Di na niya binanggit sa mga ito ng magpabili siya ng damit at sapatos na gagamitin sa graduation niya ay nabulyawan siya ng kanilang mommy at sinabing ambisyosa raw siya at kung anu-ano pang masasakit na salita ang binitiwan nito sa kanya. Labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito at sa kanyang kwarto bgo matulog ay iniyak niya talaga lahat ng sama ng loob niya sa kanyang pamilya. Napakasakit isipin na ilang taon siyang nagtiyatyaga sa piling ng mga ito at nagpapaalila at konting bagay lang naman ang kanyang hinihiling ay di pa siya mapagbigyan. 

Naidaos ang graduation niya bagama't may konting salu-salo sa bahay nila ay di siya naging lubos na masaya dahil minsan pang ipinadama sa kanya ng kanilang mommy na last priority lang siya nito. Naalala niya ang kanyang mga ate simula elementary hanggang college ng magsipagtapos ay talagang bonggang handaan ang ibinigay ng mommy nila at sa restaurant pa yon di gaya sa kanya na simple na nga sa bahay lang din nila ginanap.

Nagpatuloy pa rin ang buhay ni Liz kahit ganun pa rin ang turing sa kanya ng kanyang pamilya at ngaung nasa highschool na mas pinagbutihan niya pang lalo ang pag-aaral. Lahat ng sakripisyo niya ay may magagandang bunga. Lumipas ang apat na taon, valedictorian lahat ang kanyang karangalan. Napakasaya niya dahil hindi siya pinabayaan ng Panginoon. Tanging sa mahal na Panginoon lamang siya kumukuha ng lakas para labanan ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay. Alam niya darating ang araw na matatapos din ang lahat ng paghihirap niya at may magandang kinabukasan na naghihihntay sa kanya. 

Isang linggo matapos ang graduation ay hindi niya inaasahan na mabubunyag ang isang lihim sa kanyang pagkatao. Hindi alam ng kanyang mommy at ate Fiona niya na dumating na siya ng bahay. Nasa study room ang mommy at ate niya habang nag-uusap at nakalimutan na isara ang dahon ng pinto kaya narinig niya lahat ang pinag-usapan ng mga ito. Halos sumabog na ang kanyang dibdib dahil sa poot na nararamdaman ng mga sandaling iyon.Gustuhin man niyang magsalita ay walang boses na lumabas sa kanyang bibig ngunit ang kanyang luha ay kanina pa nagsisidaluyan sa maganda niyang mukha. 

Awang ang mga labi sa pagkabigla at mas gugustuhin pa niyang maglaho na lang siyang parang bula ng di na nararanasan ang ganitong sitwasyon niya. Kaya pala tanging siya lang sa magkakapatid ang hindi mabigyan ng atensyon at pagmamahal ng kanilang mommy, kaya pala,,,,,,,, di siya nito tunay na anak! 

Walang nagbubuklod sa kanila. Buong buhay niya ay inilaan sa pamilyang ito pero sa bandang huli ay wala rin palang silbi. Hindi niya namalayan kung paano siya nakarating sa kanyang sariling silid basta ang nasa isip niya ngayon ay kaylangan na niyang umalis dahil wala naman siyang puwang sa bahay na ito at sa puso ng kanyang kinilalang mommy at mga ate. 

Nag impake siya ng mga gamit niya sa isang katamtamang laki ng maleta at dala rin niya lahat ng kanyang mga credentials s school kasama na ang kanyang card, diploma at iba pa. Bukas aalis na siya sa bahay na ito at bahala na kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa.

Kinabukasan nga, hila-hila na niya ang kanyang maleta pababa at naroon sa sala ang mga kapatid niya kasama ang kanyang mommy. Nagulat pa ang mga ito dahil sa nag-alsa balutan siya. 

"Anong ibig sabihin nito? Bakit aalis ka na sa pamamahay na ito? tanong ng kanilang mommy na nakatingin lang sa kanya ang mga ate niyang fake. 

Lakas loob niyang sinagot ito sa tanong nito? " Wala na akong nakikita pang dahilan para manatili sa poder niyo. Buong buhay ko,,,, pinagsilbihan ko kayo. Tiniis ko lahat-lahat kahit na sinasaktan niyo na ako minsan pero minahal ko kayo. Hindi ko akalain na aabot pa sa ganito at sana noon niyo pa mommy sinabi na hindi niyo ako tunay na kadugo. Kaya pala ganun na lang niyo ako ituring na parang alila dahil di mo ako anak! Ni minsan di mo ko nagawang yakapin man lang. Pinapanalangin ko lagi na sana,,,,,sana,,, sana ay maramdaman ko rin ang yakap ng isang ina. Ang pagmamahal mo at atensyon sana maibigay mo rin sa akin kahit sa isang pagkakataon man lang. Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral mula elementarya hanggang highschool at kahit nakakuha pa ako ng mataas na karangalan ay di pa rin kayo natuwa sa akin.”

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon