"Thank you, Captain!" the other girl giggled. "Shit, ang bango niya! Naamoy mo 'yon, jusko, mukhang hihimlay na yata ako!"

Umupo ako sa bakanteng damuhan roon. Bitbit ko pa ang supot na may lamang shawarma sa loob. Natakam ako, eh.

Nagmamasid lang ako sa ibang taong tumatambay din. I saw people laughing and others playing some sports.

Bigla kong naalala si Uno nang makakita ako nang naglalaro ng Volleyball. I need to see him so I can apologize. Pagkatapos kasi noong interview ng courtside journalist sa amin, hindi na kami nagkita dahil deritso uwi na siya lalo nang matapos ang awarding.

Gusto ko sana siyang lapitan noong siya na ang kinakausap ng journalist sa gilid kaso bigla naman siyang kinuyog ng mga teammates niya kaya nawalan ako ng pagkakataon.

Pero kung nangyari man 'yon, hindi naman magmumukhang seryoso ang paghingi ko ng tawad sa pagkakasuntok ko sa kaniya. Baka magmukha pang pilit at isipin pa niyang kung hindi pa kami nanalo ay hindi ko maiisip 'yon. Tama lang din siguro 'yon dahil marami pang emosyon ang nararamdaman ng bawat isa sa amin sa mga oras na 'yon kahit nanalo man sa laban o hindi.

Marami pang nagpapicture sa akin doon lalo noong nadaanan nila ako habang pauwi ang iilan. I felt a bit awkward because I am not used to being popular.

Iba naman kasi ang social media lang. Hindi naman ako nakikita ng mga tao sa personal. Pero iba kasi ngayon at medyo nahihiya ako.

"Grabe, kami rin!" sinamaan ko ng tingin si Gideon nang maabutan niya akong halos maduling na kakangiti. "Sikat na sikat ka na!"

"Idol, can we have a photo with you?" panggagatong ni Sam. I just made a face before taking a picture with them.

Umuwi na rin ako kaagad pagkatapos no'n dahil medyo napagod ako sa pagsagot ng exams, pagngiti sa harap ng camera at paglalakad dahil sa malayo ang pagkaparking ko sa dala kong sasakyan.

Maayos ang naging tulog ko kagabi dahil maaga lang natapos ang dinner namin with the team kaya nasa tamang wisyo ang katawan ko. Bumalik na rin ako sa dating routine ko sa gym dahil hindi naman na ako pupunta sa training.

I took a shower upon arriving at my unit. Nagluto na rin ako saglit bago nilatag sa living room table ang mga reviewers ko for the other subjects.

Kaunti lang ang nireview ko dahil tapos na man na ako sa halos lahat ng lessons. Naging libangan ko lang habang hinihintay maluto ang pagkain.

I opened my laptop for a bit when I was confused with that one certain topic. Mali lang pala ang naprint ko kaya medyo naging magulo tuloy ang utak ko.

I studied for it for a while then rested my mind early. Kinuha ko na lang ang phone ko para muling maglive sa tiktok app. It has been a while since my last live music cover there... so I think, I needed to go back.

I just don't like the idea of stressing myself with studying because it will only cause burnout. Mas mararamdaman ko lang ang pagod at pagkalusaw ng utak ko.

"'Yung mga alam ko na muna, hindi ko pa kasi naaral ang ibang request niyo," I said, "But after my exams tomorrow, I will immediately practice for the song you guys requested. So, yeah. Don't worry, hindi ko kayo tatakbuhan!" I chuckled.

Marami na agad ang napadpad sa live ko kahit kakasimula ko pa lang. Hindi pa ako nagsisimula agad kasi kinokondisyon ko pa ang gitara ko. Nagbabasa lang muna ako ng comments nila kaya mas lalong natagalan.

"Thank you, it was a tough game, by the way." Sagot ko nang maraming bumati sa pagkapanalo namin sa laro nakaraan.

I pinched my lower lip while staring at the phone's screen.

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now