"Hala Jeff! Bakit mo kinuha? Bigay mo na yan sa'kin eh— Teka, susubuan mo ba ako?" Hinihipan kasi ni Jeff yung 'goto' niya so nagaasume lang naman ako na susubuan niya ako. At saka nagpaparinig na rin.

"Bilis na. Isubo mo na." Nginitian ko siya. Yung ang sweet talaga ni Bubu. Pinapakain niya pa ako ng mala-goto niya.

Pero napapansin ko at naririnig ko na tumutunog ang phone niya. Hindi hata siya pumasok dahil sa akin. Baka importante yun? "Hindi mo ba sasagutin Jeff?" Sabi ko habang nakatingin sa phone niya.

"Hayaan mo sila. Hindi ako papasok ngayon." Tumungo naman ako sa tabi niya. Nalungkot agad ako ng makita kung sino 'yung tumawag.

"Hindi naman galing sa office yung tawag mo eh." Napatingin naman si Jeff sa phone niya.

"Wala akong sasabihin sa kanya." Sabi ni Jeff at tumunog na naman ang phone niya. Inend naman ni Jeff.

"Sige na Jeff sagutin mo na. Okay lang naman eh." Tumayo ako kinuha ang bowl sa mesa. Okay lang naman kasing sagutin niya yun. Nakakapagpout naman ng lips kapag nageemo ka. Hehe!

"Iwan mo na yan. Ako na maghuhugas." Napatingin ako kay Jeff. Ayun gwapo pa rin.

"Okay lang. Ako na. Sige na kausapin mo na sya." Tapos pumunta ako ng kitchen. At nilagay ang bowl sa lababo. Huhu! Nalulungkot ako si Liz kasi 'yung tumawag. Waa! Baka umalis si Jeff tapos iwan na niya ako. Forever na hata akong magkukulong sa closet kapag ganun ang nangyari.

Then lumabas na ako. Nakita ko si Jeff na kinakausap si Liz over the phone. Sana naman hindi ako iwan ni Jeff. Nginitian ko lang siya tapos umakyat na akong kwarto.

Pagkapasok ko bigla namang tumulo ang luha ko. "Ano ka bang luha? Bakit tulo ka ng tulo sabi ko bang tumulo ka? Ha?" pati luha ko sinisisi ko. Waa! Baliw na? oo baliw na kay Jeff. Hehe!

"Tama na yan. Wag ka na umiyak." Naramdaman kong umupo si Jeff sa tabi ko. Bigla kong pinunasan ang luha ko at hindi ako tumitingin sa kanya kasi baka sabihin niya umiyak ako pero hindi naman talaga slight lang.

"Hindi ako umiiyak Jeff 'no." yung hikbi ko naman pahamak. Nahahalata tuloy ng konti.

Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Jeff. Waaa inakbayan niya ako. Weh? Pero parang naiiyak pa ako sa ginawa ni Jeff. Mamimiss ko to kapag umalis siya sa akin. Uwaa!

"Tsk. Wag ka na sabing umiyak eh." Sabi ni Jeff. Tapos nakakunot ang noo niya. Waa!

"Sorry. Sorry Jeff. Ayoko naman talaga umiyak eh. Ayoko nga mag-isip ng kung anu-ano. Pero kapag naiisip ko na iiwan mo ako, bigla na lang tumutulo yung luha ko eh." May matching hikbi pa 'yan.

Hinigpitan naman ni Jeff ang akbay niya sa akin. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na iiwan kita? Tsk."

"Eh kasi naman eh. Biglang dumating yung si Liz tapos model pa sya tapos ang laki ng boobs nya tapos nakausap ko pa sya sa phone mo eh dapat ikaw yung sasagot diba—"

Super nanlaki ang mata ko nung hinalikan ako ni Jeff. Waa! Walang red lipstick pero hinalikan ako ni Jeff? Confirm kissable naman pala ako.

"Bakit ka ba nagseselos kay Liz? Eh ikaw naman yung mahal ko. Tsk." Tapos napanganga ako sa sinabi niya tapos tumitig ako sa kanya. Si Jeff ba talaga to? Sinabi niya na mahal ako. Pwede ng nasa heaven? Waaaaaaaaaaaa!

Hindi ko na talaga mapigilan ang feelings ko napapaiyak na talaga ako. Uwaaa! "JEFF NAMAN!" SUPER IYAK NA AKO. Si Bubu naman kasi.

"Tsk! Wag ka na nga umiyak! Ano ka ba!"

"UWAA! JEFF! UWAA!" super 'uwaa' na talaga ako sa naririnig ko. Eto namang si Jeff nakatingin lang sa akin.

