Chapter 14

3.1K 97 4
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw parang kailan lang nasa Boracay ako at inienjoy ang dagat! Ngayon sangkatutak na special project at assignments ang kinakaharap ko para makahabol ako sa lessons ko.

Nagulat nga ako na parang wala lang sa mga classmates ko ang pagaabsent ko sa klase, nalaman ko na lang na dinahilan pala ng principal namen na hospitalized ako at kailangan ko magpahinga. Tama kayo nang iniisip alam na ng principal namen ang tungkol samen ni Ivan. Bago nga ako pumasok kinausap pa nya ako na wala akong dapat ipagalala dahil walang makakaalam na isa akong Misis Zamonte.

"Best! Tingin mo dito sa no.5 tama ba tong sagot ko?" nga pala andito kame ni Carol sa bench ng school tinatapos yung Assignment ko sa Physics. Ang hirap naman kasi! Bakit kasi ang unfair naman magaling nga ako sa ibang subject baket pag may halong Math hirap na ko! Huhuhu!!

"Ahmmm..di ako sure eh." sus maryosep! Panoh na ko nito? Napatungo na lang ako dito sa lamesa. Parang kumikirot yung ulo ko sa dami kong iniisip.

"Maybe i can help you." may umupo sa tapat namen bigla naman ako napataas ng ulo. Oh my gosh!! Pati si Carol natuklaw ng ahas sa kinauupuan namen.

"Medyo mahirap nga tong Physics pero di yan dapat sinusukuan." kinuha nya yung ballpen ko at may sinulat sa notebook ko.

Kaming dalawa ni Carol nakatanga pa rin sa kanya.

Pagkatapos nyang isulat yun. Ngumiti sya saken! Shemay! Ayla asan ba yung dila mo?
Inabot nya saken yung notebook ko. Tiningnan ko ito at sinulat nya ang nakasolve na problem sa no.5 sandali may napansin din ako.. nakasulat din yung cell no. nya!! OMG!!! gusto ko mangisay dito sa kinauupuan ko!!

"If nahihirapan ka sa Physics pwede mo kong tanungin. Willing kita turuan." sabay smile na maala Daniel Padilla. Jusko naman pwede penge ng kanin, ulam na tong nasa harapan ko!!

"K-Kevin, salamat." wala ako pakialam kung nakatitig ako sa kanya ngayon. Kung noon nga tinatanaw tanaw ko lang sya dapat sulitin ko na toh!

"So girls una na ko may practice pa ko. See you Ayla!" sabay ngiti with kindat pa! Gusto ko nang mahimatay sa kilig! Tsaka kilala nya ko! Tama narinig ko yung pangalan ko tinawag nya!! OVER NA ITO!! Sasabog na ko sa kilig!!

"Best!! Kilala nya ko!" halos niyugyog ko si Carol na parang di makapaniwala sa nakita nya.

"O-Oo nga nakita ko. Ah best gusto man kitang suportahan sa kilig na nararamdaman mo uuna muna ako sa library kasi may isesearch ako dun." sabi nito saken.

"Okay. sasabay ka ba saken pauwi?" tanong ko dito.

"Ahmm.. siguro mauna ka na saken kasi medyo maramirami yung gagawin ko sa library eh." sagot nya saken.

"Sige.. ingat ka best.." agad naman syang nagwave saken at umalis.

Rinngg.. Rinngg..

"Hello Ivan."

"Hey, wifey how's school?"

"Baket?"

"Tinatanong kita, tapos sasagot mo saken baket.."

"Anong kelangan mo?"

"Susunduin kita ngayon. Pinatatawag tayo ni Lolo."

"Okay."

End of call.

Maraming nagbago samen ni Ivan simula nung bumalik kame sa Boracay. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko tuwing lalapit sya saken. Abnormal kasi yung puso ko bigla bigla na lang nagpapalpitate. Kaya mas okay na medyo dumidistansya ako ng konti sa kanya.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now