Chapter 32

5.9K 220 34
                                    

WARNING

This chapter contains scenes that are mature / explicit / sexual in nature which may trigger / offend sensitive readers. Reader's discretion is advised.


* * *

J A N S E N

"Hoy, Jansen! Start na training mo sa Monday ha! 7:00pm!" rinig kung sigaw ng kumag habang naglalakad ako palayo ng gym.

Training. Monday. 7pm. Training. Monday. 7pm. His words reverberated in my head like a church bell on a dreary Sunday morning.

"Pakyu!" yan lang ang maisasagot ko, but I didn't bother voicing out my anger. Nagmadali na akong lumabas ng gym.

Kinurot ko ang kamay ko at baka sakaling masamang panaginip lang ang lahat. Pero hindi!

Pvtang ina! Ako? Talo?! Sa basketball?! Natalo ako ng kupal na yun?! Di ko matanggap. Ang saklap, pare! Kung bakit kasi....aaarrgghhh!

Napayuko ako't napasabunot sa buhok habang naglalakad. Basang-basa ako ng pawis pero di na 'ko nag-abalang mag palit ng damit. I needed to get away from this place real quick. Kailangan ko ng yosi para kumalma. Alak narin siguro. Ayoko nang makita pa ang mga pagmumukha ng mga hinayupak na yun, especially Kevan. Naaalala ko lang kasi ang....aaarrrgghhh! Ano ba Jansen?!

"Bro, wait up!" sigaw ni Kent at narinig ko ang mga yapak nito papalapit sa akin.

Tumigil ako't tiningnan siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. In fact, kanina pa siya nagtatanong kung okay lang ba ako, kung ano ang problema. Kaso lang.....haayy. Di na 'ko sumagot at hinintay na lang siyang magsalita.

"You seemed distracted back there. What's wrong?" nagtatakang tanong ni Kent.

"Distracted? 'Distracted' is an understatement, Kent!" I thought.

Ganon ba ako ka halata na wala sa focus? Kung bakit kasi hanggang ngayon, di parin maalis sa isip ko ang....Shit! Fvck!

Di ko kayang tingnan sa mata si Kent. Di ko alam kung pano ipapaliwanag sa kaniya, o pano sasagutin ang tanong niya. Nagsimula na lang muli akong maglakad, but he stopped me by grabbing my arm.

"May problema ba? Come on, tell me!" kunot-noo niyang tanong.

I know, concerned lang sa akin si Kent. Thankful ako dun. Pero di ko kayang i-share sa kaniya ang pinagdadaanan ko. Ayoko.

"Wala. Okay lang ako," malamig kong tugon.

"No, you're not okay. I know something's wrong. What's going on?" bakas sa mga mata niya ang pagtataka.

Kung may tao mang nakakakilala sa 'kin ng lubusan, si Kent yun. At alam kong alam niya na hindi ako okay. Pano ba ako magiging okay na sa tuwing makikita ko ang kumag, naaalala ko na naman ang....Aaarggghhh! What the fff...

Napayuko ako't napahawak sa batok. Di ako makasagot. Trust me, Kent. Kung simpleng bagay lang sana 'to, sasabihin ko naman talaga sa 'yo. Kaso hindi. Hindi ko na alam ang gagawin para mawala 'to sa isip ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko. At hindi ko matanggap na sumagi sa isip ko yun ng ilang beses, at hanggang ngayon, sariwa parin sa aking alaala. Lakas loob akong sumipot sa pustahan kasi akala ko okay na 'ko, na kaya ko siyang harapin. Nagkamali ako. Tang-ina talaga!

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon