Ayla and Ivan: May forever

3K 105 6
                                    

Happy ako at maraming nagbabasa po nito kaya eto gift kong bonus chapter! hahaha ;3
enjoy!
----××××----
Ivan Pov:

"Hoy Ivan! Lasing ka na naman!" patay! halos nilalayo ko ang phone ko sa tenga ko.

"Hindi ako lasing.." pagdadahilan ko. Nakainom lang. Eto kasing si Dennis nagyaya uminom.

"Anong oras na wala ka pa dito sa bahay! Hirap na hirap na ko sa buhay ko dito tapos ikaw nagpapakasarap sa buhay!" naku talagang lagot na ko beastmode na naman ang misis ko!

"Sorry na honey! Sorry na! May pasalubong ako sayo!" sabi ko.

"Ikaw dinadaan daan mo ko sa paganyan ganyan mo! Pag ikaw di pa dumating ng 30 minutes dito sa bahay matulog ka sa labas!" tapos baba ng telepono.

Naku bakit ganun mood nun! Meron atang PMS! Lam nyo naman yun di ba?

Halos paliparin ko na yung kotse ayoko ma outside the kulambo lalong lalo na outside the bahay di ba?!

Wala pang 20 minutes andito na ko sa bahay. Di ko alam kung panoh ko narating ang bahay ng ganun kabilis basta wag lang ako matulog sa kotse ngayong gabi.

Pagbukas ko ng pinto. Aba't tahimik!

Pumunta ako sa dining area nagulat ako na andun sya nakaupo. Pero mas nagulat ako sa set up ng lamesa may candle sa gitna, may wine may dalawang plato tapos nakita ko ang napakagandang asawa ko.

Infairness kahit nakalukot ang muka maganda pa rin.

Sandali..

May special occasion ba?

Birthday ko? hindi naman.

Birthday nya? hindi rin.

Anniversary? hindi kakatapos lang namen nun 3 months ago nag Paris pa nga kami eh.

Monthsary? Weeksary? Ano??

"Buti at naisipan mo pang umuwi!" pagtataray nya yayakapin ko sana kaya lang umiwas.

"Eh sabi mo umuwi ako ~.." mayamaya nagdabog syang tumayo at nagmartsa papuntang kusina.

"So kung di kita papauwiin di ka pa uuwi!" kumuha sya ng kutsilyo at humarap sakin. Napalunok ako at ninerbyos..

Tumalikod sya at may kinuha sa ref.

Chocolate Cake.

Nakahinga ako ng maluwag nang gagawin nya lang pala eh magslice ng cake. Putsa pinagpawisan ako dun akala ko naman..

"Honey uuwi naman talaga ako dito bahay ko! Andito ~.." napatigil ako ng tumingin sya sakin tapos umirap.

Mayamaya nilalantakan na nya yung chocolate cake. Kawawang cake. Kasi makatusok naman yung asawa ko parang kaaway nya yun.

"Hon i'm sorry late ako na ko naka uwi.." yayakapin ko ulit nang hinarap nya sa pagmumuka ko yung tinidor.

"Huwag mo ko yakap yakapin dyan ah! Naiinis ako sayo!" pumunta sya sa dining area habang dala yung cake nya.

Napailing na lang ako. Kumuha ako ng tubig sa ref at nilapag ko yun sa lamesa. Eh baka mabilaukan sa galit sa cake eh..

maya maya pa..

*singhot *singhot

Sandali umiiyak ba sya?

Umupo ako sa tabi nya. Pinaharap ko sya sakin.

"Kung ayaw mo na sakin sabihin mo lang. Panget na ko sa paningin mo!" ano ba tong honey ko.

"Anong panget?! Sinong may sabing pangit ka! Wala naman ah!" pinahid ko ang luha nya.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now