Chapter 11: Train Train Go Away

Start from the beginning
                                    

Kaso… wala eh. Kahit anino niya o kaya amoy man lang niya. WALA.

Badtrip! Galit nga siguro talaga siya sakin.

Lumabas na ko ng room na walang kinakausap na kahit na sino. Naramdaman ko ang dampi nang medyo basing hangin. Mas lumakas yung ulan ngayon. Narinig ko sa isa sa milyun-milyong conversation sa room na may bagyo daw. Tsk. Wala akong payong. Very. Nice.

Pagbaba ko mula sa 5th floor, nagtatalo ang isip ko kung susugod ba ko sa ulan o papahintuin ko muna o kaya magpapakapal ng mukha at makikisukob sa kahit na sino na lang.

"Nick!"

 Lumingon ako.

CHESKA.

Wow. Sa panahong gusto mo ng tahimik. Biglang binigay ni Lord si Cheska sa ‘kin. What A Day.

Lumapit siya sabay salita. "Wala ka bang payong Nick? gusto mo sukob na lang tayo?" Alok niya sa’kin habang nakangiti at nagliliparan yung buhok niya sa lakas na din nang hangin.

Sa totoo lang mabait talaga tong si Cheska. Kaso sa sobrang pagka-nice niya, minsan naiirita na ko. Ingay kasi talga eh.

“Hindi na lang. Papatilain ko na lang siguro yung ulan."

"Papatilain? Seryoso ka? Bagyo kaya yan. Buti sana kung LOW PRESSURE AREA lang."

Napatunganga na lang ako sa LPA statement niya,

"Halika na! Wag ka na mag-isip." sabay hatak sa braso ko. Binuksan niya yung payong niya, tapos sabay kaming naglakad palabas ng gate.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nakangiti.

"Anong problema mo?” tanong ko.

"Anong problema ko?" tanong niya ulit.

"Bakit ka nakangiti?" inis kong tanong. 

"Ahh.. Wala lang. Masaya kaya. Hindi kaba natutuwa sa ulan?"

"Hindi. Anong nakakatuwa sa ulan?"

"Nababasa ka kahit ayaw mo. At wala kang ibang choice kundi enjoyin na lang." tapos may tinuro siyang mga couples na nakapayong, ati magkakabarkada. Tatlo sa isang payong o kaya lima pa.

"Tapos it brings people closer together.” sabi niya habang nakatingin sa’kin at nakangiti, at mas dumikit pa siya sa’kin.

Weird talaga. Badtrip kaya ang ulan. Utak baliktad talaga tong si Cheska.

Nakalabas na kami ng gate, at basa na ako. Salamat nga pala sa pagpapasukob ah. Gusto ko sanang sabihin. Pero ngumiti na lang ako. Grabe pa din yung lakas ng ulan. At kahit na ayaw ko, nakasukob pa din ako kay Cheska, at nagkukwento naman siya ngayon tungkol sa pet niya. Yan ay matapos niyang ikwento ang elementary, highschool at family life niya.

Not interested.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, then I saw him. Nasa labas siya ng kotse niya. Wearing the same shirt he's wearing this morning, but not wearing the same smile. Hindi siya nakapayong. Nakatayo lang siya dun. Sa tabi ng kotse niya. Waiting. He is waiting for someone. His face looks mad and sad at the same time.

"Dominic?" bulong ko.



"Ha?" sabi ni Cheska.

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papalapit sa direksyon ni Dominic.

**TIIING! TIIIING! TIIIING!**

Damn! Bakit ngayon pa?!

**Honk! Honk!**TIIING! TIIIING! TIIIING!**

Binilisan ko pa yung lakad ko at basang basa na ko ng ulan. Pero wala akong pakialam. Kailangan kong mapuntahan si Dominic. Kailangan kong makalapit sa kanya bago pa tuluyang harangan ng tren yung daan ko.

"NICK!! Sa’n ka ba pupunta? Nababasa ka! Hindi masaya yan!"

Shut up Cheska! Salamat sa paying pero mas may importante akong dapat intindihin, so shut up please!

**Honk! Honk!**

Nung patawid na ako, pinigilan ako ng train officer. Binigyan niya ko ng tingin na nakakairita. Sinubukan ko pa din kung pwede pang tumawid. Pero… "Ano ba miss??! Magpapakamatay ka ba??"

 "Kundi ako papatay sa sarili ko, malamang siya ang pumatay sa kin."

Tapos tinuro ko kung nasaan si Dominic, sabay namang daan ng tren.

"Baliw ka na ba miss?"

 “Ikaw. baliw ka ba??!!" Ginagalit ako ni koya! Hindi mo dapat ginagalit ang babaeng desperado na, basa pa sa ulan. Hindi!

"Nick! ano ka ba? Bigla ka na lang sumugod sa ulan. Kung alam ko lang na gusto mo palang maligo sa ulan eh di sana sinamahan kita."

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin pa din ako sa kung saan dapat ako pupunta. Bakit ba kasi parang mas mahaba yung tren ngayon. ang tagal nilang maubos.

 "Nick oh." May inabot na facetowel si cheska sa kin. Nasa tabi ko na siya ngayon at pinapayungan na niya ako ulit. And I'm still waiting for the train to end.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now