Chapter 6

3.3K 101 3
                                    

Ayla Pov:

Andito ako ngayon sa cafe kung saan tumatambay kami ni Carol. Isang linggo na kong puyat dahil di matangal sa isip ko yung kasal kuno namen ni Ivan.

Maraming tanong ang nasa isip ko paano kung di magwork yung relasyon namen? Paano kung hate na hate nya ko yung tipong di nya ko magugustuhan? Naku naman bakit ko ba naiisip yun umaasa ba ko na magugustuhan nya ko.

Aya Laine Ramirez, imposibleng magkagusto sayo yung Brat na si Ivan! Na aawa lang sya sa pamilya mo kaya ka pakakasalan. Ay naku baket ko ba pinagsasabihan tong sarili ko! Nababaliw na ko!

"Anong muka yan Ayla?" ay tragis yan andito pala si Carol nahuhuli pa ko sa nakakawindang kong weird faces expression na nagagawa ng muka ko!

"May problema ka noh?" kung pwede ko lang sabihin yung pinagdadaanan ko. Umiling na lang ako.

Mayamaya tumunog ang phone ko, may nagtext.

Unknown number:

Hey Ayla, sunduin kta sa skul u.
Pinasu2ndo ka sken ni Lolo.
Ivan2 save my # future wife :)

Ewan pero parang na rattle ako sa nabasa ko! Wait pupunta sya, naku hindi pwede kasama ko si Carol. Letchugas naman oh!

Habang nagtatype ako ng irereply bigla ulit tumunog ang phone ko.

"Ayla, may textmate ka?" usisa ni Carol.

"Ano kasi si papa nagtext." alibi ko sa kanya.

Nabasa ko ang text nya saken.

Unknown number:

Asan u. Lapit na me.

Seriously! ang bilis naman ata di pa nga ako nakakapagtype ng reply. Buti na lang si Carol busy sa soda crush bagay sila ni Ivan adik sa mga app game.

Nireplyan ko sya.

What?! Text me if anjan ka na sa gate.

At sinend ko na.
Mayamaya tumunog ulit ang phone ko.

Unknown number:

Dito na q!

Lumaki ang mata ko nang may tumapat nga na sasakyan sa harap ng gate sa school.
Hala sya! seryoso!

Agad ako nagtype sa reply,

Bakit jan ka nagpark! Maghnap ka ng tago para di tau makita ng skulmates ko.

Susmaryosep aatakihin ako sa kaba dito!

"Uy girl ok ka lang di mo nagalaw yung frappe mo?" tanong saken ni Carol, ako naman parang sinisilihan yung pwet kakatanaw ng patago dung sa gate ng school. Para akong giraffee na humahaba yung leeg tinatanaw kung nakaalis na yung sasakyan.

"May hinahanap ka girl?"

"Ah ano kasi Carol susunduin yata ako ni papa ngayon, may emergency kasi. Eh pwede ba na mauna ako sayo kasi baka hinahanap ako dun sa gate. Ako na lang maghahanap sa kanya." tumango naman si Carol.

"Ah ganun ba. Okay lang naman." inabot nya saken ang frappe at kinuha ko ito.

"Salamat friend ba-bye kitakits na lang tom." agad ako tumayo mabilis pa sa alas kwatro nakalabas ako ng cafe. Halos lakad takbo ang ginawa ko. Di ko na matetext si Ivan kaya tumawag na lang ako sa number nya.

"Hello, san ka nag park?" tanong ko.

"Dito sa Avocado st." aish! ang layo naman nun pangatlong kanto pa. Ang init pa man din ng panahon.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now