Sa canteen nakaupo si raine. Halos itulak ni shane ang binata papunta kay raine.

"R-raine p-pwede ba kitang makausap,"yun lang ang huling narinig ni shane at iniwanan na niya ang dalawa ayaw niyang saktan ang sarili. Subalit walang alam si shane na di pa nakapagtapat si ponsing ay dumating naman si jacky.

Alam na ni raine manliligaw skanya si ponsing kaya siya na mismo ang pumunta sa lugar ng binata dahil ang totoo ay may paghanga din siya dito dahil sa ugali nito. At noon din ay naging sila na agad.

Nang malaman yun ni jacky. Ang magulang ni raine ang kanyang niligawan. At sa di inaasahan ay ipinagkasundo ito ng magulang niya. Walang paalam at walang pasabi kay ponsing ang kasintahan.

"ponsing tama na yan!"agaw ng baso ni shane na punong-puno ng alak. Siya ang nasasaktan ng sa paglalasing nito. Mula ng ikasal si raine kay jacky.

"mahal na mahal ko siya shane pero bakit? Akala ko ba mahal niya din ako? Niloko niya lang ako shane nagpakasal siya kay jacky."lasing na ang boses nito.

"tama na! Tanggapin mo na ang katotohanang di talaga si raine ang babaeng para sayo! Marami naman dyan na naghihintay lang nag atensyon mo!"kulang na lang banggitin niya ang kanyang pangalan sa kaibigan.

"s-segi nga magbigay ka ng isa! P-pakiramdam ko patay na ako shane,"malinaw pa ito magsalita kaya klarado pa lahat sa pandinig niya. Parang dinudurog ang puso niya pero wala siyang magagawa kundi mahalin ito ng walang kapalit.

"tara na uwi na tayo!"yaya ni shane at inalalayan niya ito pauwi. Malapit lang bahay nila sa pinuntahan nila kaya nakauwi kaagad sila. Inihatid niya ito sa kwarto. Kumuha siya ng maliit na tuwalya at maligamgam na tubig at pulbos. Pinunasan niya ito na tulad ng isang asawangunit di niya inaasahang naupo ang binata, hinawakan ang kanyang kamay.

"sana shane ikaw nalang si raine, alam ko kahit di ka nagsasalita alam kong mahal mo ako! Alam kong gagawin mo lahat para sakin. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong suklian ang pagmamahal mo sakin,"seryosong wika niya.

"l-lasing ka lang,"namumula siya ngunit andun ang saya. Aumiiling siya ngunit huli na ang lahat dahil nayakap na siya ng tuluyan ng lalaki at nasakop na ang kanyang mga labi. Wala siyang kakayanang manlaban dahil puso na niya mismo ang nag-uudyok na hayaan ito. Hinayaan niya ang lahat ng pangyayari hanggang sa makailang ulit nila itong pinagsaluhan.

Sobrang saya ni shane pero ang kaba ay naroon dahil ramdam niyang panakip-butas lang siya.

Nagising si ponsing na katabi ang dalaga. Niyakap niya ito ngunit si raine ang iniisip niya.

Makalipas ang ilang buwan ay niyaya na niya itong magapakasal at mabilis lumipas ang araw nabiyayaan sila ng isang anak na babae. Ang bibong si ashlee, masaya na sila at walang naging problema dahil napakaresponsableng asawa si ponsing.

Ngunit ang pag-aakala ni shane na wala silang problema ay lahat pala ng iyon ay puro lang akala dahil isang araw naiwan ni ponsing ang mobile niya sa bahay. At may tumunog kaya sinagot niya ito sa pag-aakalang emergency.

"hello ponsing hon, si raine ito nagpalit nga pala ako ng number kasi hiningi ni jacky yung isa kong sim, wag ka ng tatawag o magtetext dun ha? I love you hon miss na agad kita. Kita ulit tayo mayang gabi ha?"parang nabingi siya sa mga narinig niya. Napakalinaw ng pagkakasabi ng babae. Ibig sabihin matagal na siyang niloloko ng asawa niya.

"hon bakit di ka nagsasalita?"tanong ni raine. Pinatay nalang niya ang phone. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at di niya namalayang tumulo na pala ang luha ang niya.

"mama, what happen? Why you are crying?"sadyang malambing si ashlee at ngayon niya lang nakita na umiyak ang ina niya.

Di sumagot si shane sa halip ay niyakap niya ang anak at hinalikan ang ulo at maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si ponsing.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon