Nagulat ako nang mapatingin siya sa direksiyon ko.

"Ganitong oras ka ba gumigising?" tanong niya sa akin.

"Oo." I felt strange. Ang seryoso niya kasi. Hindi ako sanay na makita siyang super serious. Okay pa 'yong strict serious pero ngayon, ang level ng seriousness niya ay 'yong parang isang maling sagot ko lang ay sasakalin niya ako. Nakakakaba.

Mukhang nahalata niya ang uneasiness ko kaya biglang nag-soften ang expression niya. Tahimik kong tinungo ang ref. Ayokong makipag-usap sa kanya kung hindi kailangan. Baka ano pa kasi ang masabi ko dahil hanggang ngayon eh naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa akin.

"Any food? I'm hungry." Napatingin ako sa kanya. Inuutusan niya akong magluto? Kinabahan ako. Gusto kong tumanggi pero baka magalit siya sa akin at may gawin na naman siyang kababalaghan. Tahimik kong kinuha ang itlog at bacon sa ref. Tahimik ko ring inalala kung paano magprito ng ulam si Ate Sharon.

Kumuha ako ng frying pan at binuksan ang gas range. Good thing marunong na akong magbukas ng gas range since inutusan ako minsan ni Ate Sharon na magpakulo ng tubig. Kumuha ako ng mantika at inilagay sa frying pan. Naalala ko ang itlog. I beat the eggs pero maski sa bagay na iyon ay nahirapan ako. Muntik ko pang mabitawan ang itlog. Habang ginagawa iyon ay panay ang sulyap ko kay Keeper. Nakatingin siya sa ibang direksiyon habang umiinom ng kape. Nagulat ako nang bigla siyang bumaling sa akin. Agad akong tumalikod at saka nataranta nang mapansing sobrang init na ng frying pan na may mantika.

Pagkatapos ng itlog ay isinunod kong lutuin ang bacon. After five minutes eh nakahanda na ang ulam. I toasted some bread at natapos ko rin ang ginagawa ko. I was tensed dahil hindi ko alam kung tama 'yong niluto ko.

"Here it is." Inilapag ko sa harap niya ang pagkaing hinanda ko. I gave him a fork. Tahimik niyang kinuha ang tinidor at nagsimulang kumain. I was looking at him, waiting for his comments or violent reactions. Kinakabahan ako!

He paused. Lalo akong kinabahan. Wala naman akong nilagay na masama sa niluto ko.

"Matabang," he said. Nakalimutan kong timplahan ang itlog sa sobrang tensed!

"Papalitan ko na lang."

"Never mind. Okay na ito," he said while eating. Para akong timang na nakatitig lang sa kanya. I stared at him intently, studying his face. He is very masculine in features, hindi gaya ng kuya niya na soft ang features ng mukha at mapagkakamalang babae. Keeper is every inch a man and very handsome. Umismid ako. Naiinis talaga akong isipin na gwapo siya. Hindi ko talaga 'yon kayang aminin but at least I can keep it to myself.

Bigla niya akong sinulyapan. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ayokong isipin niyang tinititigan ko siya. Baka isipin niyang nagagwapuhan ako sa kanya... kahit 'yon naman ang totoo. Hinding-hindi ko yon aaminin kahit maglaslasan pa kami rito ng pulso. Gaano man siya kagwapo ay hindi pa rin niya mapapalitan si Raphael sa puso ko, kahit maglupasay pa siya.

As if gagawin niya 'yon.

"May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko.

"Mahilig si Raphael sa Filipino dishes. He knows how to cook at nagpa-practice si Lan ng pagluluto to impress him," he narrated. Hindi ko maiwasang maasar. At talagang sinabi pa niya sa akin ang update sa lovelife ng dalawa?

"Kahit matuto pa siyang magluto ng adobong palaka ay wala akong pakialam!" tumaas na ang tono ng boses ko. Naaasar talaga ako kapag naririnig ang pangalan ng pangit na 'yon!

Ngumisi siya. "Sabi ni Raphael sa akin, nagustuhan niya si Lan dahil mature ang kapatid ko. Eh ikaw? Nagtaka ka pa kung bakit 'di ka nagustuhan ni Future brother-in-law?"

AchillesWhere stories live. Discover now