#24: ღ Waiting For Superman ღ

348 10 0
                                    


[Zaniel Imogen Perez' POV]

Konti na lang at matatapos ko na tong ginagawa ko, nagbabake kasi ako ng cake. Ang sakit na nga ng likod ko eh, design pa lang ang hirap na. Di bale kung magugustuhan naman niya to, bakit hindi? Worth naman tong pinaghihirapan ko.

Makalipas ng ilang minuto eh natapos na rin yung pagdidisenyo ko ng cake. Ang cute! Buti na lang tinuruan ako ni mommy na magluto at mag bake. Sayang wala siya dito.

Agad agad akong nag ayos para pumasok na, late na nga ako eh. Absent ako sa last three subjects ko, mas inuna ko pa tong pag bake ko. Panigurado eh lunch na nila ngayon, tamang tama.

Lumabas na ko ng gate namin at nag abang ng taxi para pumunta ng school. Hindi naman kasi pinapagamit nila mama at dad yung kotse, wala naman silang pakialam.

Nang makapara na ako ng taxi eh sinabi ko kay manong na dalhin ako sa Angel's Halo University. Medyo malayo layo pa kasi ang biyahe ko nito. Hay, magustuhan niya kaya 'tong binake ko? Sana oo. Habang nagmumuni muni ako sa loob ng taxi eh napansin kong bigla na lang huminto si manong. Traffic? Ano ba yan baka matapos na yung lunch oh, paano niya to matitikman? Sa bagay mas maganda kong iuuwi niya to sa bahay nila tapos ipapatikim niya rin sa family niya.

"Kuya, sobrang sobrang ma-traffic po ba?" Tanong ko kay manong. Kasi kung sasabihin niyang oo..

"Oo hija eh, mukhang may nagkabungguan kasi." Oh, ano ba yan. Nagbayad na lang ako kay manong at bumaba para simulang lakarin yung school. Konti na lang naman na nandoon na ko. Nakita ko yung lalakeng sugatan na naka motor, naku kaskaserong driver siguro tong si kuya kaya ayan ang napala. Tapos si isang kuya naman na naka kotse eh nagtetext siguro habang nag-d-drive. Tsk tsk.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip kung anong dahilan at naaksidente yung dalawang kuya eh hindi ko nanaman namalayan na lumuwag na pala yung traffic at kamuntikan pa kong masagasaan! Sa sobrang pagkagulat at kaba ko eh nabitawan ko yung box ng cake na dala dala ko.

"Shit! Are you hurt?" Halata sa expression niya na nag aalala siya. Kinapa niya yung noo ko at ewan ko ba bigla akong nahilo at parang nanlalambot yung katawan ko. Hanggang sa nagdilim yung paningin ko.

***

"Sorry po tita. Hindi ko naman po sinasadya yung nangyare. Pasensya na po talaga." Nagising ako sa boses na yan, ewan ko ba pero parang nahihilo pa rin ako. Pagmulat ko ng mata ko, siya agad yung una kong nakita, nakatitig lang siya sa'kin.

Hindi ko namalayan na nandito rin pala si mama. Hala naman, nagalit ba siya sakaniya?

"Ma." Pero hindi man lang niya ako nilingon, bahagya siyang tumalikod at naglakad na paalis. Ang cold pa rin ng presensya niya kahit muntikan na akong mamatay, hindi man lang siya nag alala.

Ayan nanaman mga luha ko, peste. Wag ngayon please, nandito si Vince.

Pero tumulo pa rin mga luha ko. Kainis naman eh! Lumapit si Vince sa akin, akala ko naman kung ano gagawin niya yun pala naupo lang sa harapan ko at tinitigan ako.

"Wag mo kong tignan, pangit ako." Sabi ko sakaniya habang pinupunasan yung mga luha ko.

"No, you're not." Pero hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.

"Hey please stop crying. Ayokong may nakikitang babaeng umiiyak. Gen, please." Tapos hinawakan niya yung left hand ko. Bigla naman akong napatigil sa pag iyak. Hala anong nangyayare?

"Ayan tumigil ka na sa pag iyak." Sabi niya tapos nag smile siya sa akin. Yan ang dahilan kung bakit ko to crush eh!

"Thank you Vince." Tapos nginitian ko siya.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now