Chapter 19

7.8K 234 18
                                    

W A R N I N G

This chapter contains scenes that are mature / explicit / sexual in nature which may trigger / offend sensitive readers.

Reader's discretion is advised.


* * *


J A N S E N



Tanging tunog ng mga yapak ko at bola na dini-dribble at shino-shoot sa ring ang naririnig sa buong court. It's Friday morning kaya solo ko na naman ang basketball court sa clubhouse.

Basketball lang naman ang gusto kong gawin aside from playing flight simulation games sa iPad ko at sa computer, o kaya mag hang-out kasama ang best friend ko o mga iba kong teammates sa basketball. Kwentuhan, alak, yosi, at siyempre, di mawawala ang mga chicks, pare!

Pag dating sa babae? Sus, sisiw! Mga babae pa mismo nagkakandarapang maka score sa 'kin. Sila pa yung unang nagpapakita ng motibo at nagpapapansin sa akin para maikama ko lang.

Fame, good looks, and rock hard muscles worked magic for me. Good looks na namana ko sa parents ko, rock hard muscles na pinag hirapan ko sa gym, at fame na dala ng pagiging star player ko sa basketball team ng school namin.

Matinik ako pag dating sa basketball. Mabilis akong gumalaw para sa laki ng katawan at height kong 6 flat. Sisiw lang sa 'kin mag lay-up, jump shot, dunk, pati na rin mag guard sa kalaban. Ano pa't ako ang pinaka magaling na power forward ng team.

Ang best friend ko namang si Kent ay magaling namang point guard. Siyempre, ako kaya ang nagturo sa kaniyang mag basketball back when we were kids. Sa pag pupursigi niya sa laro ay na develop niya din ang skill niya sa pag handle at pag pasa ng bola, pag assist, steal, at kayang-kaya niya ding mag shoot even outside the three-point lane.

Sa talas ng isip niya, he can easily recognize the weaknesses of the opposing team's defense, and spot the strengths of our team's offense.

Pero madalas, ako lang mag isa dito sa court. Nasa isang exclusive subdivision kasi 'to kaya wala ako masyadong kalaro. Kapag nag babasketball kasi ako, masaya ako. Kapag nasa court ako, nalilimutan ko ang mga problema. Ako lang at ang bola.

I've been skipping basketball practices lately. Nakakatamad na kasing gumising ng maaga. Minsan gabi na din ako natutulog, o minsan hindi na nga eh. Nagpapractice na lang kahit may hang-over, at natutulog na lang sa klase.

Nakakawalang gana kasi umuwi sa bahay eh. My mom and I have an unusual mother-son relationship. When my dad passed away because of that car accident, mom became a personal "sommelier" of herself, as Kent would describe it. Basta, ayaw ko na muna pag-usapan.

Matapos kong mag basketball, kinuha ko na ang gamit ko sa court-side at tinungo ang shower room. F*ck! Wala ako dalang face towel, basang-basa pa naman ako ng pawis. Kaya hinubad ko na muna ang jersey ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang shower room.

Napadaan ako sa may swimming pool ng clubhouse at may konti nang nag siswimming doon. Napansin ko naman ang malagkit na titig sa 'kin ng babaeng naka bikini na nakatapis sa may gilid ng pool. Sanay na 'ko sa mga tagpong ganito, sa mga malalagkit na tingin ng mga babae, lalong-lalo na ng mga binabae.

Binagalan ko ng konti ang paglalakad ko, at kunwaring nag unat-unat, pero ang totoo niyan eh gusto ko lang ipakita sa kaniya ang abs ko at mga malalaki kong biceps.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon