Chapter 2

4.7K 106 1
                                    

Ivan Pov:

"Ivan!" naku patay! makaalis na dito..

"Ivan wag mo kong subukan takbuhan ah!" patay na talaga tsk!

"Hi Babe! kamusta?" i'm flashing my sweetest cute smile alam ko naman di nya ako mareresist.

"Bakit di ka sumipot sa family dinner? At di mo na ko tinetext? Pinagtataguan mo ba ko?" problema nga naman di na matapos tapos!

"A-alam mo babe ganito kasi yun.. yung lolo ko kasi eh .. ano may sakit kasi yun kaya ako muna ang nagalaga sa kanya kaya di ako nakapunta sa family dinner nyo at di kita natetext. Mejo busy alam mo na babe. Sorry na Rachel." mukang ok na bati na kame nito makakascore na naman ako! Kiss ko lang to wala na galit nito.

Mmmwaaa - .... PAKK!!!

"Walang hiya ka manloloko!! " sabi nito ako naman natulala sa sampal nya.

"Ba- baket?" nakahawak ako sa muka ko ngayon! Sakit eh!!

"Hindi Rachel ang pangalan ko!! Grrr!" at nagwalk out si Babe who ever her name is.. wala e..wala na yung score ko! Sayang!!

"What the hell??" kilala ko ang boses na yan!

"Kuya Ivan wala ka pa rin pagbabago!" sabi pa ng isa pang boses.

"Kuya Pogi isa kang alamat!!" mukang masaya ang sem ko ngayon ah! at nang humarap ako hindi ako nagkamali!

"Mga Dude! at Ellaine! kelan ka pa dumating galing states?" grabe laki na pinagbago ng babaeng toh! kung maganda sya noon mas lalo syang gumanda ngayon.

"Alam mo Ivan 21 ka na your in adult stage pero wala ka pa rin pinagbago. Tsk! Immature." sabi nito saken. If i know miss lang ako nito eh!

"Ikaw Ellaine masungit ka pa rin gaya ng dati! kaya walang jowa eh! Hahahaha!" at humagalpak ako ng tawa.

"Whatever Mr. Zamonte! Malalate na ko. Iwan ko na kayo dyan." at umalis na sya habang naglalakad sya papalayo me mga kumag na nakatingin sa kanya.

Pok!

"Wag nyo nang pangarapin! Hindi nyo yan abot! ako nga di ko maarok eh!" binodyakan ko lang naman sila Louie at Dennis.

"Bakit ka nambobodyak!?" tanong nun dalawa.

"Isa lang sagot dyan! Mas nakakatanda ako sa inyo kaya igalang nyo ko! Aish! Halika nga kayo magsisimula na ang klase." Pumunta kame sa classroom namen at umupo. Grabe ang ganda talaga ni Ellaine ngayon, sana nga wala syang boyfriend.

Graduating na ko ng Business Ad alam ko medyo natagalan ako sa kolehiyo dahil sa edad kong 21 na malapit na rin mag 22 eh andito pa rin ako.

Masyado ko lang siguro minahal ang aking alma matter! hehehe sa dami kasi ng chicks  dito eh! Alam ko na nasa isip nyo chick boy ako, palekero, playboy sabihin nyo na gusto nyong sabihin basta ako isa lang akong mapagmahal na nilalang dito sa balat ng earth.

"Earth calling to Mr.Zamonte!" ay earth!

"Ay Ma'am! Present!" hanggang sa nagtatawanan na ang buong classmate ko, bakit?

"Quiet! Mr.Zamonte are you making fun with me?" taas kilay ng prof ko.

"No ma'am. Sorry po." yumuko na lang ako, baka isumbong pa ko kay lolo.

"FYI class we have a substitute teacher for today kasi wala pa si Mrs. Tolentino. May i introduce to you Ms. Ellaine Capistrano." lumaki ang mga mata ko! like wtf!! ka swerte ko naman!

****
Cafeteria

"Ellaine!" kumaway naman sya saken grabe di ako makapaniwala na teacher ko sya. Umupo ako sa table nya at nilapag ang tray ko.

"Grabe, ikaw na! di ko akalain na magtuturo ka na! akala ko nag aaply ka pa lang. Yun pala tanggap ka na! Galing!!" bilib talaga ako sa kanya! kinagat ko ang burger ko nakakagutom magkacrush sa kanya!

"Ivan, tama na yang mga papuri mo ah!" sabay inom ng softdrinks. "Kamusta pala ang lolo mo?" hay naku bakit yun yung topic.

"Ayun di pa rin nagbabago strikto pa rin tsaka alam mo yung paghahampas nya saken ng tungkod, parang di man lang nagbago yung lakas nya, maysa aswang ata yun si lolo eh!" biro ko dito.

"Hahahahaha! Grabe ka Ivan wala kang patawad pati lolo mo nilalait mo! Well kahit ako ang lolo mo hahampasin kita ng tungkod nang matauhan ka!" pati ba naman sya gusto nya kong saktan.

"Ay grabe! parang wala tayong pinagsamahan ah!" pagkasabi ko nun ngumiti sya saken at umiwas ng tingin. Na feel ko rin ang awkward nang nasabi ko. Aish! so stupid Ivan!

"Ano ka ba joke lang yun!" bawi ko! sabay ngiti ng malaki!

Ringg.. ringg.. ringg!

Istorbo naman sino ba toh?

Nang makita ko ang caller nakita ko si Hulk ang tumatawag. Ibababa ko sana pero tumingin si Ellaine saken.

"Sagutin mo na yan Ivan." sabi nito at napatango naman ako. Tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello Lolo.. opo nasa school.. bukas po?" napapakamot na lang ako sa ulo.

My 15 year old WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon