I grabbed my duffel bag and hung the towel on my shoulder before walking away. Sumunod naman siya sa akin agad nang palabas na ako ng gym.
"Anong pinag-awayan niyo?" sinubukan ko siyang tanungin. "Nababaliw kana naman, eh. Halata ka," I blurted.
"Wala 'yon. Mahabang salaysay sa isang maliit na rason kung bakit hindi na naman kami magkasundo." Napailing siya.
I slid my duffel bag on the backseat before facing Vince again. Malalim na ang iniisip niya ngayon at nakatitig na sa sahig ng parking lot.
"May kotse kang dala? Kung wala, hatid nalang kita." I offered, getting my keys. Mabilis akong naghubad at nagpalit ng damit bago ko tuluyang isinara ang pintuan sa backseat.
Hindi pa rin siya umimik doon kaya tinawag ko siya ulit. "Hoy, buhay ka pa ba?"
"Huh?" Muli siyang napakurap kaya napamura na ako. "Ano ulit?"
I heaved a breath before talking. "Sasama ka ba sa akin o may dala kang kotse?"
"May dala ako, mauna kana." I nodded then entered my car after bidding another goodbye. "Ingat, bro!" narinig ko pang habol niyang sigaw.
He looked so tense earlier. Hindi ako naniniwalang maliit lang ang dahilan ng pag-aaway nila. Akala mo naman talaga ay magkasintahan. Ni hindi nga sila nagpapansinan minsan sa lala ng topak nila sa isa't-isa.
"Enjoy your short vacation," the professor said when I passed the last exam I took. "Well, I could really see your coming high score, Mister Fernorei!" I don't know if it was a compliment or something but I just smiled at her so I could go out.
Nang makalabas ako ulit sa faculty ay palubog na araw dahil hindi pa rin naman nagtatagal ang pagsasagot ko kanina at sobrang tagal kong naghintay kanina sa kaniya.
Natapos ko na ang isang subject kaninang umaga kaso, ang huling professor ay hindi ko mahagilap. I even mentioned her on our group chat because her account was on private mode and I can't send a direct message.
Sinabihan niya akong mamayang hapon ako bumalik dahil may nilakad pa siyang nga papeles. Hindi naman ako para magreklamo dahil late takers na man na ako.
I just slept that afternoon instead of waiting for her there. Dahil hindi naman niya sinabi ang eksaktong oras ay bandang alas dos ako pumunta. Kaso, hindi pa rin siya nakabalik at hindi rin ako makabalik sa condo dahil baka bigla siyang dumating.
Hindi na tuloy ako nakapag-ensayo sa mga song request nila kaya ipinagpaliban ko nalang muna.
Humiga ako sa kama nang makarating sa condo, tapos na maligo. I needed to reserve my energy and rest my body because I am planning to drive home later.
Balak ko kapag medyo malalim na ang gabi para hindi na masyadong traffic at hindi na ako matagalan. Mas mabilis kasi makakarating doon kapag deritso ang byahe.
To: Lifeline Lola Crezsie
Uuwi ako. For sure, you missed your only grandson :')
I chuckled upon reading my message. I just find it fun joking around her. Hindi naman siya nagagalit kapag ganyan lang.
I immediately received a call from her.
"Kailan ka uuwi?" iyon agad ang itinanong niya nang sagutin ko ang tawag. "Magluluto at magpapakain ako!"
Natawa ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, gusto ng handaan kapag napapauwi ako roon. Minsan, nagtatawag siya nang kapitbahay pero minsan, mga helpers at mga drivers lang namin ang bisita. Dinadala niya lang ang iba sa kompaniya kapag marami pa ang naiwan.
"Maayos na ba katawan mo, La?" I asked instead. Baka magpagod kakaluto, naloko na. "Ayos lang naman kapag wala nang handa," I reached for the pillow and hugged it.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 13
Start from the beginning
