Chapter 16: Cleaning Operation

9 0 0


Sa Guenwall City

Isang club ang pagmamayari ng Org na nakabase sa Guenwall City..Ito ang pinagkakaabalahan ni Julia na pamahalaan. Ngunit isang bisita ang bumulaga sa kanya.

Sa opisina ni Julia

"...Julia, sweetie balita ko nakipagkita kana kay Kenneth.."

Napatayo si Julia mula sa kanyang kinauupuan. Gulat ito at may halong takot sa mga mata nito.

"Anong ginagawa mo dito"

"O..ayaw na ayaw mo talaga akong makita!"

"May nakapagsabi kasi sa aking nagkita daw kayo ng aking kapatid na traydor!"

"Zach, hanggang ngayon hindi mo parin kayang hanapin ang kapatid mo! Shame on you!" Usig ni Julia habang nakapamaywang ito.

Lumapit si Zach, at galit pasandig siyang isinandig si Julia sa pader.

"Let go of me..I-I can't bre-ath asshole!!"

"Sana lang maging magaling kang magtago ng isang ahas!."

Umalis si Zach. Agad namang tumawag si Julia sa isang lalaki. Nang makalapit ang lalaki ay sinapak ni Julia ito.

"Sabihin mo sa mga buwisit mong kasama..kapag pumunta uli yang Zach na iyan agad ninyong ipaalam sa akin." Galit niyang sabi

"Opo. Miss Julia."

"Umalis ka na!" Taboy niya dito.

Tinungo niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan.

"Hello."

"O, Julia bakit?. May problema ba diyan!"

"Its not here!. Its about the asshole. Nagpunta siya dito. Muntik na niya akong patayin.!"

"Ano! Bakit daw siya pumunta."

"Nakipagkita daw ako kay Kenneth? Pinipiga niya ako para sabihin ko sa kanya kung nasaan ang nawawala niyang kapatid."

"Then, True ang usap usapan..Julia, nakipagkita ka nga sa kanya."

"Matt, wala kana don. Bantayan mo ang kinikilos ni Zach. Tahimik na si Kenneth!"

"Julia, your keeping a betrayer. He betrayed the org. Kamatayan lang makakapagkalas sa kanya. And we're all bound to death in exchange of  freedom."

"So, magsesermonya ka na naman. Matt, malaya tayong gawin ang lahat. "

"Nababaliw kana.!"

Ibinaba ni Julia ang telepono. At nagsuot ng jacket at umalis.

Julia POV

Kenneth ayokong walang gawin para sayo. Gagawin niyang lahat mapatay ka lang para bumango ang pangalan niya sa mga elders. Papatay siya hanggang hindi siya naliligo sa dugo. Poprotektahan kita dahil mahal na mahal kita.

Tinungo ni Julia ang masyon kung saan sila namalagi ni Kenneth. Pipilitin niyang kumbinsihin ang kanyang tiyo. Makikinig ito at tiyak magiging maayos ang lahat.

Nagsindi ng sigarilyo si Zach. Ito'y nasa isang bar at nakikipag usap sa isang elder.

"We already set the deal, Zach."

"Naaayon lahat sa kagustuhan ninyo."

"Just to make sure na mawawala sa mundo ang mga tumiwalag na miyembro. Yung kapatid mo siguraduhin mo lang na hindi siya makakaligtas. At kung sino man ang humarang idamay mo."

"Wag ka magalala gagawin kong lahat maging anong iiutos mo."

"Maglilinis tayo. Isang elder lang ang matitira. At ang nagiisang posisyon na iyon ay pamumunuan ng anak kong si James."

Nahaharap sa isang madilim na kinabukasan ang Org. Magsisimula na ang mapayapang paglilinis ng ilang kasapi at sa umuugong na pagpapalit ng pumunuan na halip 8 pinuno ay magiging isa nalamang.

--------+++--------+++----

Demons by Imagine Dragon

Vixen:The Winter FlowerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!