Chapter 16

2.4K 88 7
                                    

Ellaine Pov

Masaya ako ngayon dahil maganda ang performance ni Ivan sa company namen. Napansin ko rin na mas nagmatured sya at mas lalo nya itong kinagwapo.

Bumili ako ng lunch para sa kanya, actually pati yung dalawang friend nya sinama ko na rin para hindi obvious yung feeling ko for him.

Alam ko naman mali ito, pero simula nang malaman ko ang lahat ng dahilan kung bakit kinasal sya. Nabuhay ulit ang pagasa ko na baka pwede pa..

"Goodafternoon Mam Ellaine! " bati ni Mang Alfonso, matagal na syang guard ng building na toh.

"Kuya pwede pakitulungan po ako sa mga dala ko." sabi ko dito.

"Wow Mam andami nyo pong dalang pagkain, para kanino po ba ang mga ito?"

"Kuya talaga kanino pa ba, syempre sa boyfriend ko - si Ivan!" alam ko masyadong mabilis pero dun din naman papunta yun. Napangiti naman ako sa naisip ko.

"Ahh.. Nagkabalikan na po pala kayo ni Mr.Zamonte! Ma'am congrats po!" lalong lumawak ang ngiti ko.

Pero napatigil ako nang mapansin ang isang babae na kinakausap nung bagong guard dito. Di ako pwedeng magkamali..

Pumasok ako ng building nasa elevator na ko nang tanungin ko si Manong Alfonso.

"Manong kilala nyo po ba yung teenager sa labas?" hindi ko kasi alam kung ano ang ginagawa nya dito.

"Ahhh.. yun po ba mam, eh nautusan lang po yun para makapag hatid ng pagkain sa kuya nya, pero di po sya nakapasok kasi po wala syang id. SOP po kasi yun ma'am.." sabi nito.

"Good Manong, dapat talaga sinusunod naten ang mga patakaran." Lumingon ako sa elevator at nasa ground floor na ito.

Ting..

Pagbukas ng elevator nagulat ako dahil si Ivan ang nasa loob nito.

"Tss.. baket wala pa sya dito?" nadinig ko ang sinabi nya at agad naman ako naging alerto.

"Hi Ivan!" at niyakap ko sya.

"Ellaine!" halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Sir Ivan swerte nyo po kay Mam Ellaine-.." pinutol ko kagad ang sasabihin ni Manong, ang daldal kasi eh! tsaka dapat di nya makita dito ang asawa nya..

"Naku! Nagdala pala ako ng lunch para saten! Naku panget kasi kung lalamig toh! Kung ok lang Ivan tulungan mo ko kasi babalik na si Manong sa pwesto nya." sige Ellaine kaya mo yan!

"Ay Oo nga po pala bago po kasi yung isang guard!" inabot naman ni Manong yung pagkain na dala nya kay Ivan. At inakay ko na sya sa elevator. Hay! Salamat!

"Ellaine, thanks dito sa lunch pero may maghahatid ng lunch ko ngayon eh." hindi na sya maghahatid ng pagkain sayo Ivan.

"Sino?" patay malisya kong tanong.

"Yung asawa ko. Haist! nasan na kaya yun?" sinubukan nyang tawagan ito. Nagaalala ako baka magkausap sila hindi ko naman sya mapigilan kasi mahahalata nya ko.

"Naku baket di ko sya macontact?!" sabi nito. Ganun na lang ba pagaalala nya para dun?

Nasa 7th floor na kame nang makita ko sila Louie at Dennis.

"Kamusta guys!" bati ko.

"Hi Ellaine! Eto gutom na!" tapos napatingin kame kay Ivan na busy sa pagkalikot ng phone.

"Ivan may problema ba?" tanong ko.

"Kasi si Ayla di sumasagot, huling text nya saken nakaalis na sya ng bahay pero bakit hanggang ngayon wala pa.. hayst.." nakaramdam ako ng konting guilt pero kailangan ko tong gawin para mapamahal ulit saken si Ivan.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now