Chapter 25

3K 82 0
                                    

Third Person Pov:

Ang lahat ng estudyante ngayon sa Clemente High ay sobrang aligaga dahil ngayon ang araw kung saan isa sa mga memorable sa buhay estudyante, eto ay ang Students Day! Ano ba ang tipikal na mae-experience mo dito?

Well pwede mong isayaw ang crush mo, pwede mong pakasalan ang crush mo o ang may crush sayo. Ikulong sa jail booth dahil trip ng barkada mo. Sa madaling salita Student Rule!! No class. No terror teacher. No test. Just having fun with your classmates.

"Theatre Club mamayang 4:30 ang start ng play so dapat 2:30 andito na ang lahat for preparation.. mas maganda maaga tayo para di tayo makapos sa paghahanda. Pwede muna kayo mag ikot ikot sa ibang booth basta tandaan lang ang call time okay.. " sabi ni Ms. Devorah.

Napa YES! naman ang lahat sa announcement ng guro. Lahat ay excited ng maglibot bukod lang siguro kay Ayla..

"Ayla, gusto mo punta muna tayo ng canteen nauuhaw na kasi ako." sabi ni Carol.

"Oh sige.." sinamahan naman sya ni Ayla pumunta ng Canteen. Bumili sila ng tigisang softdrinks.

Palabas na sila ng canteen nang makita ni Ayla ang pamilyar na muka.

Ellaine?

"Best, si-si Ellaine. Baket sya andito?" napalingon naman si Carol kung saan naglalakad si Ellaine.

"Best.. sya ba?" tumango naman ang dalaga. Nakita nilang dalawa kung panoh nangibabaw ang pagiging sophiticated ni Ellaine. Every girls ata gusto maging katulad nya. Matangkad, smart looking, agaw atensyon at higit sa lahat may angking ganda na makakapihit ng ulo ng mga kalalakihan..

"Best, infairness mga taste ng asawa mo ah!" tiningnan naman ni Ayla si Carol.

"Ano pa ginagawa naten dito? Tara na sundan na naten!" pinigilan naman ni Ayla si Carol.

"Best, wag mong sabihin pababayaan mo yun?!" buong pagtataka ni Carol sa kaibigan nito.

"Wag na wala rin maitutulong ang pagsunod naten sa kanya." tumalikod na lang si Ayla at patuloy na naglakad.

"Best! Ano ka ba asawa ka dapat mainis ka kasi nilalandi nya ang asawa mo!" inis na habol nya kay Ayla pero tuloy lang toh sa paglalakad..

Hinila nya ang braso ni Ayla para mapaharap sa kanya ang kaibigan..

"Best, ganun na lang ba kadali sayo maging manhid at maging bulagbulagan sa mga nakikita mo?!" pagalit nito kay Ayla.

"Carol, wala naman talagang mangyayari kung mahuli naten na nilalandi man nya si Ivan. At kung madali saken ang lahat. Alam mong hindi.." nagsimula ng gumilid ang mga luha ni Ayla.

"..best kung madali saken ang lahat sana di na ko nasasaktan ng ganito. Pero wala eh, kahit sino man samen ni Ellaine walang mananalo sa puso ni Ivan.. At alam mo kung anong madali gawin ko para naman hindi na ko maging dehado dito.. Yun ay ang magparaya na lang para sumaya sya.. that was the best part of love right? being not selfish.." naawa naman sa kanya ang kaibigan. Hindi nya alam na ganito na pala kabigat ang dinadala ni Ayla.

"Ayla.. i'm sorry akala ko kasi may chance.." napailing naman si Ayla.

"Masakit man tanggapin wala na siguro best.. I- i'm sorry best gusto ko muna mapag isa.." pagkasabi nun agad naglakad ng mabilis si Ayla papalayo, gusto man nyang pigilan ito o damayan alam nyang kailangan ng kaibigan nya ng space..

Akala ko talaga natutunan na ni Ivan mahalin si Ayla. Sa mga nakita ko noon sa kanya, hindi nga ba pagmamahal yun?

flashback..

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now