Sa aking paglayo, sana ay matahimik na kayo. Hindi ako nararapat na manatili sa bahay na ito. Wala ng natitirang pagmamahal dito sa puso ko para sa inyo lahat. Aalis ako at sisiguraduhin ko sa inyo na magtatagumpay ako at balang araw ay hihingi rin kayo ng tawad sa nagawa niyo sa akin. " habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay patuloy lang ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang mga ito at tuluy-tuloy na siyang lumabas ng bahay at naglakad papuntang kalsada. 

Dama niya ng mga oras na iyon ang kalayaan. Kalayaan sa kalupitan ng pamilyang kumupkop sa kanya at pinagsilbihan niya sa mahabang panahon. Sumakay na siya ng taksi at nagpahatid sa driver sa simbahan ng Baclaran. Gusto muna niyang manatili ng ilang oras don at makapag-isip-isip. Sa totoo lang wala siyang ibang kakilala bukod sa mga kaibigan niya na maaring tuluyan. Ayaw niyang makiabala sa mga ito. Maghahanap na lang muna siya ng mamapasukan kahit katulong pwde na yon at sanat naman siya sa gawaing bahay. 

Pagkatapos makapagdasal ay naupo muna siya sa may groto ni Mama Mary at patuloy pa rin ang pag-usal niya ng panalangin na sana ay makahanap siya ng mapapasukang trabaho. Napaluha na naman siya ng biglang maalala ang sinapit niya sa kanyang pamilya. Kung nabubuhay lang sana ang kanyang daddy ay hinding-hindi ito mangyayari sa kanya. 

Hindi na niya namalayan ang ginang na nakalapit na pala sa kinaroroonan niya. Kanina pa ito nakamasid sa dalaga habang nasa loob ng kotse at ramdam niya na may mabigat itong problema na dinadala at bukod pa don nakita niya sa tabi ng dalaga ang katamtamang maleta. Kaya inisip niya agad na baka naglayas ito ng bahay. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tingin pa lang niya sa dalaga ay napalapit agad ang loob niya dito. Napakaganda naman kasi ni Liz at ang amo pa ng kanyang mukha.

" May problema ka ba anak? tanong niya dito. Siya nga pala, I'm Nelly but you can call me mama Nely. " malambing na bigkas niya dito. 

Napaangat ng ulo si Liz hanggang sa sobrang ligaya ng kanyang puso.. " Hmmp,,, ako naman po si Liz. " tugon ng dalaga at inabot niya ang panyo ng ginang at pinunasan niya ang kanyang mga mata na nabasa ng luha. Tumingin siya diretso sa mukha nito at nakangiti pa sa kanya kaya biglang gumaan ang pakiramdam niya. 

" Marami pong salamat Ma'am. " pasasalamat niya sa ginang na nasa harap niya. 

" Kanina pa kita pinagmamasdan hija mula ng pumasok ka ng simbahan hanggang sa paglabas mo at pag upo mo dito ay nakikita ko na may mabigat kang problema na pinapasan. Maaari mo bang sabihin sa akin iyon at baka makagaanan mo ng pakiramdam. Minsan kasi kailangan din natin ng isang tao o kaibigan na mapagsasabihan ng sama ng loob para mailabas natin kung anuman ang mga hinanakit sa buhay. Narito ako hija at handang makinig sayo. " mahabang salaysay nito at ramdam niya na nakikisimpatya ito sa kanya.

" Kasi po Ma'am lumayas na po ako sa nakagisnan kong pamilya. Buong buhay ko po na minahal sila at pinagsilbihan pero sa bandang huli matutuklasan ko na ampon lang pala nila mommy at daddy. Kaya po pala simula ng mamatay ang daddy ay nag-iba na ang pakikitungo nila sa akin. 10 yrs. old pa lang po ako ay ginawa na nila kong alila at ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ni mommy. Ang tatlong ate ko lamang ang priority niya samantalang ako walang atensyon na nakukuha sa kanya. ginawa ko na po lahat-lahat, magtrabaho sa bahay at mag-aral ng mabuti. Sa katunayan po 2nd honor ako ng magtapos sa elementarya at mula 1st yr. hanggang 4th yr. naman ako ang valedictorian pero di po yon naappreciate nila mommy at ng mga ate ko. Kaya nga po ng marinig ko ang usapan nila mommy at ang panganay kong kapatid ang tungkol sa pagkatao ko nong gabing iyon ay nagdesisyon akong umalis ng bahay kinabukasan at dito ako sa simbahan napadpad. Wala po akong alam na pupuntahan, magulo po ang isipan ko ng umalis ako ng bahay at kaya narito po ako ay para humingi ng tulong sa Panginoon na sana ay malagpasan ko ang lahat ng pagsubok na ito at makahanap ako ng trabaho para makapag-ipon at ng maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Gusto kong patunayan kila mommy na kaya ko rin makapagtapos kahit na walang tulong na mula sa kanila. Sobrang hirap na ang dinanas ko sa kanila at tama lang naman ang ginawa ko na umalis na lang sa poder nila kaysa manatili ako sa bahay na iyon na puro paghihirap lang ang nararanasan ko. " paliwanag niya sa ginang habang umiiyak. 

