Chapter 9

2.6K 91 0
                                    

Third Person Pov:

Handa na ang lahat sa kasalan na magaganap ngayon sa garden ng mga Zamonte. Andyan ang wedding coordinator na mabusisi sa pag aayos ng lahat.

Unti unti na rin dumadami ang mga bisita karamihan ay malalapit na kamag anak at kaibigan ng pamilya.

Nakatingin si Ayla sa bintana kung saan tanaw na nya ang garden na dadausan ng kasal. Nakaramdam sya ng halo halong emosyon pero nangingibabaw dito ang kaba.

Lagi syang pinupuri ng sino mang makakita sa kanyang ayos, kung tutuusin nga daw ay mukang hindi sya 15 years old na batang bata para ikasal aminado naman syang malaking bulas sya at advantage nya rin yun sa pagkakataon na toh.

Halos maiyak ang mama nya nang makita syang handa nang lumabas upang isakatuparan ang isang deal, ang pagkakasagip ng kanilang negosyo kapalit ang pagpapakasal sa kaisa isang apong lalaki ng pamilya Zamonte. Hinalikan sya sa noo ng kanyang papa na syang maghahatid sa kanya sa altar. Kahit papaano ay nakampante ang kanyang pakiramdam.

Sa papalapit na ang kanyang wedding entourage may pumasok na maliit na batang lalake, napangiti sya dito na may bitbit na isang maliit na kahon.

"Pinabibigay po ni Tito Ivan." nagulat naman ang dalaga sa sinabi nito. Agad syang nagpasalamat dito at dali dali naman tumakbo ang bata papalabas.

Binasa nya ang card na nakakabit dito.

To my wifey,

Hindi man ako ang perfect man para sayo, i'll be sure na ako ang magiging perfect bff mo, na magiging katuwang mo sa buhay.

Hope you like my gift :)

Napangiti nito si Ayla lalong nakatulong ito sa pag alis ng kaba nya. Binuksan nya ito, isang magandang kwintas ang bumungad sa mga mata nya.

"Best! Suotin mo na!" Excited na sabi ni Carol, nilagay agad naman ito ng kanyang kaibigan at ang resulta ay ang paghanga sa mga mata nito.

"Perfect.." usal nito. Natawa naman si Ayla at agad naman nyang hinawakan ang pendant nito. Pakiramdam nya na importante talaga sya sa buhay ng kanyang mapapangasawa hindi man love ang nanaig sa kanilang puso kundi friendship na kayangkaya nilang pangatawanan sa kasalang ito.

"Future Mrs. Zamonte, ready for 5 mins kayo na po ang maglalakad sa aisle." sabay ngiti nito.

Naririnig na nya ang wedding song. Chasing cars - Snow Patrol. Napakaganda sa kanyang pandinig lalo, agad naman syang sinalubong ng kanyang ama at binigyan naman nya ito ng magandang ngiti. Naniniwala sya at nagtitiwala na magiging okay ang lahat.

We'll do it all
Everything
On our own

We don't need
Anything
Or anyone

Naririnig nya ang bawat kataga ng kanta, ngunit parang naisip nya na halos kabaliktaran nito ang sitwasyon nilang dalawa. Hindi niya magagawa ang gusto niya dahil may responsibilidad na kailangan syang gampanan.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Naisin man nyang tumakbo at talikuran ang lahat ay di naman nya makakayanan ang bulong ng kanyang konsensya, lalo na kung ang pamilya nya ang magsasakripisyo ng lahat.

I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now