#26: ღ First Heartbreak ღ

313 9 0
                                    

[Seiya Park Garcia's POV]

Madaling madali akong lumabas ng kotse namin dahil late akong nagising kaninang umaga, patay ako nito. Ako pa naman ang nagchecheck ng pila at mga violations kung may improper uniform or late pumasok. Nakakainis naman kasi, napuyat ako kagabi kakagawa ng stage layout at ibang props namin para sa Intramurals next week.

Nakaka stress maging president ng Student council! Isama mo na yung mga napaka-irresponsible mong co-officers at walang ginawa kung di umasa lang sa'yo. How nice, right? Nang makarating na ko sa front gate namin, as usual puno ang pila sa labas ng campus. Tsk tsk, madami talagang late pag monday. Sinenyasan naman ako ni kuya Jett na pinapahiwatig na buti dumating ako. I wasn't late, I was just on time thank God.

Pumwesto na 'ko sa harap at sinimulan ng papasukin ang mga students. Una sa pila ay yung babae na nasa kabilang section. Itinapat na niya yung I.D niya sa screen at pumasok na ng tuluyan, I looked at her from head to toe, good thing. Wala namang viniolate na rules aside from being late.

Next in line, si Tania na ngingiti ngiti pa sa'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay na ipinapahiwatig ang motto kong 'Bylaw or by reg, I'm your greatest hostile' Walang kaibi-kaibigan sa'kin when it comes to rules. She gave me a pout while rolling her eyes at me. Sungalngalin ko 'to eh. Matapos niyang itapat yung I.D niya sa screen, sinimulan ko ng suriin kung naka-proper uniform ba siya. She was about to passed by when I noticed the pinkish, glittering, on her nails.

"Hep hep!" Nung akala kong mag-ho-horay siya, eh tinignan niya lang ako na parang nagmamaangmaangan pa. Tinuro ko yung mga daliri niya at lalo pa siyang napasimangot doon. "Detention, now." Then I winked at her. Sarap talaga mang asar. This is what I liked about being the president of this school. Ang saya makakita ng naiinis na tao lalo na't sila yung mali, at ikaw ang tama.

"Ikaw naman, bakit nakataas ang kwelyo mo? Ikaw din. Ano kayo, gangster? Ayusin niyo yan. Detention!" Sabi ko sa mga lalakeng sumunod. Di sila pwedeng umangal, takot lang nila. Nakakastress talaga, paulit ulit na lang. Puro pagmumukha din naman nila ang nakikita ko.

I'm exhausted! Sa umaga dito sa school, sa uwian diretso practice ng cello or piano, sa bahay naman pag uwi mag aaral ako or gagawa ng assignments. I don't have time to socialize.

Honestly, sa grupo namin, si Abby lang ang masasabi kong ka-close ko talaga. She understands, she knows. But the others? Let's not talk about them. Kaya nga nung nag-yaya sila Tania na mag-skip ng class noon, I was glad. Sumama ako. It was the first time that I broked the rules, and it did felt good, kaso di lang sumama si Abby.

I'm a busy person, sa akin umaasa ang mga magulang ko, ako ang mamumuno sa business namin pag nakatapos ako ng kolehiyo, though matagal pa. Mabuti na yung laging handa at organize, set your goals. That's why I don't have time for everything, especially in love.

"Where's your I.D?" Tanong ko sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. He just shrugged at diretsong pumasok ng gate, aba't! Pumunta ako sa harapan niya at hinarang siya. He just looked at me in annoyance.

"Don't you dare turn your back on me, Mr. Festin." Napaka-antipatiko ng lalakeng 'to! Ito ang number one kong problema eh! Siya ang may pinakamaraming violation! Ugh. Ako ang na-p-pressure! Pag di 'to tumino, lagot ako kay Ma'am Guevara!

"Ano nanaman ba 'yun?" Tanong niya habang kinakamot kamot yung ulo niya na parang naiirita.

"Yung polo mo, gusot. Yung collar mo hindi maayos, yung neck tie mo hindi nakatali. Tapos wala ka pang I.D, and then your hair! Bat gray yan?!" Napahilamos na lang yung kamay ko sa mukha ko dahil pinapa-stress niya talaga ako. Graduating kami for goodness sake! Kailan 'to titino!?

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now