Sobrang nahabag ito sa dalaga at napabilib din ito sa lakas ng loob ng kaharap. Gusto niya itong tulungan na magsimula sa isang magandang buhay sa piling niya. Maaaring ito na ang tugon sa matagal na niyang ipinagdarasal na maranasan ang maging isang ina. Namatay na ang kanyang asawa ngunit hindi sila nagkaroon kahit na isang anak. Ipapadama niya sa batang ito ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga na ipinagkait ng nakagisnang magulang. Pag-aaralin niya ito hanggang sa makapagtapos at ito na rin ang magiging tagapagmana ng lahat ng kanilang kayaman. 

Sa konting sandali na pag-uusap nila ay agad napamahal sa kanya ang dalaga at gagawin niya ang lahat para maging masaya ito sa piling niya at tutulungan niyang malimutan nito ang mapapait na karanasan ng nakaraang buhay ng dalaga. 

" Hija, tama na ang pag-iyak mo diyan. Maaaring hinayaan tayo ng Panginoon na pagtagpuin ang mga landas natin dahil tayo ang nararapat na magsama. Ako ay nasasabik sa pagmamahal ng isang anak dahil hindi kami nagkaroon ng anak ng namayapa kong asawa at ikaw naman ay nananabik sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ina. Hija, kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon para ipadama sayo ang pagmamahal ko bilang magulang ay labis kong ipagpapasalamat yon sayo at pangako hinding-hindi ka na muling luluha pa. " pakiusap niya sa dalaga. 

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Liz. Sa wakas ay natagpuan na rin niya ang tunay na magmamahal sa kanya at kahit walang dugong nananalaytay mula sa ginang sa kanyang mga ugat ay alam niya na magiging mabuti ang kalagayan niya dito at nasa mabuti siya mga kamay. Taimtim siyang umusal ng dalangin ng pasasalamat sa Panginoon sa sobrang biyaya na ipinagkaloob sa kanya. Lahat ng sakripisyo niya noon ay may magdang kapalit at ito na nga iyon ang makatagpo ng isang ina. Hindi na nag-alinlangan pa ang dalaga at niyakap niya ang kaharap at tiyak ng ginang na tinanggap na siya ni Liz na maging ina nito. Sa wakas ay pinagtagpo ang mga pusong kapwa naghahanap ng pagmamahal sa isa't isa. Anak ng naghahanap ng pagmamahal ng ina at ina na naghahanap ng pagmamahal ng isang anak. 

WAKAS 

Mga kaibigan, sana po nagustuhan niyo ang ibinahagi kong kuwento ni Liz. Alam ko bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kruz na pinapasan. Huwag po tayong mawalan ng pag-asa at darating po ang tamang panahon na makakamtan din natin ang tunay na kaligayhan. Muli po ang inyong lingkod ay nagpapasalamat sa pagbasa nyo ng kuwento ko na 'to. 

Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon at sana mas lalo pa tayong maging matatag at huwag na huwag pong susuko. Lahat ng problemang dumarating sa buhay natin ay may kaakibat na solusyon. Tandaan po sana natin na hindi tayo bibigyang ng Panginoon ng pagsubok kung hindi Niya alam na kaya nating malagpasan. Manalig po tayo sa kanya. Maraming salamat pong muli at sana may natutuhan kayong aral sa naibahagi kong kuwento. Happy 10K LBOS FAMILY!!! 

* maria*

10K SPECIALS (©LBOS)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz