entry 1

430 15 4
                                    

~ LBOS 10K ONE SHOT (1)~

BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ni MS. HEARTLESSKWIN.

(Plagiarism isn't a SIN, but a CRIME)

SHOW ME THE WAY TO YOUR HEART

by: heartlessKwin

"Buntis ako, Daryl." pag-uumpisa ni Armie.

"Ano?! P-pero paano nangyari 'yon?" gulat na gulat na sagot ni Daryl.

Nasa isang eleganteng restaurant sila at katatapos lang magdinner. Malamig sa loob ng restaurant, pero makikita ang ilang butil ng pawis sa noo ni Daryl.

"Anong paano?" parang naiiyak na sabi ni Armie.

"I mean-- alam ko we did it once, nagtataka lamang ako kung bakit ganoon kadali." Nalilitong sabi ni Daryl.

Hikbi lamang ang itinugon ni Armie sa tinuran ni Daryl.

"Stop crying okey? Pag-usapan natin 'to." kunot-noong pag-alo nito.

"Daryl, ikaw lamang ang kauna-unahang lalake sa buhay ko, wala nang iba at alam mo yan." Parang may panunumbat sa koses ni Armie patuloy pa rin sa paghikbi.

Tumingin lamang si Daryl sa kanya, sabay yuko at itinukod ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa habang ang dalawang kamay ay pinagsalikop sa likod ng batok, na para bang nalugi. Maya-maya'y nagtaas ng tingin kay Armie, na wari'y nakikiusap.

"Paano si Vera, may usapan na kami, tungkol sa aming kasal."

Si Vera, ang childhood sweetheart ni Daryl, bago pa man sila magkakilala ni Daryl ay inamin na ng huli na may kasintahan na ito at iyon nga'y si Vera.

"Ano ang gusto mong gawin ko, ipalaglag ang bata?" Parang nananakot na sabi Armie, na may halong pagseselos.

"No!" sigaw ni Daryl sa pagtutol.

Ginagap ni Daryl ang kanyang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "I'll think it over, Armie, just give me enough time, maaayos rin natin ang lahat."

Makaraan pa ang ilang sandaling pag-uusap ay lumabas na sila ng restaurant at inihatid na siya ni Daryl sa bahay.

©©©

Nasa loob na siya ng kanyang silid. Gusto niyang mapag-isa, gusto niyang pag-aralan ang napag-usapan nila ni Daryl.

Siya si Armie Francisco, bente sinko anyos, nag-iisang anak. Ang kanyang ama ay isa retired general, samantalang ang kanyang ina ay simpleng maybahay.

Siya ay isang travel agent sa isang travel agency sa Makati. Doon sila nagkakilala ni Daryl.

Si Daryl Ansano, nag-iisang anak ng paboritong kliyente niya na madalas bumiyahe sa iba't ibang bansa na si Judge Manolo Ansano.

Si Armie ang nag-ayos ng mga bookings sa airline at pati na rin ng mga plane ticket ng pamilya Ansano na papuntang Europa. Unang kita pa lamang niya kay Daryl, ay humanga na siya rito, si Daryl kasi ang kumuha ng mga plane ticket. 

Guwapo si Daryl, matikas ang tindig, macho, magandang magdala ng damit, at mababakas sa kaanyuan nito ang karangyaan.

Hindi iyon ang naging huling pagkikita nila.

Naging madalas ang pagkikitang iyon. Nagugulat na lang si Armie kapag dumadating doon ng walang kaabug-abog ang binata at yayain siyang kumain sa labas, bagay na labis niyang ikinaliligaya. Wala siyang pagtutol sa lahat ng paanyaya ng binata. Naging kampante sila sa isa't isa. Lahat naikwento ni Daryl sa kanya, ultimo ang kasintahan nito na si Vera, na napaka-conservative raw.

10K SPECIALS (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon