Chapter 12

7K 265 6
                                    

K E V A N

Kakasakay ko lang ng jeep papuntang subdivision nila Kent. Di naman ganun kalayo pero umiikot pa kasi ang jeep kung saan-saan. Sana nga pala nagpasundo na lang ako sa kanya, hihi!

Kinuha ko ang cellphone ko at nag chat kay Kent, "Papunta na ako sa inyo."

Sent.

Pagod na pagod na'ko sa practice. Gaya nga ng sabi ni Kath, mag peperform kami sa Friday kaya nag rehearse kami kanina ng aming routine. Naka ready naman na ang music at meron na kaming mga routine na pinagtagpi-tagpi na namin.

Since kuha na ng mga flyers ang bagong stunt sequence, ilalagay na namin ito sa routine. Buo narin ang pyramids namin, pati tumbling passes at tosses. Pero dahil medyo limited ang space namin sa stage ng coliseum, medyo nag trim down lang kami sa difficulty ng ilang skills at numbers ng mag peperform nito.

Pagkatapos namin sa practice, agad akong tumakbo sa locker, nag bihis at umalis na. Nagpaalam na'ko kay coach at sa mga kasama ko na mauna na'ko umalis. Kaya lumabas ako agad ng campus at mabuti na lang nakasakay naman agad ng jeep.

Inaantok na talaga ako. Sobrang pagod sa practice kanina eh. Mabuti na lang at wala nang aksidente sa practice. Sinigurado ko kasi na nakafocus ako. Ayoko na uli maka kita ng stars, ayoko nang magka pasa uli, ayoko nang makakita ng dugo!

Nakahawak lang ako sa hawakan ng jeep at nakayuko ang ulo ko sa braso ko. Di naman siksikan sa jeep, yung sakto lang. Nakakaantok. Pero di ako pwedeng matulog, baka lumagpas ako eh. Pero maya-maya pa'y di ko namalayan na naka idlip na pala ako.

Lumipas ang ilang sandali, naputol ang panaginip ko ng biglang.........PAK!!!

"Aaaaayyyyy!!!"

Napasigaw ang ate sa harap ko dahil sa gulat. Pati ako nagulat din, at malamang pati ang ibang mga pasahero. Nag slide kasi ang kamay ko sa hawakan ng jeep dahil naka tulog ako at di sinasadyang humampas ito sa hita ng ate sa harap ko. Naka pencil skirt pa naman siya na above the knee ang haba, kaya sa balat niya mismo tumama at lumagapak ang kamay ko.

Agad namang nawala ang antok ko at bumalik sa wisyo nang nag sink-in sa'kin ang nangyari. Nanlaki ang mata ko, natigilan, at si ate naman napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat. Parang nagha-hyper ventilate ito.

"Ate, sorry! Di ko sinasadya. Sorry po. Nakatulog ako. Sorry talaga," sabi ko sa kanya.

Sheeeet nakakahiya! Sorry lang ako ng sorry. Nakatingin sa'kin ang mga ibang pasahero, ang iba nakangiting nakakaloko, ang iba naman nagbubulungan.

Nakakahiya! Waah! Naramdaman ko ang pag init at pag pula ng pisngi ko. Tang*na naman oh! Bakit pag sa jeep ang malas-malas ko? Huhuhu!

Di ko alam ang sasabihin, si ate parang di rin alam ang sasabihin. Di ko sinasadya. Baka iniisip ng mga ibang pasahero na sinadya ko. Noooooo! Nakakahiya sobra! Bakit ba ako napapasubo sa mga ganitong klaseng sitwasyon?

Humawak na lang uli ako sa hawakan, at sinubsob ko uli ang ulo ko sa braso ko. Di ko kaya ang mga tingin ng mga pasahero. Nanliliit ako. Bumaba na lang kaya ako? Nooo! Baka sabihin nilang guilty ako, na sinadya ko. Hindi talaga! Promise!

Kuyaaaa! Bilisan mo mag drive please! Gusto ko na bumaba. Di nako umimik. Nag kunwari na lang akong tulog uli. Parang matutunaw nako sa kahihiyan eh. Nag sorry naman na ako, di ko naman kailangan mag sorry sa lahat ng tao. Pero nakakaasar ang mga tingin nila. Hoy, hindi ako manyakis, hindi ako kriminal! Antok lang talaga, okay?!

Lumipas pa ang ilang sandali, at narinig kong may pumara. Inangat ko ng konti ang ulo ko at si ate pala ang bababa. Lumingon ako at nakita ko na nasa harap na pala kami ng gate ng subdivision. Packing tape!

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now