#6: ღ Kalokohan ღ

759 20 5
                                    

[Azalea Belle Gonzales' POV]


We're on the way papuntang Enchanted Kingdom. Sandali lang naman biyahe, mga 30 minutes lang. Si Calvin na daw mag-d-drive, may student's license naman siya.


"Couz, excited na ko alam mo ba na—-"


"Di ko pa alam" pagputol ko sa sasabihin ni Erhia, wala lang trip ko lang mangasar.


"Hmm bad mo talaga di pa nga tapos yung sasabihin ko eh" Tapos nag pout siya.


"Ang kulit niyong mag-pinsan." singit ni Steve habang ngingiti ngiti.


"Eh, di ko tinatanong" Mataray na sabi ni Erhia sakaniya. Ano to, nakahanap siya ng katapat niya? Haha


"Di rin naman kita kinakausap" Ganti ni Steve.


"Kinakausap mo na nga 'ko sa lagay na 'to eh." Buuurn! Haha


Bigla namang tumingin ng seryoso si Steve kay Erhia tas sinabing "Who you?" kumunot naman bigla yung noo ni Erhia


"Who you ka diyan, diba nga sabi ko sayo na ako si Juliet, ang pinakamaganda sa lahat." sabi ni Erhia at in-emphasize pa talaga yung word na 'pinakamaganda' pwe.


"Di ka naman maganda eh, cute ka lang" sabi ni Steve ng mapang-asar.


"I hate you Steve, anong hindi maganda.. Lahat nga ng lalake sa school nabibighani sa kagandahan ko eh" Ay weh? Ngayon ko lang nalaman yan Erhia.


"Ang hangin!" sigaw ni Steve


"Oo nga eh, tinatangay na yung pinakapangit dito." sabay tingin ni Erhia kay Steve.


"Sino yung panget, si Caleb ba? Caleb pangit ka daw oh." Kinalabit ni Steve si Calvin habang nagmamaneho.


"Wag niyo ko idadamay diyan, di ako panget. Sa gwapo kong 'to, kanina pa nga tingin ng tingin yung isa diyan eh" Tapos tumingin siya sa akin gamit yung front mirror, nasa likuran kasi kaming dalawa ni Erhia at nasa harapan yung dalawang lalake. Kapal ng mukha ng antipatikong 'to.


"Tingin tingin mo diyan?" Pinanlakihan ko siya ng mata, napangiti naman siya ng konti. Teka, ngiti ba yun o ngisi?


"I sense something." Sabi ni Erhia, ano nanaman yun?


"Ano naman na-se-sense mo, na gwapo ako?" sabi naman ni Steve sabay taas baba ng kilay. Leche, ang yabang ng lalakeng 'to.


"Yuck. Mahiya ka nga sa sinasabi mo." Erhia


"Manahimik na nga kayo, nandito na tayo oh. Shut up na" sabi ko sakanila. Napasilip naman sa bintana si Erhia habang pinapark ni Calvin yung kotse namin.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now