#25: ღ Badtrip ღ

294 9 0
                                    

[Caleb Vince Villafania's POV]

Pinilit kong ihatid na si Gen sa bahay nila pero tumanggi siya. Sabi niya ayaw daw niyang umabsent sa susunod na klase. Aangal pa sana ako kaso naalala ko na malapit na pala yung exam namin. Kailangan ko atang maging mabait sakaniya ngayon, para makabawi man lang sa perwisyong nagawa ko. Nagmamadali kasi akong umalis kanina, boring naman kasi eh. Balak ko sana mag-skip ng klase kaso bigla bigla siyang tumawid, buti na-preno ko kaagad. When I saw her, kinabahan ako lalo na nung nawalan siya ng malay.

Nung nasa hospital naman na kami, wala akong magawa kaya hinanap ko yung phone niya na nasa bagpack niya. Weird, tatlong tao lang kasi ang nasa contacts niya. Mom, dad at unknown number ang isa, wala ba siyang mga kaibigan?

Nang matawagan ko na yung mommy niya, kinabahan ako nung nakaharap ko ito. Wala naman siyang sinabi sa akin pero nag explain ako. Hinintay lang niyang magising si Gen tapos umalis na. I looked at Gen and she started crying, may gap ba sila ng mom niya? Instead of asking her questions, I just comforted her. She needs that.

Habang nag-d-drive ako papuntang school, I switched on the radio, bigla naman siyang nasigaw na excite na excite pa. She's cute in her own way, and I like it. Nag-play kasi yung favorite song niya, superman? Kakaiba talaga siya. Ewan ko pero, naging interesado ako sakaniya, parang gusto ko siyang kaibiganin. Magaan pakiramdam ko pag siya ang kasama ko, nawawala yung pagkamasungit ko.

When we finally arrived at our campus, nagtatawanan lang kami nun habang papasok sa gate. She never fails to amuse me, weird talaga. Kung sino man yung superman nito, he's a one lucky bastard.

Then I saw her with him, she's smiling because of him. There goes my sudden change of mood. When our eyes met, I felt something in my chest. Alam ko na kung ano yung nararamdaman ko, simula pa lang alam ko na. Naglakad sila at nilagpasan lang kami, saan sila pupunta?

I looked behind, and saw Clave smirked at me. Fuck that bastard. I was about to follow them, but Gen holds my hand.

"Vince, I-I don't feel well." Then she hugged me. She was about to fall but I held her tight.

"I told you, you should've go home." But she insisted. Dalhin ko na lang daw siya sa clinic. Tigas ng ulo. Pero naalala ko bigla si Abby. Shit! Nakalimutan ko. I glanced at the direction where I saw them, they're gone. Saan dinala ni Clave si Abby?

"Vince, are you alright?" Gen asked. Tumango lang ako sakaniya at inalalayan na siya papuntang clinic. Wrong timing, badtrip.

Ano bang plano ni Samuel? Siya nagsimula nito eh. Fuck that guy! Pag ako naunahan ni Third, I'm doomed.

****

[Azalea Belle Gonzales' POV]

"What's with your face?" Tanong ni Clave sa akin habang pinapark niya yung kotse niya. Ano bang meron sa mukha ko bukod sa maganda?

"Ha? Ah, eh. Wala naman ah?" Nginitian niya lang ako at lumabas na ng kotse, pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayang bumaba. Ano ako, prinsesa? Buti pa 'to gentleman. Kung si kutong lupa yung kasama ko siguradong dire-diretso yun at iniwan na 'ko. "Thank you." Sabi ko sakaniya. Tumango lang siya bilang tugon.

Nandito pala kami sa pinakamalapit na mall sa School. Napag-utusan kasi ako ni Sey na bumili ng materials para sa nalalapit na main event, Intramurals na kasi. Bukod sa basketball eh magkakaron ng laban sa ibang school ang muse at adonis. Eh sino ba ang muse at adonis? Ako at si Calvin. Wala siya kanina, hinahanap ko siya pero di ko siya makita. Nag volunteer naman si Clave na samahan ako. Nung una, umayaw ako. Sabi ko si Steve na lang kaso ang loko eh wala daw kasama si Erhia, si Xander naman tinatamad daw siya. Mga walang hiyang mga 'to. Bigla namang sumingit si Samuel at sinabing siya na lang ang sasama sa akin kaso sabi ko, mas okay ng si Clave na lang. Ayokong makasama yung Samuel na yun! Nakakatakot aura niya eh. Weird.

The Game Called Love ✔️Where stories live. Discover now