Chapter 11

2.9K 89 2
                                    

(A/N)

Hi guys baka matagal tagal di magkaka Pov si Ivan kaya pagtiisan muna ninyo ang Pov ni Ayla. Hayaan nyo muna si wifey ang magdala ng story. Magtiwala tayo sa kakayahan nya.. hehehe

And i want to say sorry if may mga wrong grammars, typos medyo windang lang.

Ok i will shut up na. hehehe

*****

Ayla Pov:

Ang sarap ng tulog ko parang ayoko pang gumising. It's warm, cozy and hard.. wait did i say hard? Something heavy in my waist.

I looked at it and my eyes get wide. May kamay na nakapulupot sa bewang ko. Agad ako tumingin sa likuran at ..

what the hell!!

"Goodmorning wifey!" namumungay na mata ang sumalubong saken.

"KYAAAAAAHHH!!" isang malakas na sigaw ang kumawala saken. At sobrang inis ko binato ko sya ng unan sa muka pagkatapos sinipa ko sya upang mahulog sya sa kama.

"Aray!! Aww! Aww! ang future ko!" tumalon talon sya pagkatapos nyang mahulog.

Chineck ko ang sarili ko may saplot pa naman ako pero baka hinawakan nya yung mga cheverlu ko sa sobrang kalasingan! Napapaiyak na ko! Hindi ko alam ano nangyari hindi ko talaga maalala..

"Manyakis ka! Manyak! Manyak!!" pinagpapalo ko sya ng isa pang unan madali naman syang nakakaiwas sa pagpalo ko tumayo na ko at hahabulin ko sya ng suntok at sipa ko!

"Ikaw! anong ginawa mo saken!? Manyak ka talaga!"

"Sandali!! Mali iniisip mo hindi kita minanyak!! Ang liit liit ng dibdib mo panoh kita mamanyakin?" at may gana pa syang laitin ang future ko at panoh nyang nasabi maliit toh ibig sabihin...

"Papatayin kita!! Aaaargh!!" lalo talaga ako nanggagalaiti sa galit at nang maabutan ko sya agad ko syang tinuhuran sa ano nya at binigyan ng ultimate punch!

"Awww!! Aww! ang future ko mawawala na!" sabay namilipit sya saket!

"Don't mess with me Ivan, magaling yata ako mag taekwando! Kaya wag mo ko susubukan!"

"O-Opo, wifey.." namimilipit pa rin sya. Agad akong pumunta sa guest room kayla mama para doon maligo andito rin yung ibang gamit ko.

Gawin nya talaga saken yun ulit! Di lang yun aabutin nya saken!

Dito ko na rin ininda ang sakit ng kamao ko.

Ang sakit ng bungo ng lalaking yun!

30 mins. din akong nasa banyo at ginagawa ang usual kong ritwal pagnaliligo. Naiisip ko pa rin yung posisyon namen kanina ni Ivan sa bed ramdam ko ang init ng katawan nya kaya pala parang may warmer kahit malakas yung aircon. Tsaka ano yung nararamdaman kong hard.. wait yun ba yung??

Eeew! Ayla nahahawa ka na dun sa brat slash kumag slash pervert mong asawa!!

Dali dali akong nagbalnaw dahil ayoko na maisip ang mga ganung bagay! My god, ayoko ng ganitong pagiisip!!

"Ayla, andun na si Ivan sa dining area dalian mo na mag ayos dyan hinihintay ka na ng asawa mo.." sabi ni mama.

"Opo ma." walang gana kong sabi.

Lumabas ako ng banyo at sinimulan ko nang magprepare nang susuotin ko sa breakfast. Napili ko ang simpleng dress na baby blue na gift pa ng ninang ko at hinayaan ko ilugay ang lagpas balikat kong buhok, nagapply ng konting powder at ok na. I'm ready to go.

Natanaw ko kaagad ang bakanteng upuan katabi ng pervert kong asawa at talagang mukang nilaan nya saken ang puwestong yun, pero para saken lumayo layo sya dahil mabigyan ko sya ulit ng suntok!

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now