Chapter 24

6.3K 206 11
                                    

K E V A N



"Tama na!!"

"Jansen ano ba!!"

"Awat na!!"

Naririnig kong sigaw nina Marian, Loraine, at Timmy. Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Tila nawala naman ang pagkalasing at pagkahilo ko sa eksenang nagaganap ngayon sa aking harapan.

Di ko parin lubos maisip na pumayag akong sundin ang pinagawa ni Joey sa akin. Hesitant man akong gawin ito, sinubukan ko parin lalo na't medyo na pressure ako sa mga kasama ko. Baka sabihin kasi nila na KJ ako. Sa lahat ba naman ng pwedeng ibigay na dare sa akin, ito pa at kay Jansen pa? Tumagay ako ng tumagay ng inumin para magkaroon ng lakas ng loob. Narinig ko pa silang nagcheer ng "Kiss! Kiss!" kaya napilitan ako lalo.

Bago pa man ako makalapit ng tuluyan kay Jansen, narinig ko pa ang pag sabi niya ng 'baby girl', pero di ko na pinansin. Halatang lasing na siya dahil sa naka tihaya na siya sa buhangin, nakapikit na ang mga mata, at kung ano-ano na ang sinasabi. Nang maka-ipon na ako ng sapat na lakas ng loob, dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ngunit di ko naman lubos akalain na bigla akong itinulak ni Timmy kaya sumubsob ang mukha ko kay Jansen, at tuluyan na ngang nag lapat ang mga labi namin.

Napapikit na lang ako habang sinusubsob ni Timmy ang mukha ko sa mukha ni Jansen. Nalanghap ko agad ang amoy ng alak at sigarilyo sa pagdikit ng mga labi namin. Naramdaman ko na bahagyang gumalaw ang mga labi niya na parang gaganti ng halik kaya nagpumiglas ako, kaso hawak parin ni Timmy ang ulo ko.

Subalit wala pa yatang sampung segundo na magkadikit ang mga labi namin, bigla na lang akong tumilapon papalayo hanggang sa napa-upo na lang ako sa buhangin. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Nagulat ako sa ginawa ni Jansen. Nakita ko siyang tumayo kaso pinigilan agad siya ni Timmy na makalapit sa akin. Naramdaman ko ang mga hawak ni Kent at Denver na tinutulungan akong tumayo.

Narinig kong sumigaw at nagmura si Jansen at tinangka akong sugurin nang maitulak niya si Timmy, ngunit agad siyang napigilan nina Denver at Kent at inilayo sa akin. Gulat pa rin ako, hindi makagalaw, at hindi alam ang gagawin. Lalo pa akong nagulantang nang bigla na lang sumiklab ang gulo sa pagitan nina Denver at Jansen.

Sa bilis ng mga pangyayari, natauhan na lang ako nang makita kong napaluhod si Kent at biglang natumba na tila nawalan ng malay, habang tuloy-tuloy parin si Jansen at Denver sa palitan ng suntok at tadyak. Sumisigaw parin ang mga babae pero parang hindi sila naririnig ng dalawang nag susuntukan.

Marahil dahil sa kalasingan kaya natumba si Jansen sa suntok ni Denver. Ngunit bago pa man maka sugod uli si Denver, agad nang nakatayo si Jansen, at buong lakas siyang tinulak kaya tumilapon ito sa buhanginan sa di kalayuan. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at di parin makapaniwala sa nasaksihan. Di ako nag expect na ganito ka violent si Jansen, at di ko akalain na hahantong sa ganito ang aming kasiyahan.

Nakita kong tumatakbo palapit sina Prince at Joey; kasunod nila ang dalawang security guard na siguro'y tinawag nila habang nagkakagulo. Agad nilang hinawakan si Jansen para di na makapalag at pina-upo na lang ito. Sabog na ang kanyang labi na dumudugo. Napasinghap si Joey nang makita niyang nakahilata si Kent sa buhangin, at agad naman akong natauhan dahil dito. Lumapit ako kay Kent at na konpirma ko ngang walang malay ito. Nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Tulong! Tulungan niyo si Denver!" umalingawngaw ang sigaw ni Loraine, umiiyak ito. Nag taka ako kaya't naglakad ako papalapit sa kanila.

Nakita kong namimilipit sa sakit si Denver sa buhangin, hawak-hawak ang kaniyang kanang braso. Kumalat na din ang dugo sa kaniyang mukha. Lumapit ako at hinawakan siya. "Den, anong nangyari sayo? Okay ka lang?"

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon