#7: ღ Kalokohan Part Two ღ

857 18 1
                                    

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.


AZALEA

Pagkatapos naming tumawa ng tumawa, naupo muna kami sa may gilid kung saan kami nagtambay kanina. Di pa rin talaga ako makaget-over doon sa ginawa ni Steve, mas malakas pa ata topak niya kesa saakin. Halikan ba naman ako sa pisngi, FIRST ko yun eh.

"Bakit nga pala cheesecake?" tanong bigla ni Calvin sa akin

"Huh? Favorite ko kasi yun tsaka yun yung unang pumasok sa utak ko."

"Ah" napatango naman siya

"Speaking of cheesecake, gusto ko nun. Halika bili tayo, daliii!"

HInila ko si Caleb papunta sa may cake shop, meron naman dito nun. At ang di ko maintindihan ay kung bakit ko hinila tong si Calvin ng basta basta, parang may nag-udyot na gawin ko eh. Don't tell me minamaligno na ko? O kaya pinakulam ako nitong si Calvin?

Nilingon ko siya, parang di naman niya magagawa sigurong ipakulam ako? Sa gwapo nyang yan-- I mean hindi naman niya magagawa yun kasi alam ko na mabait din naman tong ugok na 'to, hindi nga lang halata.

"Ate pabili nga po nang cheesecake" sabi ko kay ate at nilingon naman si Calvin

"Ikaw Calvin anong gusto mo?"

"Ikaw" Tinignan naman niya samantalang ako ay nagulat sa sagot niya

"A-Ako?"

Bigla naman syang napa-isip sa sinabi nya kanina kaya bahgya siyang namula

"A-Ah sabi ko ikaw anong gusto mo."

"C-Cheesecake nga diba?" Ano bay an ba't naging awkward?!

"Sige yun na din sa'kin"

Tumango ako sakanya at nilingon ulit si ate sa cashier

"Ate isa pa pong cheesecake, dito na po namin kakainin"

"Libre mo?" Tanong niya sa'kin, tinanguan ko naman siya at kinindatan. Napaiwas naman siya ng tingin, o'ha, sabi na eh no one can resist my charms.

"Sigurado ka? Baka may kapalit yan"

"Don't worry sa ngayon wala pa" pabiro kong sabi

Ini-abot naman ni ate yung dalawang cheesecake na order namin.

"Heto po miss, sainyo po ba to ng boyfriend mo? Bagay po kayo." Nginitian naman ako ni ate, aba't!!!!!

"Ah hindi po ka---" magsasalita na sana ako ng bigla akong akbayan ni Calvin

"Opo saamin po yan ng girlfriend ko, paborito nga po namin tong cheesecake eh" sabi nya ng nakangiti, walang'ya 'to! Ano nanaman pinagsasabe nito?!

"Anong--" magsasalita na ulit sana ako kaya lang hinila na ko nitong si Calvin papuntang table, pasalamat sya good mood ako ngayon dahil kung hindi kanina ko pa siya nasapok

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now