"Tama na. Tigilan mo na yan." Pinunasan naman ni Jeff ang luha ko. Kinuskos ko naman yung mga mata ko.

"Kasi naman eh. Hindi mo lang alam. Kung gaano katagal ko hinintay na sabihin mo yan." Sabi ko matching hikbi. Pinupunasan ko pa rin ang mata ko. Ayaw ni Jeff na umiiyak ako baka mabawasan ang points ko. Points ko sa paningin niya na maganda ako. Chos!

Hinawi naman niya ang buhok ko sa mukha. Tapos super titig siya sa akin. Nalulusaw na ako. "Tin, mahal kita. Gago kasi ako kaya hindi ko masabi. Pero kung gusto mo, simula ngayon, araw-araw kong sasabihin. Tsk. Basta wag ka lang iiyak."

Tapos naiiyak na naman ako sa sinabi niya. Mahal daw ako ni Jeff? Waaa! Mahal ako ni Jeff. Mahal daw niya ako. Pinilit kong ngumiti yung super smile para mahalin ako ng sobra ni Jeff. Chos "Promise Jeff. Hindi ako iiyak. Araw-araw ko lang din sasabihin na I super super super love you tooooo!" super smile pa ako.

Napaiwas naman si Jeff. Namumula ang tenga ni Bubu. Hihi! "Uyyy! Bubu! Bakit namumula yung tenga mo? Nasobrahan ka siguro ng pagkasweet 'no?"

"Tsk. Hindi ako sweet." Iwas ulit siya ng tingin. Sweet kaya ni Bubu. Diba? Pinagluto niya ako tapos ngayon sinabi niyang mahal niya ako. Kyaaa!

"Sweet ka talaga bubu!"

"Hindi nga!" sagot naman ni Bubu. Si Bubu talaga pakipot pa. Sige nga kung hindi ka sweet kiss mo ko? Joke

"Edi matamis na lang?" sabi ko.

"Tsk. Hindi ako matamis o sweet—" Bigla kong hinalikan siya sa pisngi. Waa! Chansing nato. Hihi!

"Sweet ka. Sweet ka talaga bubu."

"Tsk! Ang kulit mo! Hindi nga—" Hinalikan ko ulit siya. Tapos ngumiti ako. "Tigilan mo nga yang ginagawa mo." Nakakaunot na naman ang noo niya.

Ngumiti ako nang nangaasar. "Alin bubu? Yung pagtawag ko sa'yo ng sweet o yung pagkiss ko sa'yo?" .

"Pareho—" Hinalikan ko ulit siya. This what you called chansing! Hehehe. "Tsk. Hindi ka ba titigil?!"

"Hmmm. Sandali lang bubu iisipin ko muna—" napatigil ako kasi hinalikan ako ni Bubu sa lips. Hindi na smack. Waaa! Hindi smack. Hindi na. Mamatay na hata ako. Chos.

Fineel ko na lang ang halik ni Jeff. Pinikit ko ang mata ko. Ganito kasi napapanood ko sa movies para maramdaman ang kiss ipikit. May sinasabi nga silang may fireworks pa nga raw makikita ee.

He kissed me with tenderness. Yung halik na parang sinasabi niya na ako lang. YIEE! Lande ko lang.

I encircle my hands on his neck. Ganto 'yung napapanood ko sa movies. Lip locking kiss to. Ang sarap kapag kay Jeff.

Naramdaman kong gumala ang kamay ni Jeff sa likod at napapahiga na rin ako sa kama. Eto na ba 'yun? Eto na ba ang moment na to? Waaa!

I love his kiss. I love. Sana lagi niyang ginagawa to sa akin. It was passionate at hindi ko na talaga mapigilan.

His other hand caressed my thigh. Umaakyat ang haplos ni Jeff sa akin. Patuloy niya lang ginagawa iyon. Hindi ko rin mapigilan ang halikan siya. Ang lambot ng labi niya. Kyaaa!

His touch is so possessive and I really lo—

Ding Dong!

."Tin? Baby? Andyan ka ba anak?"napatigil naman si Jeff.

"Jeff? May problema ba?" napaupo siya at napaupo rin ako. Tapos mayamaya tumayo siya tapos tumalikod sa akin.

"Andyan ata ang mom mo sa baba. Bubuksan ko lang yung pinto." WHAT?! Si Mom?

"Jeff! Wait lang—" Pero lumabas na si Bubu ng kwarto ko.

Waaaa! Sayang. Sayang yung moment. Kala ko 'yun na. Sayang. Pero isa lang masasabi ko.

Mahal ako ni Jeff and he cares. Waa!

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now