Chapter 33

6.4K 244 42
                                    

J A N S E N



Naalimpungatan ako sa biglang pag ring ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bedside table, pero wala ito dun. Patuloy lang ito sa pag-ring hanggang sa na realize kong nasa bulsa ko lang pala ito. Tang-na, nakatulog ako na hindi man lang nakapag-palit ng damit.

Aarrgghh! Ang sakit ng ulo ko! Tang-inang hang-over 'to. Nang makuha ko na ang phone, nanlaki ang mga mata ko dahil sa pangalang naka balandra sa screen, at bigla akong napa-upo sa kama nang mapansin ko ang oras. Shit!

I cleared my throat and immediately picked up the call.

"He-hello," I said in my best pretending-I-didn't-just-wake-up voice.

"Guevara, I want you in my office at 11am," direchong sabi ng boses sa kabilang linya. Di ako agad nakasagot. "Guevara! 11am, do you understand?"

"Ah..eh..okay. Pero pwed–" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang binaba ang tawag.

Tang-na, eh pasado alas diyes na. Ano ang gagawin ko, mag-teleport? Napabuntong-hininga ako. Ang sama naman yata ng gising ko. Lalo lang sumakit ang ulo ko.

Inikot ko ang paningin ko sa kwarto. Te-teka, bakit ako nandito?

Di ko matandaan kung paano ako naka-uwi. Di ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko. As in sa kwarto ko mismo sa totoo kong bahay. Ang huli kong natatandaan ay lasing na lasing ako kasama sina Louie at Gelo sa paborito naming bar. Tang-na, sana di ko nagising ang nanay ko, patay ako kung nagkataon.

It has been a couple of weeks since I last slept here at wala man lang nag-bago. Wala man lang nag atubiling linisin ang mga kalat dito. Eh sino pa ba kasi ang aasahan ko?

Inikot ko ang tingin sa paligid. Na miss ko din pala ang kwarto ko, ang kama, ang computer, ang collection ko ng mga diecast airplane models, at iba ko pang mga gamit.

Naputol na lang bigla ang pagmumuni-muni ko nang nag ring na naman ang telepono ko, at pangalan ni Kent ang nasa screen.

"Bro," bati ko.

"Where the hell are you?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Nasa bahay ako, bro!" sagot ko.

"Really? Cool! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. I didn't see you at home, and you missed basketball practice again today," dagdag pa niya. Natahimik lang ako.

Labis ang pag-aalala ni Kent sa akin nitong mga nakaraang araw, lalo na nung natalo ako – este, nung natapos ang basketball game nitong weekend. Alam niyang hindi ako okay kahit di ko man sabihin sa kaniya. Hanggang ngayon hindi parin kami nakakapag-usap tungkol dun at wala na akong balak na sabihin pa sa kaniya.

"Ah, onga eh," malamig kong tugon. Wala pa ako sa mood makipag-usap. Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Coach was looking for–"

"Kita na lang tayo maya. Bye!" I cut him off and immediately dropped the call.

Nagmadali na akong bumangon at tumakbo sa banyo para maligo't magbihis. Ninja mode na naman ako ngayon.

Ilang araw na ang nakalipas. Wednesday na, at wala parin akong planong sumipot sa training ng mga tang-nang pep squad na yun. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, wala akong pakialam. Gagawin pa nila akong bakla. Ako? Sasali sa pep squad? Tang-na niyo!

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt