"Ito lang ang makakayang bilhin ng perang itinira mo sa akin Cris".

"Ganun?bakit hindi ka mag-isip ng paraan para magkapera? Guro ka nga pero ang bobo mo", sinaklit nito sa braso si Nadia saka itinulak sa sahig.

"Tay,tama na po,maawa po kayo kay nanay", naiiyak na wika ni Ram sa ama anim na taon na ito.

"Huwag kang makialam gagong bata ka,hala umakyat kayo sa itaas at magtutuos kami ng nanay nyo! Sigaw ni Cris sa tatlong bata.

"Mga anak,umakyat na kayo sa kwarto,sige na",utos ni Nadia sa mga anak.

Inakay ni Ram ang dalawang kapatid paakyat sa itaas.

"Bigyan mo ako ng pera Nadia,kailangan kong bumalik sa sugalan".

"Wala na nga akong pera cris,nasa iyo na lahat".

"Lintek ka!bibigyan mo ba ako o hindi?nanlilisik ang mga mata ni cris at hinubad ang sinturon nito saka itinaas at nakahandang ihampas sa katawan ng asawa.

"Isa!

"Wala na nga akong pera". Naiiyak na wika ni Nadia. "Parang awa mo na cris,huwag mo na akong saktan".

"heto ang nababagay sayo babae ka! Hinampas ni Cris ang hawak na sinturon sa hita ni Nadia.

Napaigik sa sakit si Nadia.

"Ilabas mo na ang pera!

"Wala na nga!saan ako kukuha ng pera".

"magmamatigas ka talaga ha,heto pa! Muling hinampas ni Cris ang sinturon sa katawan ni Nadia,hanggang sa magsawa na ito at nagmumurang lumabas ng bahay.

Masakit ang katawan at luhaang bumangon si Nadia,narinig niyang umiiyak ang kanyang mga anak.

"Sinaktan ka na naman ng asawa mo? Tanong ni Cherry kay Nadia,hipag niya ito dahil asawa ng kanyang kuya.

"Naghahanap po ng pera ate,inubos na nga niya ang sayod ko".

"Hay naku Nadia bakit ba kasi binigay mo lahat,paano nalang kayo ng mga anak?

"Hindi ko na po kaya ate,ganito nalang palagi".

"May alam akong agency papuntang HongKong,baka gusto mong lumayo muna dyan sa asawa mo".

"Paano naman po ang mga anak ko Ate?ang liit pa nila para iwanan ko".

"Nadia,hindi pababayaan ni Cris iyang mga anak mo,mabuti na iyong malayo ka muna para atleast makapag-isip isip na rin iyan,malay mo kapag wala ka na dito magiging responsable na rin iyan".

Umalis si Nadia sa pagiging guro at pumunta ng HongKong,sa awa ng Diyos ay napunta siya sa mabait na amo.

Tuwing linggo ay tumatawag ito sa asawa at mga anak.

Nagiging mabuting ama nga si Cris,hindi na ito palaging umalis ng bahay,inaalagaan na nito ang kanilang anak, naging panatag si Nadia kahit namiss na niya ang kanyang mga anak,pero kailangan niyang kumayod para may maipadala sa pamilya

Ngunit ilang buwan lang ang nakaraan ay bumalik na naman ang dating cris.

"Ram!tama na ang laro magsaing ka na dun",utos ni Cris sa panganay,habang kasama nito ang mga kaibigan na umiinom sa labas ng bahay.

Sumunod naman ang walong-taong gulang na si Ram.

Ngunit wala itong makitang panggatong.

"Reign,halika nga at samahan mo muna akong maghanap ng panggatong",tawag nito sa kapatid. Kumuha sila ng mga tuyong kawayan mula sa katabing abandunadong bahay.

10K SPECIALS (©LBOS)Where stories live. Discover now