#20: ღ Fourth ღ

352 9 2
                                    

[Azalea Belle Gonzales' POV]

I silently followed Caleb, ingat na ingat na nga ako sa paglalakad para di lang makagawa ng kung anu anong ingay.

Ewan ko ba dito sa lalakeng to, saan ba siya pupunta eh gabing gabi na. Lagot talaga ako kay mommy! >__<

Pero matapos ng ilang minutong paglalakad, di pa kami nakakalabas ng village eh nagsalita siya.

"I know you're there" sabi niya habang nakatalikod pa. Teka, sino kausap niya? Don't tell me nalaman niya na nakasunod ako? Epic ka Azalea!

Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang may iba pang nagsalita. Boses ng isang lalake, hindi si Calvin. Ibang tao.

"Akala ko hindi ka na pupunta." Sabi nung lalake kay Calvin

Nakita ko naman na ngumisi si Calvin, "Hindi ako takot sayo" mariin niyang sabi. Bat naman siya matatakot? Hindi naman mukhang mamaw at bakulaw yung lalake na kaharap niya, at saka mas mukha pa nga siyang chonggo eh.

Tapos nagsalita ulit yung lalake, "You should be, Fourth"

"Why would I, First?" At kahit nakatalikod siya, sa pananalita niya palang ay halatang nakangiti siya ng nakakaloko. Pero hindi ko maindindihan, first, fourth? Codename ba yan? Kung ganun nasaan si Second, third at fifth? -.-

Tumawa ng mapang-inis si First at nilagay ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang bulsa "Remember your mission, o baka naman nahuhulog ka na sakaniya? You can't break the rules, Fourth." And then he looked at me pero tinignan niya ulit si Calvin, na habang ngayon ay hindi pa rin alam na nasa likuran niya lang ako.

Calvin formed his fist, yung parang gusto niyang suntukin si First, pero hindi niya rin tinuloy.

Ngumisi na lang si First at sinabing "Kahit anong mangyare, masasaktan at masasaktan mo rin siya." Tapos tumingin siya saakin ng nakangiti, naalarma naman si Calvin at tinignan din ang direksyon kung saan nakatingin si First. Nang magtama ang tingin namin sa isa't isa, nanlaki ang mga mata ni Calvin.

"A-abby, anong g-ginagawa mo dito?" Nauutal pa niyang tanong sa akin, bakit siya nagulat? Mukha ba kong white lady? Teka, naguguluhan ako. Sino yung masasaktan niya? At sino naman tong First na to? Bakit fourth ang tawag sakaniya?

Instead of answering his question, ako ang nagtanong "Sino siya?" Turo ko dun sa first na tinutukoy niya.

Hindi nagsalita si Calvin, instead, First introduced himself. "I'm First, and it's a pleasure to meet you personally, Azalea" he knows my name.

"How did you--" Calvin cutted my words "You should be home, Abby. Tara na, uuwi na tayo" tapos hinawakan niya ko sa wrist ko at hinila paalis. Leaving that guy.

--

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan siyang nakatayo at nakatingin sa walang ka bituin bituin na langit. Uulan nanaman.

"Abby, kung magkakaron ng shooting star ngayong gabi. Anong iwiwish mo?" Out of nowhere niyang tanong sakin.

I shrug "Ewan ko. Saka bat ko sasabihin sayo? At unang una, walang ngang stars tapos magkakaron ng shooting star? Ayos ka din eh noh?" Sarcastic pero in a jokingly way kong sabi sakaniya.

He laugh a bit, "Malay mo lang. Nothing is impossible naman diba? Lalo na pag may tiwala ka" tapos tinignan niya ko, yung tingin na malalim, yung nakakatunaw at kulang na lang nag melt ako sa sobrang init.

"Hashtag hugot ka din eh." I said while punching him softly. He didn't mind naman. Ewan ko, these past few days, I feel so comfortable with him, kahit na naamin ko sa sarili ko na mahal ko siya, nawala yung ilangan.

Kinamot naman niya ulo niya "Seryoso Abby."

"Oo na.. Wish ko? Simple lang naman. I'll wish to have happiness every single day. Yung walang pain na mararamdaman. If there's such thing na ganun. Pero di naman pwede na puro saya na lang diba? Pero sana, kung makakaramdam ako ng masasakit na bagay, sana hindi ganun kasakit. Sana." Isa rin akong hashtag hugot eh! >__<

"Pero may mga bagay na worth the pain naman." He said

I smile "True. Kaya nga sana kung makakaramdam ako ng 'pain' yung worth naman iyakan at dramahan" then I laugh.. Tahimik lang si Calvin nun, okay awkward. Ako lang natawa eh -__- tapos maya maya siya naman natawa, hala.. Ang cute niya tignan. And then there's silence.

At dahil awkward, I broke the silence "So, who's First?" I asked

Nawala naman yung mga ngiti niya sa labi "Wala yun, dati ko lang barkada dito."

"Dati? Eh bakit ngayon hindi na? Kilala rin ba siya ni Steve?"

He just shrug "He doesn't need to know that jerk. And no more questions Abby." O-kay, parang nag iba mood niya nung tanungin ko yun. Naguguluhan talaga ako, paano ako nun nakilala? Gusto ko pa sana magtanong kaso bawal na daw eh, baka magalit at mainis pa lalo. Gosh, what happened to me? Nasaan na yung Azalea na mataray at walang pake kung mainis niya yung iba?

Maya maya niyaya na niya kong umuwi na talaga. Siya na daw bahala mag explain kay mom pag nahuli kaming late na umuwi. Kanina kasi nung hila hila niya ko, we decided na maupo muna sa may bench sa gilid. Star gaze daw eh wala namang napala, pero na-enjoy ko kahit walang mga stars at shooting star. Para sa akin, sapat na yung nakasama ko siya.

--

[First's POV]

"I'm First, and its a pleasure to meet you personally, Azalea" nang marinig niyang bigkasin ko ang pangalan niya, bahagya siyang nagulat.

"How did you--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil hinila na siya paalis ni Fourth. I hesitately smiled, I like how she reacted, hindi na ko magtataka pa kung bakit gustong gusto siya ni Third, at kung bakit pilit siyang nililigtas ni Fourth.

Si Fourth, na buong inakala niya na maililigtas niya si Azalea sa kapahamakan, pero di niya naisip na masasaktan at masasaktan niya pa rin ito. Hindi lang doble, triple pa.

Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko.

This seems interesting.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now