Finale

2.9K 96 4
                                    

IVAN POV:

Agad akong bumalik ng Clemente High pagkatapos umamin saken ni Ellaine na nakipagsabwatan sya kay Unice.

Di ko maimmagine kung ganoh sya kaimmature para gawin ang mga bagay na ganun. Hindi ko na alam kung anong pwedeng maramdaman ko para sa kanya, kahit yata pagkakaibigan hindi ko na mabibigay pa sa kanya..

Halos mag iisang oras na rin ako naghahanap kay Ayla, pero di ko talaga sya makita. Tinawagan ko na nga si Carol pero hindi daw sila magkasama. Aish! Asan ba yun?

Pag may nangyari kay Ayla di ko mapapatawad ang sarili ko.

Rinngg.. Rinngg.. Rinngg..

Tiningnan ko kagad kung sino ang tumatawag. Si Carol.

"Ivan, wala din sya sa Auditorium.. Malapit na rin ang call time namen sa play. Kelangan nandito na kame ngayon." lalo tuloy sumakit ang sintido ko. Na saan na ba sya.

"Text na lang kita pag may balita ako, magtatanong tanong ako dito. Sige bye.."

"Sige. Salamat." maikli lang ang paguusap namen baka may makahalata lalo na alam na nila Unice ang tungkol samen.

Aish!!

****
Carol Pov:

Asan na ba yung babaeng yun? Ano invisible lang?! Haist! nagaalala na tuloy ako baka kung ano na nangyari dun! Aish!! Baket kasi di ko sinundan yun kanina??

"Megaphone!"

"Ay paksheet!!!" nilingon ko agad sino nanggulat saken.

"Ikaw talaga wala kang magawang matino!" hay naku! tong lalaking toh! ang hilig manggulat!

"Relax! Papanget ka nyan! Tsss.. tawag na tayo ni Ms. Dev! Pumasok ka na.." ayan na nga ba sinasabe ko eh!

"Mauna na kayo! hahanapin ko lang si Ayla!" lalayas na ko nang hawakan nya ang kamay ko.

"Wag na."

"Ay leche! anong wag na! nawawala si Ayla tapos hindi ko sya hahanapin! Ganyan ka ba talaga kasama huh!? Walang pakealam sa mga nangyayari! Manhid!" nakakapikon na talaga!

"Sa tingin mo ganyan ako kasama eh di okay.. Di ko sasabihin asan si Ayla." sabay talikod.

CAROL!! PACKINGTAPE TALAGA YANG BUNGANGA MO!!!

"Sandali!" sigaw ko kay mokong pero di ako pinansin! Omo! galit ba sya sinabe ko? Ay hindi Carol ang saya nya sinabihan mo nang manhid eh!

Haist! Stupid Carol!

Wala na kong nagawa hinabol ko na at hinawakan ang braso nya. Napatingin sya sa kamay ko at agad itong tinanggal.

"Ngayon, lalapit ka kasi kailangan mo ko?! Ganyan naman kayong mga babae gusto nyo lang naman kame pag may kailangan lang kayo! Manhid na kung manhid, pero di nyo naman kame kilala para i judge ayon sa nakikita nyo.. " Ay! who goat?!

"K-Kevin.. Sorry.. Pasensya na sa mga nasabi ko.. Talagang nagaalala lang talaga ako sa kaibigan ko. Sorry di ko talaga sinasadya. Di ko naman talaga dapat sinabe yun. Haist.. ilang oras na kasi nawawala si Ayla worried lang ako baka may ginawa na sila Unice sa kanya.."

"Si Unice?" sabay kunot ng noo.

Susme! Carol madudulas ka pa sa mokong na yan! Hay naku napaka tabil talaga ng dila mo ngayon!

"Ahh.. ano kasi.. Binubully kasi ni Unice si Ayla simula nun ligawan mo sya kuno. Ayun trip nya guluhin ang buhay ng kaibigan ko.." okay.. medyo makatotohanan naman yung alibi ko kaya pwede na..

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now