#2: ღ Like to Hate ღ

1.3K 27 4
                                    

Azalea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Azalea

Nandito ako sa kwarto ko at kasama ko si Erhia na nakasalampak sa sofa ko, hawak hawak niya yung tab ko at nag-you-youtube, malamang nanonood yan ng idol niyang KPOP, pwe! Samantalang ako e nakatulala lang sa may study table ko at ini-i-sketch yung lalakeng nakita ko kanina sa may National Bookstore, ang gwapo niya talaga.

Maya maya lang e hindi ko namalayan na tawag na pala ako ni Erhia.

"Couz naman! Bat di mo ko pinapansin? Kanina pa kita tinatawag e." Tapos nag tantrums siya.

"H-ha?

"Eh hindi ka naman nakikinig sa kwento ko e." Para talagang bata tong si Erhia, nakanguso pa. Psh.

"Nagsasalita ka pala diyan, di ko alam."

"You're so bad talaga kanina pa ko daldal ng daldal dito tas lutang pala yung utak nung kinukwentuhan ko, hmp." At tumalikod siya sakin ng padabog. Pektusan ko 'to e.

"Aish! Ano ba kasi yung kinukwento mo?" Naiirita na ko dito, pasalamat siya pinsan ko siya!

"Eh ang sabi ko ang bait ni Tania at masaya siyang kasama. Sino ba kasi yang dina-drawing mo? Nakita ko na ba yan? Bakit parang may kamukha siyang kpop? OMG! Yan ba si Bangchan ng Stray Kids?!" Hysterical na sabi ni Erhia habang dinuduro duro yung drawing ko.

"Ano? Sinong Bangchan? Sira ulo. Kadiri ka hindi ako mahilig sa KPOP na yan!" Sabi ko sakaniya at kinuha ko yung drawing ko sa kaniya. Ayan gusot gusot na tuloy.

"Eh sino yan? Ang gwapo naman niya! Don't tell me boyfriend mo yan ate! Hala ka!" Gaga talaga 'to, wala ngang nagtatangkang manligaw sa'kin kasi takot sila e. Tapos magkaka-boyfriend pa ko? Pakain ko sakaniya yung lapis ko eh.

"Hindi ko to boyfriend! Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tas magkaka-boyfriend ako. Wala rin sa isip ko yan, ayoko ng lalake sa buhay ko!" Hindi ako bitter, ayoko lang talaga. 'Storbo lang mga yan.

"Eh sino nga kasi yan?!" Ginulo gulo na ni Erhia yung buhok niya at hinilamos yung kamay niya sa mukha niya, pikon na to pag ganto.

"Nakabunggguan ko lang sa NBS kanina."

"Ayun naman pala ate eh! Oh, tapos anong nangyare?" Matapos niyang sumigaw sigaw e biglang huminahon boses niya at naupo sa tabi ko. Mood swings?

"Wala. Nakabungguan ko lang, tapos sinabi niya yung pangalan kong Azalea, ako namang si tanga e nagtaka kung paano niya nalaman first name ko, ayun pala nakasulat sa shirt ko. Napagkamalan ko pa ngang manyak yung tao e." Pagkukwento ko sakaniya.

"OMG! Baka destiny kayo ate! Ayieee." tinusok tusok pa niya yung tagiliran ko. Leche to ha.

"Tahimik ka nga! Oo na crush ko na!" At tumahimik nga. Pero segundo lang yun.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now