#17: ღ Confused ღ

421 13 7
                                    

AN: After 2 months, eto na po ang update ko. Requested by babu'chan. Wawa naman nag eemo na sa gilid eh. Thanks sa paghihintay ng UD. Para sayo to babu chaaaan! :))

--

#17: Confused

[Azalea Belle Gonzales' POV]

"Ate Abby hindi ka pa ba magbibihis?" tanong ni Erhia habang nakasandal sa may wardrobe kong sing-ganda ko.

I got up from bed at ibinagsak ang mukha ko sa study table. I look pathetic, nakakainis!

"Huy! Ate, anong oras na oh. Baka sunduin ka na nung date mo" Paalala nanaman ng pinsang kong mas malaki pa ang bunganga kesa kay Domo.

"Erhia, stop pressuring me. Naiinis na nga ako eh!" Nakasimangot kong sabi sakaniya, nasigawan ko pa. Pano ang kulit kulit, tadyakan ko kaya? Nah. As if na kaya ko.

"Sungit!" tapos nag-pout siya, ayan nanaman siya sa childish side niya.

Hinayaan ko na lang siyang magmuni muni dun sa may gilid, habang ako naman ay nakatitig lang sa may salamin. Panget ba ko? Sa nakikita ko kasi, isang diyosa ang nasa harapan ko. Maputi naman ako, brown eyes pa. Maputi naman din kilikili ko. Okay ang corny na bat napunta sa kilikili? -____-

Umayos ka Abby! *sampal sa sarili* ayan para magising ka sa katotohanan.

"Ate! Sabihin mo lang kung sinasapian ka. Handa akong tawagin si Aleng Beklash sa kabilang Village para lang gawin yung exorcism." Nag-aalalang sabi ni Erhia habang yung expression niya ay parang mangiyak ngiyak pa.

"Walang'ya kang babae ka anong exorcism?! Ginawa mo naman akong sinasapian ng masamang espirito. For your information, hindi na ko lalapitan ng mga yun. Takot sila." Tapos pumangalawang-baba ako sa may desk. Langya tong babaeng to, tawagin daw ba si Aleng Beklash. Yun kasi yung parang sosyal na albularyo namin dito, nakakakita daw siya ng mga hindi nakikita ng mga pang karaniwang tao. Ewan ko kung totoo, at wala akong pakelam.

"Eh kasi naman, sinampal mo sarili mo. I'm just worried, kanina ka pa kasi nakabusangot diyan. Tell me, what's the problem?" Erhia

Tinignan ko lang siya ng diretso at nagkibit balikat na lang. "Wala yun. Wag mo ng intindihin yun." Tapos tumayo na ko para mag-ayos ng aking sarili. I should be happy and excited, right? I have a date, and it's with Ian. One of the school heartthrob, a member of varsity, kind, gentleman, and good-looking. Unlike.. err nevermind. Basta I should be happy. I should.

**

Matapos kong magbihis at mag-ayos, pumunta muna ako sa garden namin para tumambay lang. Maaga pa naman, mamaya pa ko susunduin ni Ian. Naupo lang ako sa may bench namin at pinikit yung mga mata ko.

Maya maya lang, may narinig na akong busina ng kotse. Napadilat na lang ako at nakitang tumatakbo papalapit si Adrianne kasama si Erhia sa akin.

"Andiyan na yung date mo. Yieee" asar nanaman nitong pinsan kong malaki ang bunganga. Ginaya ko na lang yung pang aasar niya, yung sarcastic. Tapos si Adrianne naman kinalabit ako bago ako lumabas ng garden namin.

"Ate, who's that guy?" naka-crossarms niyang tanong, diniinan pa yung sa part na 'that guy'

"Uh, a friend of mine?" Ako

"Is that a question, or an answer?" Teka teka, bat parang hindi sang ayon 'tong batang to na makipag date ako? Daming tanong ah. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinayaan siya dun.

"Hey!" at abang sinigawan pa ko. Sapakin ko kaya tong kapatid ko? Maka-hey, sino ang mas matanda?

"Adrianne, could you please stop questioning me 'bout that. It's none of your business, bata ka pa. Wag ka muna maghimasok sa amin." Medyo naiirita kong sabi sakaniya

Mangiyak ngiyak tuloy siya "I don't like that guy!" tapos ayun nag walk out. What did I do? He doesn't like Ian? And why is that? Tinignan ko si Erhia at halatadong wala ring alam sa nangyari. Hanggang sa may pumasok sa pintuan namin. Si mommy, kasama yung dalawang lalake.

"Belle, we need to talk." Uh-oh. Mom just called me by my second name, and do you know what that means? Trouble.

I glanced at the two, si Calvin halatang badtrip samantalang si Ian mukhang nahihiya na ewan. Seriously what's happening?

Nang makarating na kami sa itaas dun sa may bedroom nila mom and dad, nag cross arms siya at hinarap ako. Oh what now?

