Chapter 23

2.8K 67 0
                                    

Ayla Pov:

Andito na ko sa library katulad nga ng inaasahan ko konti lang ang tao dito dahil wala naman masyadong nagkakainteres pumasok dito. Mas gugustuhin pa nilang mag google kesa pumunta sa isang library.

Pumunta muna ako sa general fiction na mga libro. Kumuha ng isa dun at bumuklat kung ano mahahagilap ng mata ko. Actually wala naman ako sa focus para magbasa nagiisip ako kung baket ako pinapunta dito ni Ivan.

"Ayla." tumingin ako sa tapat ko nakita ko si Ivan nasa kabilang side. Sumenyas sya na pumunta kame sa dulo ng library..

Binalik ko ang libro at sinundan sya.

Magkatapat na kame ngayon, ewan pero parang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Nakita ko ang mga mata nya.. may kakaiba dito..

"I-Iva-..." lumaki ang mata ko sa ginawa nya saken ngayon. He hug me tight.. Isang yakap na parang ayaw nya kong mawala.

Damn! Ivan .. i felt good when you doing this! Pero sh*t lang baka masanay ako! Baka pag wala ka na hanap hanapin ko!

Bahagya ko syang tinulak pero di sya nagpatinag..

"Can we stay a little bit like this.. and please hug me back.."

"I-Ivan.."

Lumunok muna ako dahil natutuyuan na ang lalamunan ko. Nagisip ako kung tama ang narinig ko mula sa kanya.

Ivan ... kung yun ang gusto mo aarte pa ba ako. Mahal kita kung alam mo lang..

I hug him back, lalo tuloy nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya saken. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya at nalalanghap ang mabango nyang dibdib. Parang tinatandaan ng bawat senses ko ang bawat detalye ng lalaking toh.. I felt safe to his arms.. naririnig ko ang bawat tibok ng puso nya na parang tumitibok ito para saken.. Ang sarap lang pakinggan..

Humiwalay na kame sa isa't isa. He held my hands..

"Nasaktan ang kamay mo, pwede mo ba saken ikwento lahat.. nagaalala ako.." sabi nito.

"Pinagtanggol ko lang si Carol.. " sagot ko dito.

"Ayla, sana wag mo uulitin yun.. Panoh kung gantihan ka nya mas lalo kang masasaktan.. Pinagaalala mo ko.." ewan pero tumatalon ang puso ko ngayon.

"Opo, hindi na po.." kinuha nya ang kanang kamay ko. Inayos nya ang benda nito. Nagulat na lang ako sa ginawa nya.. Hinalikan nya ang kamay ko..

"Ayokong nasasaktan ka Aya.."

Ang sarap naman pakinggan hindi ako makapaniwala na sinasabi nya saken ang lahat ng toh.. Parang yung puso ko lumulutang na sa heaven..

Walang tumatawag saken na Aya.. Sya lang.

"Ay-..."

BLLAAGG!

Napatingin kame bigla sa Filipiniana Section. Pinuntahan namen ito. Bigla akong kinabahan. Nakita ko ang mga ilang bumagsak na libro pero wala naman tao dun..

"Hala! baka may mumu dito! alis na tayo!" pagaaya ko kay Ivan. Eh kasi naman bumagsak yung libro wala naman tao!!

Takot ako sa mumu!!

****
Unice Pov:

Lumabas na kame sa maalikabok na library nang makuha ko ang kailangan ko!

"Unice that video is a big scandal! Baka matanggal pa silang dalawa dito sa school!"

Tumawa naman ako..

"Yun nga ang maganda para solo ko na si Kevin.."

Nagring ang phone ko.. I saw a caller ID it's Ellaine. Wow timing naman ang tawag nito..

My 15 year old WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora