"Hoy, Teeny Weeny anong nginingiti mo dyan?Aber." Agad na sumulpot si Anj sa harap ko. Siguro naiwan si Baby kevin jr. kay Kev.

"Wala Anj, Wala" sabi ko kay Anj at ngumiti.

"Siguro, pinagtatawanan mo na ako kasi mataba pa rin ako. Humanda yang Kevin na yan sa akin" Eto talagang si Anj nage-emote masyado. Eh kasi mataba na nga konti si Anj. Ang dami kumain. Okay lang naman yun kasi babalik din naman sa dati yung figure niya kapag nagdiet siya.

"Hala, Anj hindi ah, Sexy Sexy mo nga eh" sabi ko kay Anj. Sexy siya dati? Secret lang a.

"Sige na, Sige na by the way Tin wala pa bang laman yang tiyan mo" nakanguso naman tong si Anj tapos tunuturo yung tyan ko hata. Napahawak naman ako sa tyan ko.

Anong laman kaya ang pinagsasabi ni Anj. Bakit ang daming alam ni Anj?

"Hala , Anj Malamang meron, kakain ko lang kaya" Eto talagang si Anj may laman laman pang nalalaman. Kakain ko lang naman saka ganun talaga. Laging may laman tiyan ko.

"Wala pa ba?" sabi ni Anj . Ano? Di ko talaga gets. "Tin , grabee na ang pang-aakit na ginawa mo, wala pa rin ba?" sabi ulit ni Anj.

"Anj, naman" Ang hirap talagang intindihin ni Master Anj. Daming alam.

"Hay, Naku Naku Teeny Weeny, Di talaga kita maintindihan, Hay naku nandyan na asawa mo" sabi ni Anj at nakanguso na siya sa pinakamamahal kong Bubu. Si Anj lang may alam na ikakasal ulit kami ni Jeff. Ewan ko ba kay Jeff. Hay naku, si Bubu talaga

At saka hala, naka-wedding dress ako. Halaa talaga. Baka hindi na matuloy kasal namin. Dapat wala rito si Jeff.

Agad akong tumungo kay bubu at tinikpan ang mata niya. Pinantakip ko ang dalawang kamay ko sa mata niya. Ang tangkad naman ni Jeff ang hirap abutin.

"Bubu, pikit lang dali, dali"

Alam niyo naman siguro yung kasabihan na dapat hindi nakikita ng groom ang bride. Natatakot lamang akong hindi matuloy. I want this to happen. Gusto kong matuloy ang wedding part two namin ni Jeff.

"Ano, Tin? Bakit?"

"Basta Bubu, alis ka na dali, huwag kang didilat, naku naku" sabi ko.

Nag-aalala lang naman ako ee. Natatakot, nangangamba, natatakot ulit. Ano bayan? Paulit-ulit ako.

"Hay, naku Jeff praning na yang asawa mo" sabi ni Anj tapos lumapit siya sa akin. "Naku, Tin kasal nyo na ba ni Jeff, di ba hindi pa, eto talaga, makaalis na nga dito, Bye Teeny Weeny kita na lang tayo sa shop" sabi ni Anj.

Ay, oo na no, dapat pala sa araw ng kasal. Pasensya naman . Nang makaalis na si Anj, nahiya naman ako kay Bubu. Kung ano ano kasi iniisip ko. Ano ba yan?

"Kasi Bubu ehh—" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Jeff

"Tin, tandaan mo anuman ang mangyari . matutuloy ang kasal natin." Naman bubu e kilig na talaga ako "At saka I love you, Bubu" WAAA. Eto na naman tayo, para akong mahihimatay.

Nikikilig na talaga ako.

"Eh kasi ----" Nikikilig na talaga ako. Super double times, triple times. In a million times. Grabe naman kasi si Bubu.

"Huwag ng mag 'eh kasi', Wala man lang I love you too?"

Ayayayay Sir. Gusto ko ng sumaludo. Pakiramdam ko nag-iinit na ang pisngi ko. Hay! Jeff para kang drugs nakakaadik? Nakatikim na ng drugs Tin? Hehe.

"I love ---" naputol na naman ang sasabihin ko kasi...

Hinalikan na ako ni Jeff. Anuba? Napapulot tuloy ang arms ko sa batok ni Jeff. Sinabayan ko ang indak ng labi niya sa akin. Ang tamis lang talaga niya.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now