Chapter 12: Kodigo

Start from the beginning
                                    

Pero hindi parin naalis nito ang panghihinayang ko sa oras na wala siya dito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon, pero dati kasi na umaalis siya, wala naman akong paki. Pero parang ngayon iba, yung ayoko siyang umalis. Gusto ko siyang palaging makita. Pero baka dala narin ito ng pagod na nararamdaman ko, stress ba.

"So that would be all." Pagtatapos niya. Tumingin siya kay Ryan, "Ryan, I'll have a word with you after your shift."

Tumango lang ng nakangiti si Ryan bilang sagot. Tumayo na ako upang padaanin sina Ryan at Cait. Nang malapit na sa akin si Cait, pinalupot niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ako paalis. Gusto ko pa sanang kausapin si Brent, pero hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

"Caitlin?" Natigil si Caitlin, at dahil nakahawak siya sa akin, pati ako ay nahinto sa paglalakad. Bahagya akong nakaramdam ng kung ano. Bakit si Caitlin ang tinatawag niya, bakit hindi ako? Pero ano nanaman ba tong sinasatsat ko, sino ba ako? E- "May I borrow Thalia for a moment?"

"Ay ano raw?" Hindi ko mapigilang bulalas.

Bumingisngis lang itong si Caitlin bilang kasagutan sa tanong ko, at itinulak na ako pabalik. Naiilang akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Walang nagsalita sa amin, kaya lalo lamang akong nailang. Iniwas ko na lamang ang tingin ko.

Narinig kong tumawa si Sir Brent, "Bukas na yung flight ko, Thalia."

"Ah.. eh- ganun ba?" Ano bang dapat kong sabihin? Bakit niya sinabi sa akin lang ito? Ano na, Thalia, ano na? "Mag-ingat ka."

Gusto kong untugin ang sarili ko sa mesa, gustung-gusto. Anong klaseng sagot yon?!

Muli lang ngumisi si Brent. At kada ngisi niyang iyan, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko at ang panlalamig ng mga kamay ko. Bakit ba kasi saksakan siya ng kagwapuhan? "Thanks, Thalia."

Nanlaki ang mga mata ko nang magpasalamat siya. Nasabi ko nanaman ba ng malakas ang dapat na isipin ko lamang? Narinig ba niya? Jusko, nakakahiya akong nilalang- "Mag-iingat ka rin while I'm gone."

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko, at para rin akong pinasubo ng isa pang tinik sa sinabi niya. Hindi naman pala niya narinig ang mga sinabi ko, pero tatlong buwan? Sobrang tagal naman ata nun? Gustuhin ko mang itanong ito sa kanya, sino ba ako? Napakamapapel naman ng dating ko nun. "Susubukan ko." Pilit na ngiti ko nalang na sabi sa kanya. Iyon naman kasi talaga ang dapat kong gawin, ang mag-ingat, kasi wala rin naman akong ibang choice.


"And I have a favor to ask, if you don't mind?"

Tumango ako, "Sige, sige okay lang. Kahit ano." E matagal ko na nga siyang hindi makikita, tatanggi pa ba ako? Magdadalawang isip pa ba?

"I want you to make sure that Lance comes to work everyday."

Biro lang pala sir, ayoko po palang tanggapin yung pabor na yan. "Lance is under a lot of stress lately. Please make sure that he's okay and he's coping with the environment dito sa shop well."

Stress? Marunong palang mastress yung Asher na yun? "I hope kinalimutan mo na yung rough start ninyo. Mabait naman siya, sadyang nata-timing-an mo lang yung ibang side niya."

Hindi ako kaagad sumagot. Kalimutan? Hindi naman ako ganun kadaling lumimot. Pero syempre, hindi ko sasabihin kay Brent iyon. Wala akong ibang magagawa kung hindi ang sumangayon nalang sa sinasabi niya. Kasi yun naman ang gusto ko, ang mapasaya si Brent.

Kaagad akong umiling upang alugin ang utak ko. Ano ba tong mga pinag-iisip ko?

"I trust you, Thalia. Kaya I'm assigning this job to you."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now