#36: ღ Stay Forever ღ

441 11 7
                                    

ERHIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ERHIA

Eight months later

"Baste! Dalian mo naman d'yan akala ko ba nagpapasama ka bakit babagal bagal ka?!"

Paano ba naman nagpapasama siya sa cake shop, eh nag-c-crave ako sa chocolate cake kaya naman ililibre niya 'ko! *u*

"Sandali lang naman"

Sabi niya sa akin habang may kinakausap sa phone niya. Busy naman this boy! Sino kaya 'yun?

Oo nga pala magkaibigan na kami, as in kaibigan na lang talaga kaya wala ng dapat ika-selos si Steve doon.

Speaking of Steve, mag-two-two weeks na niya 'kong hindi cinocontact. Dati naman lagi kami nagtatawagan at nag vivideo call. Ewan ko doon bakit naging missing in action nanaman. Hmp kainis. Eight months na rin nung umalis siya, wala pa ngang balak umuwi kasi wala daw kasama yung ate niya doon na naaksidente, na fractured siya at hindi makalakad ng maayos.

Nakausap ko na rin yung ate niya, seryoso ang ganda ganda niya tapos ang bait pa.

"Saan ulit tayo pupunta?" tanong ni Baste sa akin, napasimangot naman ako sa tanong niya.

"Ikaw ang nag-aya eh!"

Natawa naman siya sa reaksyon ko kaya nag drive na lang siya.

Nang makarating na kami sa cake shop ay agad agad akong bumaba, wala ng hintay hintay sakanya. Gutom na talaga ako eh.

Natawa naman siya sa ginawa ko kaya sumunod na siya sa kin

"Oh Baste, alam mo na kung ano yung gusto ko ah!"

Napangiti naman siya sa sinabi ko, ba't ba ngiti to ng ngiti ngayon? Mukhang good mood ang lolo niyo.

"Oo naman alam na alam ko na"

Napa thumbs up naman ako sakanya, kilalang kilala na talaga ako nito. Paborito ko kasi talaga nag chocolate flavor, kaya nga tawag niya sa akin Ms. Chocolate.

Habang nag oorder siya, umupo naman ako sa sulok. Ang ganda ng weather ngayon, ngiting ngiti si Mr. Sun.

Ako kaya kailan darating yung araw na magiging masaya rin ako ng sobra?

"Oh ano naman sinisimangot mo d'yan?"

Umupo si Baste sa harap ko, napahinga naman ako ng malalim

"Naalala ko lang si Steve" ipinatong ko yung baba ko sa palad ko habang naka lean sa lamesa. "-ang tagal na kasi niyang hindi nagpaparamdam, tsaka miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita Baste!"

"Hindi pa ba siya nagpaparamdam sayo?"

Umiling ako

"Let's see. Dati lagi kayo nagtatawagan, tapos sweet siya sayo. Kaso nung nakaraang linggo lagi niya sinasabi na busy siya hanggang sa hindi ka na niya cinontact"

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now