Chapter 25

6.6K 215 15
                                    

K E V A N



Isang linggo na ang nakalipas mula ng nagtungo kami sa Punta Caballero. Isang linggo na mula nang nauwi sa gulo ang aming kasiyahan na naging dahilan ng pagkabali ng braso ni Denver. Ilang araw na rin ang nakalipas at bumalik na kami sa kaniya-kaniyang buhay. Pero di ko naman masasabing bumalik na sa normal ang lahat dahil marami talaga ang nagbago.

Isa na dito ang status namin sa pep squad. Dahil sa nangyari kay Denver, kailingan niyang magpahinga para tuluyang gumaling ang braso niya na maaaring umabot ng ilang buwan. Nagalit nga ang coach namin nang malaman niya ito. Pero wala na din kaming magagawa, nangyari na eh at di naman namin ginusto yun.

At dahil dun, kulang na kami ngayon ng isang lalaki sa squad. Malaking adjustment ang gagawin namin dahil wala si Denver. Pumupunta man siya sa training namin eh hanggang nood na lang muna siya at para sunduin si Loraine. Nakakapanlumo talaga ang nangyari sa kaniya, at mapapansin na sobrang na-apektohan siya sa kanyang sinapit.

At dahil kinailangan nga ni Denver mag pahinga, naipasa ngayon sa akin ang responsibilidad ng pagiging captain, at si Timmy naman ang co-captain ko. Aaminin ko, hindi talaga ako leader material. Hindi naman sa ayaw ko ng responsibilidad o accountability, pero alam ko kasi na mas okay ako na member kesa sa leader. Ngunit sa sitwasyong gaya nito, wala akong magagawa kundi tanggapin ang responsibilidad ng pagiging captain lalo pa't ilang buwan na lang, start na ng National Cheerleading Competition.

"What if mag recruit na lang tayo ng bagong member na lalaki, Kev?" suggestion ni Timmy.

Hmm, napaisip ako. "Pwede din. Pero sana yung may skills na para di na tayo mahirapan. Kahit simpleng tumbling lang at malaki ang katawan. May kilala ka ba na pwedeng sumali?"

Napaisip na lang din si Timmy. Andito kami ngayon sa bleachers area ng gym, naghihintay na matapos ang training ng women's volleyball team para kami naman ang next na gumamit ng court. Maaga pa naman at hindi pa nakakarating ang iba naming mga kasama.

Umaalingawngaw ang hiyawan ng mga volleyball players habang nag papractice game sila, at dinig din sa gym ang sigaw ng kanilang mga coaches. Ilang araw na din kaming nagpapractice na wala si Denver, at nahihirapan talaga kami sa pag adjust ng aming routine.

Marami na kaming naisip na solusyon. Na-consider na naming mag palit-palit ng stunt groups para maka adjust lang sa absence ni Denver, kaso parang mas lalo lang nagiging complicated ang lahat. Hirap kaming mag-buo ng stunts, pyramids, at nahihirapan ang flyer niyang mag adjust sa bagong base nito. Sa tingin ko, mukhang maganda nga ang suggestion ni Timmy na mag recruit na lang ng bagong member na lalaki, at mag double time na lang sa pag training dito. Wala naman kaming mahugot sa mga trainees namin dahil puro babae ang mga ito.

Maya-maya pa'y natapos na ang training ng volleyball team at nagsidatingan narin ang iba naming mga kasama. As usual, harutan dito, harutan doon. Pero di na ako pwedeng makisali ngayon, kailangan ko munang mag seryoso dahil ako ngayon ang tumatayong captain. Lalo pa't nag text ang coach namin na di siya makakapunta sa training ngayong gabi kaya ako muna at si Timmy ang magti-take over.

Usual routine – latag ng rubber mats, stretching, at practice na ng routine namin para sa National Cheerleading. Nasa harap ako ng squad para tingnan ang progress ng training at para mag bigay din ng mga instructions. Kakatapos lang naming mag practice ng stunts.

Lumipas ang ilang sandali, naagaw ang aming pansin ng ingay na nanggaling sa entrance ng gym. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung kanino nagmumula ang ingay. Papasok ngayon sa gym ang mga matatangkad na varsity ng basketball suot ang kanilang jersey na pang practice, at bitbit ang mga naglalakihan nilang bag. Agad kong nakita si Kent na ngumiti sa akin, si Louie, at ang tukmol na si Jansen.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now