Chapter 26

7.5K 213 44
                                    

J A N S E N


Ang lakas ng loob maghamon, eh di nga umabot sa ring ang tira. Palibhasa, bakla! Siya na nga 'tong naka bangga sa akin, siya pa ang may ganang magalit?

Some people make me wish I have more middle fingers.

At ang tapang niya na ngayon! Dahil ba nasa likod niya ang mga kasama niya, confident siyang may kakampi siya? Hindi ako natatakot! Magsama-sama pa silang mga bakla! Tang-na niyo!

Baka gusto niyang balian ko siya kagaya ng pagkabali ng ungas na Denver na yun? Di ko man ginusto ang nangyari, pero bagay lang sa kaniya yun. Kung di lang ako lasing, sobra pa siguro dun ang inabot niya. Pasalamat siya.

Baka sabihin niyong masama akong tao? Nah! I'm not a bad person. I just know how to return the favor to those who do me wrong. Yeah, lasing ako that night sa Punta Caballero, pero alam ko ang nangyari.

Naka idlip lang ako saglit, naka score na agad sa 'kin ang baklang Kevan! Gusto ko siyang suntukin. Gusto kong durugin ang pagmumukha niya, kaso nakaharang ang ungas na Denver, kaya siya ang napagbuntungan ko ng galit. Tama lang yun sa kaniya. Aarrgghh! Ayaw ko talaga sa mga bakla!

Ilang araw na din ang nakalipas, pero feeling ko ang tagal na. Medyo nagsisi ako bakit ako sumama dun; di man lang ako naka score. Lap dance lang ang nakuha ko, at mula pa sa ex ko. Oo, ex ko nga si Joey, pero dati pa yun. Sabihin na nating, puppy love lang ang namagitan sa amin.

Andito kami ngayon sa gym para magconditioning dahil may game kami bukas against our rival school. Nakihati kami sa court with the faggot squad dahil di kami sinipot ng magaling naming coach. Nagka-girian pa kami ng kumag na Kevan, wala namang binatbat!

Malamang na gulat siya na marunong akong tumambling? Yeah! Somehow may natutunan din naman ako sa pagsama ko sa mga B-boy friends ko nung high school. People may not know it, but may angking talento din ako sa pag sasayaw, lalo na sa break dancing. 

The look on Kevan's face after seeing me tumble was hilarious! Pero sa atin lang to ha, grabe kaba ko dun! Tagal ko nang di nagawa yun, pero dala na lang din siguro ng adrenaline kaya nakaya ko pa. Hinamon pa talaga ako eh! Ayun, pinasa ko sa kaniya ang bola. Sinubukan niyang i-shoot, at di man lang umabot sa ring amp*ta! Sa lahat ako pa ang hinamon niyang mag 1-on-1? Edi magka pustahan na para masaya. Alam ko namang wala siyang magagawa laban sa akin.

Nakaupo ako sa bleachers area matapos kong mag cool down. Napagod ako sa conditioning namin tonight. Medyo maingay pa sa gym dahil di pa tapos mag practice ang faggot squad. Kanina ko pa napapansin ang mga titig ng mga babae at binabae sa kabilang dako ng court. Kaya lalo naman akong nag pakitang gilas. Natawa pa ako nang nag hubad ako ng jersey ko. Halos malalaglag ang mga panga nila kakatitig sa abs ko. Phew!

Katabi ko si Kent na busy sa pag-aayos ng bag niya. Alam ko, maging si Kent ay nakakakuha din ng atensyon ng mga nasa kabila. Pano pa't naging mag best friends kami eh pareho kaming gwapo at macho. Kumakalikot ako ng phone ko nang mapansin kong may mga nakatayo sa harapan ko.

Tsss! Anong kailangan ng mga 'to sa'kin? Nagtataka akong humarap kila Kevan, Timmy, at Loraine.

"Jansen," tawag sa 'kin ng kumag. Kunot-noo akong humarap sa kaniya.

Anong kailangan ng mga 'to?

Tiningnan ko lang sila isa-isa, hinihintay na mauna silang magsalita. Di na 'ko mag-aaksaya ng laway. Napapansin ko na parang tensed ata ang kumag, medyo namumutla siya at panay ang kagat niya ng labi niya.

Nag-unat ako para naman medyo mag show-off ng muscles ko, di parin kasi ako nagsusuot ng damit. Mukhang effective naman dahil nakita kong napatingin ang Timmy. Then I faked a yawn and looked away to let them know I wasn't interested.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora