Umiling ng mabilis si Kyungsoo. Inabot niya ang sleeve ng jacket ni Suho at mahigpit itong hinawakan. Naramdaman niya ulit ang mga luha sa mata niya at ginawa niya ang lahat para pigilan yun. 



Tinignan niya si Suho sa mata at tinanong ang nag-iisang bagay na gusto niyang malaman ngayon. Yung nag-iisang bagay na gusto niyang malaman kung ano ang sagot. 



"Si Jongin..." hikbi ni Kyungsoo. "Where is he? Is he alright?" 



Inasahan na si Suho ang tanong na yun, syempre. Pero nang tanungin nga ni Kyungsoo, masakit din pala. Masakit para sakanya na si Jongin parin ang hinahanap niya hanggang ngayon. Na sa kabila ng lahat ng ginawa sakanya, si Kim Jongin parin ang gusto niya. 



Huminga ng malalim si Suho. "Kyungsoo... it's why i'm here." sagot niya. "I don't know where Kim Jongin is. Just like you, bigla nalang siyang nawala sa school. Hindi na siya pumapasok." 



"Then where is he?" pag-uulit ni Kyungsoo. Tuloy na ang pag-iyak niya at inabot ni Suho ang mukha niya para punasan ang mga ito. 



"I don't know, Kyung." amin niya. 



Dahan-dahan na bumitaw si Kyungsoo sa pagkakahawak sa jacket ni Suho. Umiiyak siyang napa-upo sa kama niya, nag-aalala, nasasaktan, naguguluhan, umaasa. 



"Suho... i'm so worried." iyak niya habang pinupunasan ang mga luha. "Paano kung ilalayo siya sakin? Paano kung hindi ko na siya makikita?" 



Umupo si Suho sa harapan ni Kyungsoo at hinawakan ang isa nitong kamay. "Kyungsoo... you need to be strong." malumanay na sabi niya. "Kim Jongin wouldn't want seeing you like this." 



"But he's not here!" hikbi ni Kyungsoo. "He's not here and i don't know if i'll ever see him again. Suho... hindi ko kayang mawala si Kai sakin. I just... i can't..." 



"EXO-A is in chaos right now." sabi  ni Suho, pilit na pinapatigil si Kyungsoo sa pag-iyak at pag-iisip kay Jongin. "Classes were suspended. Students were expelled." 



Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo at gulat na tumingin kay Suho. "W-what?" bulong niya. "What happened?" 



"It's Chanyeol and Baek." explain ni Suho. "They did this stunt in front of the student body. And they just... they just started everything, Kyung. All the rallies, petitions. Madam Kim got really mad and expelled them. All of them." 

Not the PlanWhere stories live. Discover now