"Explain." Matipid na sabi ni mommy habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

"Explain what mom?" Mahinahon at nagtatakang tanong ko. Di ko talaga alam ang nangyayare, jusme ganto yung napapanuod ko sa mga teleserye kapag yung anak nilang babae ay nabuntis ng ke-aga aga eh. Wait, what? Nabuntis? Pinagsasabi ko na ba? >___<

"Belle, sino yung lalake na yun? Don't tell me boyfriend mo siya? My goodness hindi ka man lang nagsabi! I told you before na dapat open ka sa amin ng dad mo pagdating sa mga ganyang bagay." Natatarantang sabi ni mommy sa akin. Seriously yun ang problema nila ngayon? Akala nila boyfriend ko si Ian? Ganun ba ka-bigdeal kapag magkaka-boyfriend ako?

"Mommy! Ian is not my boyfriend, he's just a friend of mine. Alam niyo naman po na wala pa kong time para sa love na yan." Pag-e-explain ko.

Para naming nabunutan ng tinik si mom sa sinabi ko. Aw, ayaw ba nila kay Ian? Why naman? Ang bait bait nga niya eh.

"Good to hear. Akala ko kung ano mo na siya."

"Wait, pero mom. Bakit ganun yung itsura ni Calvin at Ian nung pumasok sila kasabay mo?" tanong ko, curious lang

"Oh, that. Naabutan ko lang na nag-uusap sila sa may labas ng gate natin. Tapos tinanong ko kay Caleb mo kung sino yung lalake na yun. Sabi niya boyfriend mo daw, nagulat ako dun anak. Hindi ko tanggap." Nung sinasabi ni mommy yung part na 'hindi ko tanggap' humawak hawak pa siya sa dibdib niya. Ang artemuch naman nitong si mommy ko =___= teka ano daw, Caleb ko?

"Ma. Madrama ka. Aalis na po ako, bye!" tapos nilayasan ko na siya dun. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig eh, mas gusto niya si Calvin para sa akin. Halata naman, simula pa nung mga bata kami pinagtutulakan na nila kaming dalawa sa isa't isa. Ewan ko ba at pag naiisip ko yan ngayon parang nakikiliti ako sa loob loob ko. I should be irritated, right? I should be.

Nang makababa na ako, naabutan ko yung tatlo dun sa may sala. Nakaupo at intense na intense. Ano naman ang nangyare dito nung wala ako? Tinignan ko si Erhia at binigyan ko siya ng 'what-just-happened-look?' pero alam niyo kung ano ang sinabi niya?

Tumayo siya at sabay sabing "Haba ng hair mo couz! Ano ang gamit mong shampoo? Shampoo ba ng kabayo? Ma-try nga." Tapos lumayas na siya. Aba loko yun ah! Anong shampoo ng kabayo!?

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya, mamaya na lang pag nagkita ulit kami. Ipapakain ko sakaniya yung shampoo kong Rejoice. Tinignan ko si Ian at humingi ng pasensya para sa inakto nila mom sakaniya. Nag okay lang naman siya at ngumiti sa akin. Aw, ang sweet at bait talaga. Perfect ideal man, unlike... *tingin kay Calvin* naku naku! Ayan nanaman ako sa mga thoughts ko, bat ba lagi ko silang kino-compare? Magtigil Azalea!

"Mauna na kami" cold kong sabi sakaniya. Hinila ko na paalis si Ian pero may pahabol pang sinabi si Calvin bago kami umalis.

My heart skipped a beat after hearing those words.

"Brad ingatan mo yan ah, iuwi mo ng buo. Papakasalan ko pa yan."

Na-shock ako sa mga sinabi niya, yung mga intestines ko parang nalaglag sa loob ko. Yung puso ko, ay ewan. Hindi ko ma-explain. This feeling is very unfamiliar to me. First time kong maramdaman to, at sakaniya ko lang nararamdaman yung ganto. Nababaliw ako my goodness! Pero mas lalo akong nabaliw nung sumagot si Ian.

"Wag ka mag-alala iuuwi ko siya ng buo. Pero wag kang umasa na hahayaan kong ikaw ang pakakasalan niya." sabi ni Ian ng nakangiti sa kaniya.

Nag smirk na lang si Calvin.

Napatingin ako sakanilang dalawa, palipat lipat lang yung tingin ko. Hanggang sa may narinig akong ingay sa may gilid. Andun si mama at Erhia, nagvivideo. Mga chismosa! >__<

"Oops! Nakakaistorbo ata kami hihi. Halika na tita! Akyat na tayo sa taas, upload na natin-este, pakakainin na natin si Adrianne at Clarissa." Tapos hinatak niya si mommy paakyat. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Juicecolored! Mommy ko ba talaga siya?

Tell me now. Naguguluhan na ko sa mga nangyayari.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now