Chapter 20

2.5K 98 3
                                    


Ayla Pov:

"Hoy! anong ginagawa nyo?!" napatingin ako kung saan nanggaling yung boses..

Ivan!

Agad naman ako binitawan ng mga alipores ni Unice. Ang saket ng braso ko sa pagkakapit nila saken. Agad naman tumakbo yung tatlo. Nilapitan kaagad ako ni Ivan.

"Ayla, are you ok?" tanong nya saken. Nakikita ko sa mga mata nya ang pagaalala.

"Ano may masakit ba sayo? " Nakagat ko ang labi ko pinipigilan ko kasi ang pagtulo ng luha ko.. pero di ata marunong makisama ang mga mata ko.

"I-Ivan.." humagugol na ko ng iyak at niyakap nya ko. Gusto ko magsumbong sa kanya pero di ko magawa..

"Ssshh.. wag ka na umiyak andito na ko." ang sarap pakinggan, ang sarap paniwalaan alam ko naman kung hanggang saan lang ang pagaalala nya saken at naiintindihan ko.

Umuwi na kame ni Ivan sa bahay. Buti na lang walang estudyante ang nakakita samen kanina. Ayoko maging headline ng mga tsismosa sa school.

"Ivan salamat kanina." nakaupo kame sa may pool side.

"Kanina ka pa nagpapasalamat saken, nakakaumay na ha! hehe.." alam ko naman biro nya lang yun. Dala ang isang can ng beer tumungga sya ng kaunti at nagsalita sya saken.

"A-anong kelangan nila sayo? Bakit ka nila gustong saktan?" expected ko na itatanong nya saken ito, pero ayokong malaman nya na dahil sa isang lalake lang kaya nila ako binubully..

"Mga bully sila Ivan, pag gusto nilang pagdiskitahan ka, pagtitripan ka nila." yun na lang sinagot ko para safe.

"Ganun! Gusto mo isumbong ko sila sa Principal para matuto ng leksyon yung mga yun?" alam ko nararamdaman nya, gusto nya lang akong ipagtanggol at nagpapasalamat ako para dun.

"Wag na. Lalo lang nila ako pagtitripan tsaka sa tingin ko di na nila uulitin yun." tama dahil may nakakita sa ginagawa nila kaya malamang maglilo muna sila.

"Nga pala di ba sub teacher ka namen, panoh yan araw araw ka na papasok sa school, eh di ba nag o-ojt ka kela Ellaine?" tanong ko dito..

"Hindi na ko papasok dun, di ko na tinuloy.. Teka paano mo nalaman na kela Ellaine yung company?" sabay tingin saken.
Sandali umalis sya dun, eh baket naman sya aalis dun?

"Huh?!" wala nang point para magsinungaling kailangan ko rin naman malaman kung baket wala na sya dun.

"G-ganito kasi naalala mo nung pinapunta mo ko dun nung naghatid ako ng naiwan mong baon. Nakita ko sya may mga dala syang pagkain, tapos ang sabi nya para sa boyfriend nya daw yun.." ewan pero parang nakakailang sya tumitig ngayon.

"Tapos?" usisa nya.

"tapos.. tapos nakita ko sya na niyakap ka nya.. eh di ikaw yung boyfriend nya. Kaya di na ko nagabala pa ihatid sayo yung pagkain kasi andyan naman sya para-..." then hinawakan nya yung bibig ko. Ano ba tong lalaking toh!!

"Ayla! naghintay ako ng pagkain nun! Hindi porke't na sinabi nya na boyfriend nya ko, maniniwala ka na kagad! Aish! Dapat bilang asawa mo pinaglaban mo ko!" hala! sya pa nagagalit saken!

"Eh baket ka ba saken nagagalit huh?!" nakakainis sya pa tong galit. Bumuntong hininga sya pagkatapos uminom ulit ng beer.

"B-bakit ka umalis dun sa company nila?" pahabol kong tanong.

"Dahil hindi tama na dun ako mag ojt sa company nila. Hindi tama rin na kasama ko ang ex-girlfriend ko sa iisang lugar lalo na kung may asawa na ko.." ex-girlfriend?! O.o

"Sorry kung di ko nasabi na ex ko si Ellaine siguro kasi matagal na kaming tapos at hindi na kailangang i-open up. Kaya rin ako umalis sa company nila para maka move on na sya samen. I give her a closure nun tinulungan ko sya maglipat sa bago nyang condo. Matagal nang tapos ang love story namen akala ko nga may continuation pero hindi na pala pwede.." inubos nya ang hawak nyang beer tinungga nya yun lahat. Ngayon mas lalong nagsink in sa utak ko ang mga kinuwento saken ni Ivan.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now