Chapter 14: I'm Sorry

Start from the beginning
                                    

Lumingon ako sa kanya at nakita siya na nagluluto. Tinignan ko siya ng masama. Huminto siya sa paghihiwa niya.

"You look pretty when you do that." Sabi niya.

"Pretty pala ah?!" Mas lalo ko pang tinaliman yung tingin ko sa kanya.

He squinted his eyes as if examining me. "Mmmm. now you're gorgeous." Grabe! Lakas manlandi ng lalaking to. Tumalikod siya tapos pinagpatuloy yung pagluluto niya. Nagpiprito lang siya. Eggs. Hotdogs. Tapos fried rice.

"Princess. Pakiabot naman ng salt sa cabinet."

Ayus. Matapos akong asarin, uutusan ako.

“Nurse na nga ako. Katulong pa?" pero kinuha ko din naman.

"Susunod ka din pala ang dami mo pang sinasabi."

Yung cabinet na pinaglalagyan ng salt eh malapit lang talaga sa kanya. Kaya nakita ko na nakangiti siya habang sinasabi niya yun.

"Kanino ko iaabot yung asin? Sa'yo o sa cabinet?" Tanong ko habang hawak ko na yung pinapaabot niya tapos sumandal ako sa sink, habang nakatingin sa kanya at nakangiti nang ubod ng lapad. 

"Ha?” He asked, looking confused. 

"Sabi mo paabot ng salt sa cabinet."

"Princess… are you trying to be funny?" tanong niya ulit sa’kin.

Namula naman ako dun. Pahiya lang ah.

"Hindi." pagdedeny ko. "Hindi ako nagpapatawa. Nililinaw ko lang yung sinabi mo. Tsk" Nag-pout ako sabay halik na naman niya sa labi ko.

"Kanina ka pa ah. Ano bang problema mo?” mapang-hamon kong tanong. Nakakdami na kasi eh.

"You pout. I thought you want my lips again." Painosente niyang sagot. 

Nung nagkatinginan kami sa mata bigla na lang niya iniwas yung tingin niya sa kin.

"Please stop staring." Utos niya. Eh sa matigas ulo ko kaya hindi ko tinigilan ang pagtitig ko sa kanyan.

"Princess. Please stop." Pagmamaka-awa niya. Hindi siya lumingon o tumigil man lang sa ginagawa niya.

"Ha? Itigil ang alin?" tanong ko sabay taas ng kilay. 

"Staring."

"At bakit naman ako titigil?"

"Because i said so.” 

"Talaga?" pang-aasar ko pa.

Bigla siyang humarap sa kin, pero iniiwas pa din niya yung tingin niya. Hinatak niya ko paupo sa upuan sa dining table sabay sabing. "Stay there." Sabay bumalik siya dun sa niluluto niya. Nakatalikod.

Hindi ako gumalaw, nakatingin lang ako sa likod niya at ang tanging naiisip ko…  Mmmmm… Breakfast. Hihi. Pero sandali lang ay pinigilan ko na din ang sarili ko na mag-isip ng mga kalandian.

"Are you liking the view?" tanong niya. Sa tono ng boses niya halatang nakangiti siya. Lokong ‘to. Masyado na niyang nae-enjoy ang mga pangyayari.

"Hindi." Sagot ko at sinigurado kong walang emosyon yung tono ko.

Nasundan ng katahimikan ang sagot ko, walang nagsalita, tanging tunog nang pinipritong butil nang kanin lang ang maririnig. 

At ako? Naka-upo. Nakatitig sa likod niya… sa marahang paggalaw ng tela sa bawat kilos na ginagawa niya. Nang maalala ko kung nga pala ako nandito.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now