Chapter 15

2.8K 82 1
                                    

"Best, sure ka na talaga dito?" tanong ko kay Carol?

"Oo best!" sagot nito saken na pagkalawak lawak ng ngiti saken.

"Okay.. pero.."

"Ssshhh.. hep wag ka na maingay.." putol nito sa sasabihin ko.

Andito kame sa auditorium ng school, marami raming estudyante ang nandito mga bente.. hayst! baket ba kasi eto yung napili ni Carol? wala naman masyadong interesadong sumali sa club na toh..

"Goodafternoon!" may isang matandang babae ang pumasok. Si Teacher Devorah! Ang masungit na teacher sa Filipino! Wth!!

Tumingin ako kay Carol na parang may nakasulat sa muka ko anong-ginagawa-naten-dito-look! Tapos sya ngumiti na lang.. Wala napa face palm na lang ako..

"Uy mukang madami nagpalista sa theatre club ngayong taon!" papuri pa ni Teacher Dev. Napatingin ako sa mga estudyante na andito, masasabi kong nandito yung may interes sa pagarte sa intablado pero ako?? jusko ano ginagawa ko dito?? Kasalanan toh ni Carol.

"Alam ko yung iba dito napilitan lang sumali sa theatre club either bagsak kayo sa subject ko o trip nyo lang sumali dito. Kaya bibigyan ko kayo nang pagkakataon na umatras hangga't maaga pa. Dahil pag pinalampas nyo ang pagkakataon..." huminga ako ng malalim.. "...hindi na kayo makakaalis dito!" what!! tatayo na ko! Ayoko ma stuck dito!!

"Hi po!"

Lumaki ang mata ko pati si mam devorah napalaki ang mata! Lahat ng mga estudyante napatigil din.

"Mr. Mallari.. i didn't expect to see you here!" sabi ni Ms. Devorah.

Tiningnan ko si Carol na parang namumutla, ano nangyari sa kanya?

"Ma'am gusto ko po talaga sumali sa theatre club.. malayo pa naman po ang regionals kaya may time pa ko sumali sa mga club." sagot nito kay mam.

"Okay, you may seat Mr.Mallari. So guys walang gusto mag back out?" dagdag ni Ms.Dev. "Okay, mukang wala naman proceed na tayo."

Pumunta si Kevin sa likuran namen, napakaswerte naman ng Theatre Club andito ang hearthtrob ng Clemente High. Napadako ang tingin ko sa 3 babae na nasa unahan ko napansin ko kasi na nakatingin sila saken. Anong problema nila? Ay anak ng putakte inirapan pa ko! Anong ganap mga teh?? Sarap dukutin ng socket ng mga mata nyo!!

"Guys, di na ko magpapa audition pipili na agad ako ng cast owkie?" tumingin naman sya samen na parang nilibot ang mga mata nya.

"Ikaw Mr. Mallari ang gaganap na Prince Charming. Well ang hahanapin ko na lang si Cinderella.. Mmmm.. Ms.Ramirez tumayo ka nga.. " agad naman nanlaki ang mata ko. Packingtape!! Tumayo naman ako ng dahan dahan at napalunok ng laway ko! Feeling ko umaatras yung tyan ko sa kaba.

"Hmmm.. okay kayo yung loveteam. Ngayon yung tatlong kontrabida.. ikaw! ikaw at ikaw!"  tinuro nya yung 3 babaeng umirap saken..

"What teacher Dev, why us?" pagaangal nun nasa gitna.

"Unice, gusto mo bang pumasa saken?" cool na sabi ni Ms. Dev.
Go Ms Dev! Supalpalin mo!

"Tsss.." yun na lang sinagot nung Unice sabay kibit ng kamay nya.

"Okay, fairy God Mother.. hmm.. ikaw Ms.Carolline Tiangco.." tumayo naman sya at mukang poker face na naman sya.

"So kilala na naten ang major cast. Sa props naman hahatiin ko kayo sa 3 grupo para mamaximize naten ang magagawa naten. Then may announcement din ako gagawin mabilisan lang toh. Ang production naten na Cinderella ay ipapalabas sa Student Day sa end of the month. So we have 2 weeks and 5 days left! Kaya araw araw tayo magkikita kita dito sa auditorium! No absent please!! kelangan naten tong i rush! okay!!"

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now