Someone suggested that I should buy a ring light or something that could light up the place so it won't be so dark especially the part of my condo where I am having my live right now.
"Actually, I always live on my balcony, kaso, kakatapos ko lang mag-aral, eh. Nakakatamad na magset-up roon," I tilted my head and laughed a bit.
Sa balcony, marami akong ilaw doon. Kabilang na ang lumpshade at mga ilang kulay na nakapalibot sa buong balkonahe kaya talagang maliwanag.
They asked several questions and I only answered it based on my capacity. Kung ano lang ang kaya kong ibahagi lalo pa at may mga personal na silang tinatanong sa akin.
I didn't mind sharing some of my information online especially since I chose this path as a hobby to stay away from stress but on the other hand, I don't want to associate the important ones including the private one.
Kung kaya, ayoko rin na nadadala ang pangalan ni Lola dahil hindi naman na importanteng malaman nila ang tungkol sa kaniya. Hindi natin mapipigilan ang mga nalalaman ng mga tao sa likod ng mga account nila, pero pwede nating subukang huwag ibigay lahat.
Sa isang pagkakamali, maaari nilang magamit iyon laban sa 'yo. Kaya nililimitahan ko lang sa mga taong malalapit sa akin ang mga mahahalagang detalye sa buhay ko.
"Girlfriend? I don't have a girlfriend right now and I am not thinking about it but if, in any case, there would be one person that will catch my attention, then who knows, right?"
Marami pa silang tinanong hanggang sa nagsimula na akong kumanta. I started with some of the OPM music down to the international songs. Mas marami nga lang ang mga pinoy music dahil mas marami akong alam doon sa ngayon dahil hindi ko pa naman napag-aaralan ang ibang kanta lalo na at mga sikat sa labas ng bansa ang mga kumanta no'n.
I thanked all of them for watching my live before ending it. Hindi na ako nagpuyat dahil may tatapusin pa akong exam bukas.
"Euseff!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. At hindi pa palayaw ang ginamit. "Grabe, seryosong-seryoso sa buhay..." Vince appeared in front of me, hands on his waist.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa gym na pinupuntahan ko dahil ang alam ko ay hindi naman siya madalas napapadpad rito lalo pa't matao.
"Tangina mo, Greygory," kalmadong sagot ko. "Anong kailangan mo at napunta ka rito?" tinaasan ko siya ng kilay habang nagpupush-up.
Because honestly, it feels so weird seeing him here. Unless, he has other agenda...
"Tigilan mo ang pangalan ko, Zacchaeusse Euseff." Umismid siya. Tangina nito, mukhang bata.
Seryoso? Nagpunta lang siya rito para mang-asar at guluhin ang umaga ko? Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tumayo na lang para kuhanin ang towel ko at nagsimulang magpunas sa katawan.
"Ano nga ang pinunta mo rito?" Tangina, nagbebenta na siguro 'to ng droga at nagsisimula nang magtago. "Hoy, baliw!"
Napakurap siya kaya umayos na siya. "Wala naman, naglalakad lang ako tapos parang... nakita ko si Bench kaso hindi pala."
Seryoso ko siyang tiningnan. "Paano mapupunta rito 'yon, eh, hindi naman 'to malapit sa condo niya?" nagtatakang tanong ko.
Nagkamot siya ng ulo bago nagsalita. "Akala ko talaga siya kaso hindi pala, pumasok kasi rito kaya pumasok din ako." He looked like shit in front of me, really.
Siguro nag-away na naman silang dalawa kaya kung ano-ano nalang ang nakikita ng isang 'to. Ganito rin sila noong minsan silang mag-away, eh. Pareho nilang napagkakamalan ang ibang tao sa tuwing hindi sila magkasundo.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 13
Start from the beginning
