Chapter 5

3.6K 100 0
                                    

Ivan Pov:

7-eleven

3 araw na sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano dapat kong gawin. Ipapakasal ako ng lolo ko sa isang 15 year old highschool student.. Tss..

Naalala ko rin yung pagbabanta nya saken kung di ko sya susundin, wala akong sustento! At sisiguraduhin nyang hindi ako makakahanap ng pera..Grabe naman lupet talaga ng hukluban na yun!

Last noodles ko na tong kinakain ko at wala na kong allowance bukas. Ayoko nang lumapit dun sa dalawang kolokoy!! Aish!

"Noodles, tayo na lang lagi magkasama! Nauumay na ko sayo." Wala ako magawa kundi magimagine ng masasarap na pagkain..

Sumagi rin sa isip ko si Ayla nang di ko sadya. Cute sya tsaka mukang mabait. Humanga nga ako dun sa sinabi nya saken last time na nagusap kame. Napakatapang nya para akuin nya ang isang kasal sa isang lalaking walang kasiguruhan.

Rinngg.. rinngg.. rinngg..

tiningnan ko kung sino ang istorbo sa moment ko with my noodles!

"Ellaine?!" agad ko naman itong sinagot.

"Hello.."

"Hi Ivan."

"Oh napatawag ka?"

"Andyan ka ba sa condo mo?"

"Ah eh..wala eh.. bakit?" tama wala ako sa condo dahil wala na kong condo!! waaahh!!

"Ah ganun ba.. Ah sige.. may bago lang kasi akong dvd.. yayain sana kitang mag movie marathon.." naku naman!! napakawrong timing naman!!

"Ah Ellaine sorry pero di ako pwede eh.. may pinapagawa kasi si Lolo saken.. Ahmm next time yayain kita mag movie marathon. Sure yun!" Huminga ako ng malalim at gusto ko iumpog ang sarili ko dito sa lamesa!

"No problem Ivan. Mas okay nga yan nagiging close kayo ng lolo mo. Oh sige next time na lang. Goodnight bye.."

"Bye." Yung totoo!! nanadya ba talaga ang tadhana!!

Ayoko na suko na ko! Alam ko malaking kalokohan toh at ayoko magpakasal dahil alam ko kung sino ang gusto ko! Pero anong magagawa ko!! Hay naku! Masisiraan na ko ng bait!!

****
Tinawagan ko si Lolo, tinanong ko kung baket kame magpapakasal ni Ayla. Inalam ko ang buong istorya sa likod ng lahat ng toh..

Inalam ko rin kung saan ang address nya at andito ako ngayon nasa tapat ng bahay nila. Isang cozy, magandang bahay.

Nagdoorbell ako.

Kaya ako nandito dahil sabi ng Lolo Hulk kailangan humingi ako ng dispensa sa buong pamilya ni Ayla at viola ibabalik nya ang atm ko, ang condo ko at higit sa lahat ang sasakyan ko. I miss my car.

Maya maya pa may bumukas ng gate.

"Magandang gabi po.." napatigil ako nang mamukaan ko sya.

"Tita? Tita Cecil?" tama! hindi ako pwedeng magkamali isa sa matalik na kaibigan ni mama si tita cecil. Andun nga sya sa funeral nung mawala ang pamilya ko. Kumunot naman ang noo nya habang tinitingnan ako.

"Tita.. ako po ito si Ivan! anak po ni Margareth Zamonte. " Lumaki ang mata nyang nagets ang sinabi ko.

"Ivan!? Oo nga Ivan ang laki mo na!" hinawakan nya ang pisngi ko at ngumiti ako sa kanya.

"Grabe! di kita nakilala! Ang gwapo mo na kasi akala ko artista! Ay pasok ka! pasok!" naks ako artistahin di naman masyado..

"Upo ka dyan! sandali ano gusto mo juice, softdrinks?" alok nya saken.

My 15 year old WifeWhere stories live. Discover now