and full of sorrow than you..you want to fix him by making him happy, emphatize and love...

-----that's why man loves woman even it makes a fool of him. The downfall of man is love for a woman.

Guys make a comment for any reactions even its really annoying or bad...

Vixen:The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon