#32: ღ Frustrated ღ

238 9 1
                                    

AZALEA

Nakakabwiset!

Halos apat na araw ko ng naiisip yan. Hindi ko talaga makuha yung point ni Caleb e. Sabi niya ako yung mahal niya pero si Zaniel yung pinili niya. Ugh! Pinapaasa ba niya ko?

Shit lang.

Yang mga lalakeng yan, pare-parehas lang sila.

Kaya ang hirap ng magtiwala at sumugal, kasi sa huli kahit anong effort mo ikaw pa rin ang masasaktan, ikaw pa rin ang talo.

"Abby!" -Ini-angat ko yung ulo ko at nakita ko sila Marie na papalapit sa akin. May dala dala silang mcdo fries at mcfloat.

Buti pa yung ganito lang e. Simpleng bagay napapasaya ka na ng mga kaibigan mo, kung ganito lang sana kadali ang lahat. Kaso, hindi e. Sa love, lahat may kapalit. Nandyan yung masaya ka, tapos sa susunod na araw, wala ng kasiguraduhan kung yung sayang yun ay mauulit pa.

Nakakagago lang.

"Hi guys" -Binati ko sila at nginitian, lumapit naman sila sa akin at kinulit kulit ako.

Pauwi na kasi kami sa bahay, after 3 weeks, makakalabas na rin ako ng hospital. Medyo um-okay na kasi yung na fractured kong ankle.

Eh yung puso ko kailan kaya magiging okay?

"Huy lutang ka nanaman d'yan. Alam mo dapat happy ka lang, gayahin mo si Tinay gurl! Ngiti ka na, dali!" -Ginaya ni Tania yung gesture ni Tinay na 'happy lang' at nag baby talk sa harapan ko. Infairness, mukha siyang tanga, ang sarap hambalusin.

"Tania umayos ka nga para kang ewan d'yan!" -Suway sakanya ni Marie. Napatawa naman ang buong barkada sa kagagahan ni Tania.

Napahinto tuloy siya sa ginagawa niya, ayan buti naman at narealize niya yung kahihiyan na ginagawa niya.

"Ang mean niyo sa akin! Hmp." Napansin ko naman na wala si Seiya at Xander.

"Nasaan pala si Sey at Xand?" -Tanong ko

"Si Xander pinatawag ng headmistress e, hindi namin alam kung bakit. SI Seiya naman may tinapos lang na reaction paper, mamaya siguro susunod sila sa bahay niyo." -Sabi ni Arisha sa akin, tumango naman ako at nagawi yung tingin ko kay Erhia, tulala siya at parang malalim yung kanyang iniisip. Oh ano naman kayang problema ng babaeng 'to?

"Erhia?" -Tinawag ko siya at nilingon naman niya ko.

Lumapit siya sa akin at sinenyasan kong itulak niya yung wheel chair ko papunta sa garden.

"Anong problema mo?" -Tanong ko sakanya.

Lalo namang lumungkot yung expression niya at bumuntong hininga lang. Hinayaan ko lang syang tumahimik saglit. Siguro broken hearted din 'to. Kawawa naman kami ng pinsan ko, magaganda naman kami bakit kami yung laging sawi?

"Ate, si Samuel kasi.." -Napataas naman yung kanang kilay ko sa sinabi niya. Si Samuel? Anong meron sakanya?

"Anong meron kay Samuel?"

"A-ano kasi.. Diba alam mo namang si Steve ang gusto ko?" -Ngumuso siya at naupo sa may bench sa tabi ko.

Tinaasan ko lang lalo siya ng kilay, pabitin naman 'to!

"Si Steve at Arisha na ata ate."

Bahagyang may tumulong luha sa mga mata ni Erhia, lalo lang akong na-depress. Bakit, bakit kailangan pa niyang maramdaman 'to? Hindi ba pwedeng ako na lang ang masaktan?

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now